chapter 15

1.4K 48 7
                                    

Zoe's POV

Ang hirap naman maghanap nang yaya! Ihanapan ko daw kasi nang yaya si Heizer, ang tamad kasi ni Kuya, Sarap sapakin!

"Aaah! Bahala na!" sigaw ko, atsaka ginulogulo yung buhok ko

---

"Oh ayan kuya andiyan na yung yaya, pero Kuya may sasabihin ako sayo" seryosong sabi ko kay kuya, napatingin naman siya sa akin





"Ano?" seryosong tanong ni Kuya, napahawak naman ako sa baba ko at hinimas ito




"Wag agad kayo magtiwala dun sa yaya,hindi ako sure sa pagpili sa kanya eh! Ang hirap kase,at sa ngayon dito muna ako sa bahay niyo para sure" sabi ko kay Kuya na para bang baliw sabay tawa





"Sige una na kami,baka malate pa kami sa trabaho" sabi ni Kuya tapos inakbayan pa si ate hesed, oh edi sila na may poreber.





"Sige alis!" sabi ko sabay kaway sa kanila,pinapasok ko na yung yaya,ngumiti nalang ako sakanya






Pinakilala ko na rin yung yaya kay bubwit





"Ah ate,may pupuntahan pala ako ngayon,pakialagahan yang pamangkin ko ha? bye bubwit, Be a good boy." sabi ko,at kunwari'y lalabas ako nang bahay,pero pumunta lang ako sa kwarto na lihim na malapit lang sa kwarto ni bubwit, syempre para makasiguro,





Dalawang oras mahigit na akong nagtatago dito sa kwarto
"Bakit ba ayaw mong matulog chanak ka ha?" Rinig kong sigaw nung yaya, napatigil naman ako sa paglalaro nang baril barilan sa phone ko,lalabas na sana ako nang kwarto nang may sumigaw ulit




"Ano ba! laro ka na lang nang laro! Gusto mo ba patayin kita?ha?" sabi nung yaya lumabas na ako nang kwarto ko at pumasok sa kwarto ni Bubwit




Nakita ko naman yung yaya na papaluhin si Heizer,nang hawakan ko yung kamay nung yaya at pinaharap sa akin,walang hiya.

"Anong sa tingin mong ginagawa mo ha?"nakangiting sabi ko na may halong inis, nag yaya ka pa kung ganyan rin lang ang gagawin mo. Sapakin kita diyan eh!

"M-maam?" utal na sabi niya, ang dami talagang plastic ngayon, sarap sunugin.






"Ay hindi! Sir sir!" sagot ko, tapos sinamaan ko pa siya ng tingin obvious ba ate?


"Ano po,kasi po" nanginginig na sabi nung yaya, at magrarason pa talaga, Talaga nga naman oh, Sarap talagang sipain!

"Sige lang ate mag isip ka ng irarason mo dahil hindi yan gagana sa akin" sabi ko tapos hinigpitan ko yung pagkakahawak sa braso niya


"Ah-eh" sabi nung yaya, at pinipigilang himiyaw, pulang pula na nga rin yung mukha niya eh




"A E I O U tatay mo kalbo!" sabi ko tapos itinulak ko siya, nagtitimpi pa nga ako sa lagay na ito eh.


"Uhm" halatang natatakot na ani niya





"Pakiusap lang ate umalis ka na dito, habang nakakapagtimpi pa ako, at sana naman ay huwag mo nang uulitin sa iba iyang ginawa mo sa pamangkin ko" sabi ko na nanggigigil

"Tumakbo ka na at kunin mo ang gamit mo dahil kung hindi kakasuhan kita nang child abuse" sabi ko ng hindi pa siya gumagalaw sa pwesto niya


"Ah opo maa----" sabi nitong yaya at nanginginig na tumayo

"NGAYON NA!" sigaw ko na siya namang nagpatakbo sa kanya nang mabilis, magsasalita pa kasi





Agad ko namang tinignan si Heizer na umiiyak pala kaya tinignan  ko yung buong katawan niya at nakakita naman ako ng marka ng pagkurot, lalo naman akong nainis dahil sa nakita ko, kapal talaga ng mukha




Tinawagan ko naman yung Tropa para may kasama akong magbantay kay Heizer, napabuntong hininga naman ako dahil alam kong may kasalanan din ako dahil hindi ako naging maingat sa pagpili sa magiging yaya ni Bubwit




Trust is only for the people who deserve it. . .tandaan:
Kapag mamimili kayo nang yaya kailangan po meron po kayong nakuhang impormasyon o detalye tungkol sa kanila. . .iconfirm niyo rin po ang mga papeles nila para malaman po kung fake o hindi. . .pero hindi naman po lahat nang katulong masama meron din naman pong mga mababait at Loyal. . .iba iba po ang mga katulong ngayon

Pasensiya na po, nadala lang po ako sa inis ko sa mga news na napapanuod ko na sinasaktan ng mga katulong yung mga alaga nila kaya dito ko po nabuhos yung inis ko haha,by the way icomment niyo lang po yung gusto niyong iimprove dito sa story,okay lang po kahit ipamukha niyo sa akin yung negative sa pagsusulat ko, para po maimprove ang kwentong ito pero wag lang pong magmura,

Thank you for reading!

-End of Chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin