Special Chapter

870 25 1
                                    

Mga apo, ikwekwento ko sa inyo kung paano nagpropose ang lolo niyong Kumag sa akin

Nang magiisang taon na kami mula nang nagkabalikan kami, naglalaro kami noon ng basket ball

Flashback

"Three points!" Sigaw ko nang nashoot yung bola sa ring, tumatalon talon pa ako paikot ng court dahil sa tuloy tuloy na nakakapasok yung bola sa ring

"Pagod na ako! "Reklamo ni Hariz at saka napaupo sa gitna ng court, lagi ko kasing naaagaw yung bola mula sa kanya

Kaming magbabarkada lang ang naglalaro dito sa court pati sila Heza at Jane ay nakisali na din

pumunta muna ako sa may bench para uminom ng tubig, maya maya ay lumapit sa akin si Kumag at binigyan ako ng face towel, kinuha ko naman ito sabay pinangpunas ng pawis ko, nang ibabalik ko na sana sa kanya yung panyo ay agad naman siyang tumakbo palayo sabay bato sa akin ng bola ng basketball, at dahil nga sa kawalang hiya niyang ginawa sa akin ay nabitawan ko yung face towel tapos sinalo ko yung bola

"nang aasar ka ba? sapak gusto mo?" naaasar na saad ko atsaka malakas na ibinato pabalik yung bola sa kaniya

Dinaplot ko naman yung panyo at tangkang ibibigay kay Kumag nang may nahulog na sing sing ,kinuha ko naman ito at binigyan ng masamang tingin si Kumag

"Ken Trillias!" sigaw ko tapos ay ngumiti pa siya sa akin, at ang walang hiya lumapit pa sa akin, talagang tuwang tuwa pa siya na nahuli ko siyang mambabae, sigurado akong hindi ito sa akin dahil hindi naman ako mahilig na magsuot ng kahit na anong alahas.

"Nakita mo na" natutuwang saad ni Kumag, at natutuwa ka pa talagang lalaki ka ha?

"Sino nanaman bang babae mo ha? Akala ko ba wala nang kayo ni Trisha?" Naaasar na naiiyak kong sabi

Bigla namang napakunot ang noo niya

"Wala akong ibang babae!" Mahinahong sabi niya sa akin tapos ngumingiti ngiti pa talaga siya, bwisit na yan

"Huwag ka ngang magsinungaling! Eh ano ito?" Sabi ko sabay pakita ng sing sing, nakakawala ng angas ang Kumag na ito, bwisit.

Nakita ko namang nakatingin sa amin sina Hariz na kanina ay nakangiti pero ngayon tumatawa, at may gana pa talaga silang tumawa.

"Zoe" tawag sa akin ni Kumag sabay luhod, kinuha niya mula sa akin yung sing sing

"Itong sing sing ay para sa iyo" saad niya habang nakatingin ng direkta sa mata ko

"Wala akong ibang babae"

"Pero boyish na gf meron!" Sabi niya sabay halakhak, At may gana pa talaga siyang hunalakhak ha? Ipalunok ko itong sing sing eh!

"Zoe, gusto kitang makasama habng buhay pa tayo, at itong sing sing aayain sana kitang magpakasal ang kaso namisinterpret mo, inihagis ko sa iyo yung bola para mabitawan mo yung panyo dahil nakaipit doon itong sing sing" sumibol naman ang kakaibang pakiramdam, magkahalong pagkapahiya, kaba, at hindi maipaliwanag na tuwa. pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto.





"Zoe, pakakasalan mo ba ako?"

Nagulat naman ako don, pero agad ding ngumiti, napatingin naman ako sa paligid namin at nakangiting nakatingin sa amin ang barkada at gulat ko namang tinignan ang mga taong hindi namin kasama kanina, paanong nandito na ang pamilya ko at pamilya ni Kumag?

"Ken?"

























"Oo"

Lumawak naman yung mata niya tapos agad na isinuot yung sing sing sa kaliwang ring finger ko

Ngayon ko lang natitigan ng husto ang disenyo ng sing sing

Yung pendant niya ay kulay kahel at kung tititigan mo ito ng husto ay parang bola ng basketball, agad naman akong niyakap ni Kumag at hinalikan sa pisngi

"I love you" malambing na sabi ni Kumag sa tainga ko habang magkayakap pa din kami

"I love you too Kumag" tugon ko atsaka ginawaran siya ng halik sa pisngi, nakakabakla man itong ginagawa namin ay walang makakasira sa kasiyahang nadarama ko sa mga oras na ito

End of Flashback

At pagkatapos niyang magpropose sa akin, ilang buwan lang ang lumipas ay nagpakasal din kami ni Kumag, sa resort kung saan lagi kaming nagbabakasyon ng barkada kami ikinasal.

"Kumag! Nakita mo ba yung suklay ko?" sigaw ko habang hinahanap ko ang suklay ko, wala kasi ito sa lalagyanan nito.

"Nasa sahig!" tugon naman ni Kumag, napatingin naman ako sa kaniya at nakaturo siya sa suklay na nasa sahig

"Ha? Paanong nasa sahig?" kamot kamot ang ulo kong sabi atsaka sinubukang kunin iyon

"Malamang nilaro nanaman ng mga apo mo" mana talaga sa lolo nilang Kumag na maloko

"Anak Zoel! Pakuha naman! Alam mo namang may arthritis na ako kaya di ko na maabot ang sahig" nagpapaawang sabi ko sa lalaki kong anak na agad din naman niyang sinunod

"Eto ma" sabi nito sabay abot sa akin ng suklay ko

"Salamat, nako! Ang gwapo talaga ng anak ko! Manang mana sa nanay! At ang ganda ganda din naman ng anak kong isa!" sabi ko atsaka hinaplos ang mga pisngi nila

"Eh lola! Sinuot mo nanaman itong cap ko?" sabi ng babae kong apo, mukhang sa akin ata nagmana sa kaastigan

"Hehe! Ang gwapo kasi ng disenyo apo eh!" kamot ang ulo kong sabi atsaka ibinalik ang cap nito, astig pa man din.

"Hayst lola talaga!" nakangiting sabi ng apo ko sa akin at napilitang ibigay sa akin ang cap niya, masaya ko naman itong inabot


Nakangiti ko namang pinagmasdan ang mga anak kong pinatatahimik ang mga apo kong makukulit, ngunit mukhang mana nga talaga sa lolo nilang Kumag dahil hindi sila nagpatinag at patuloy pa din ang mga ito sa pagtakbo sa loob ng bahay, kung tutuusin ay gulong gulo na ang bahay, para bang may bagyong dumaan sa loob mismo ng bahay, ngunit kahit na ganoon ay napapangiti pa din akong pinagmamasdan ang pamilya ko, napatingin naman ako sa katabi ko at nakangiti na din itong nakatingin sa mga anak at apo namin, hinawakan ko naman ang kamay ni Kumag kaya napatingin ito sa akin, kitang kita na ang kulubot sa mukha nito ngunit hindi pa din nawawala ang angking kagwapuhan nito.


Kulubot na ang aming katawan, maputi na ang aming mga buhok at uugod ugod na pero ang pagmamahalan namin ni Ken ay hindi nawawala.

-End of Special Chapter-

Thank you :-) :-)

Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now