chapter 9

1.2K 44 1
                                    

Pangiti ngiti akong naglalakad ngayon sa hallway papuntang locker area, may tatlong oras akong break, hindi ko alam pero pagkabangon ko ay nakapaskil na sa mukha ko ang isang malawak na ngiti, para bang alam kong magiging maayos at masaya ang araw na ito,nang nasa locker area na ako ay akmang bubuksan ko na yung locker ko ng may narinig akong nagbubulungan






"Ang ganda niya noh?"

"Oo nga bagay na bagay sila ni Ken!"







Mas lalo ko namang inilapit yung tainga ko sa pinangagalingan ng ingay








"Break na ba sila ni. . .hmmmn? Sino nga ba yun? Yung tomboy?"

"Si Zoe"







Agad namang napakunot yung noo ko ng marinig ko yung pangalan ko








"According to me oo break na sila"

"Bakit kaya?haha!pero buti nalang break na sila!hindi naman kasi sila bagay ni papa Ken eh!"



Tss, mga bruha



"Excuse me lang mga miss ha, pero ano bang pinaguusapan niyo?" Nakangiti ko pa ding sabi, ayokong masira ang araw ko ng dahil lang sa mga bruhang ito






Halata namang nagulat sila nang napalingon sila sa akin
"Ah-eh"sabay nilang sabi, tinitigan ko naman sila pataas hangang sa pababa, at may maibubuga nga naman sila pag dating sa pera dahil mga branded ang mga suot nila







"sabihin niyo na kung sino yung mga tinutukoy niyo" nakangiti ko pa ring sabi







"Uhm. . .may nakita po kasi kaming magandang babae at-" sabi nung isang babae na may pulang ribbon sa ulo







"At?" sabi ko na parang inip na inip sa sasabihin nila, naka ekis pa nga yung braso ko pero nakangiti pa din sa kanila







"At yung babaeng yun po ay ang pangalan ay Trisha at" pagtutuloy ng isang babae na nakatali ang buhok sa dalawa






Trisha?parang narinig ko na yung pangalang yun dati? saan nga ba?







"At?" antagal naman magsalita nitong dalawang ito







"Partner po sila ni Ken sa pagmomodel at" pagtutuloy ulit nung babaeng may pulang ribbon sa ulo







"WAG MO NANG PUTULIN SABIHIN MO NA LAHAT PARA MATAPOS NA" nanggigigil na sabi ko, mga bwisit! Panira ng araw, sarap sapakin!






"Tapos po we saw na ang sweet sweet nila kaya po nasabi namin na bagay sila ay dahil po sa kasweetan nilang dalawa akala po namin break na kayo "tuloy tuloy na sabi nung babaeng nakatali ang buhok sa dalawa






"Tsk, sige salamat" tanging sabi ko at tumalikod na,kumaway na lang ako sa kanila habang nakatalikod na naglalakad paalis.







Trisha, yung babaeng haliparot?






Pumunta ako sa building nila Ken para sana sabay na kaming pumunta sa canteen ang kaso pagpunta ko doon ay wala ng tao sa room nila, napapakamot na lang akong napatingin sa cellphone ko para tignan kung nasent ba yung text ko sa kumag na iyon, napanguso naman ako ng makita kong nasent naman yung text ko, baka nauna na siya at hindi niya nabasa







Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now