chapter 17

1.3K 49 7
                                    

Zoe's POV

Nag aayos ako nang gamit ko sa kwarto NAMIN, masasabi kong ito na ang pinaka nakakailang na naramdaman ko sa tanang buhay ko



"Ah ligo muna ako" sabi ko tapos tinuro ko pa yung pintuan ng paliguan

Tumango naman ito at hindi ako sinusulyapan



Kinuha ko yung towel ko at kumuha na rin ako nang damit ko at dumiretso na ako sa banyo, namalagi ako doon ng higit sa trenta minutos , pagkatapos ay pinagmasdan ko yung itsura ko sa pabilog na malaking salamin dito, naka fitted na red turtle neck shirt ako atsaka black na three fourth na leggings.



Pinatuyo ko naman yung buhok ko, pagkatapos matuyo nung buhok ko ay sinuklayan at itinali ko ito,hindi na ito naka kulot





Lumabas na ako sa banyo at nakita ko si Kumag na nakasalampak sa kama niya, hiwalay ang kama naming dalawa ,kasalukuyan niyang kinakalikot yung laptop niya at kalauna'y napatingin siya saakin at napansin kong medyo ngumiti siya nang konti



Humiga na din ako sa kama ko atsaka kinuha yung cellphone ko at tinignan yung mga social media accounts ko, may mga nangumusta sa akin mula sa mga kakilala ko sa States at yung iba naman ay galing sa mga tagahanga ko





"Ah Zoe" biglang sabi ni Kumag kaya napatingin ako sa kanya




"Oh?" sabi ko at nakakunot na rin ang noo, kapag may sasabihin siya tungkol sa nakaraan ay papakingan ko naman ang kaso hindi na namin maibabalik ang lahat sa dati.





"K-kase nakita kong nahulog mo yung,  yung" naiilang na sabi ni Ken kaya mas lalo akong naintriga sa sasabihin niya





"Ang alin?" hindi ko na maiwasang hindi magtanong




"Yung panty mo nahulog sa cabinet mo"mabilis na sabi ni Kumag napansin ko namang namula yung dalawang tainga niya,napatingin naman ako sa may bandang cabinet ko at nakita ko yung kulay puti na may disenyong bulaklak na panty






Bwisit na yan.





Agad kong kinuha yung panty at inayos ko ito, mukhang nahulog ko ata nung kumuha ako ng damit kanina





Bumalik ako sa kama ko at nagsalampak ulit, kinuha ko yung kumot ko at inikumot ito sa buong katawan ko

Maya maya lang ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako

---

"Zoe!"

"Zoe!"

"Hoy Zoe gising"




Naalimpungatan ako sa hinayupak na gumigising sa akin, ang sarap sarap ng tulog nung tao eh.





"Ano ba inaantok ako!" sabi ko nang may sumusundot sundot sa pisngi ko





"Gigising ka o gigising ka?" sabi nung gumigising sa akin, bwisit talaga.




"O" sabi ko at matutulog na sana ako nung magsalita ulit siya




"Bahala ka mags-swimming kami" sabi nanaman nung hinayupak




Napamulat ako nang mata ko, kaya agad kong nakita kung sino yung gumigising sa akin, si Kumag lang pala.




"Swimming?" sabi ko atsaka umayos ng upo sa kama ko





"Akala ko sabi mo matutulog ka? Sige matulog ka na basta kami mags-swimming kami" sabi ni Ken tapos ay ngumisi pa, sarap halikan ayy este sarap sapakin.




"Mga hayop, sandali lang" sabi ko at agad na kumilos



"Sige,baba na ko hintayin ka na lang namin sa baba" sabi ni Kumag atsaka lumabas na sa kwarto namin






Napasulyap naman ako sa bintana ng kwarto namin at napagtantong madilim na pala kaya agad kong kinuha yung cellphone ko sa kama at tinignan ang oras, pasado alas sais na pala ng gabi





Lakad takbo akong pumunta sa banyo atsaka agad na nagbihis, pasulyap kong tinignan yung kabuoan ko sa salamin at agad na lumabas sa banyo




Naka fitted ako na black sando, na tinapalan ko naman ng turtle neck na sando na may pagkatransparent, gradient ang kulay nito, sa taas ay bloody red at sa baba naman ay dirty white, tinernohan ko naman ito ng puting shorts at black cyclings sa loob at saka hawaiian slippers, hinayaan ko na ding nakababa ang mahaba kong buhok




Bumaba na ako dahil baka kanina pa nila ako hinihintay, napatingin naman ako sa mga suot nila na siyang ikinagulat ko, sila Heza, Jane, at yung kaibigan ni Trisha ay naka swimsuit, kulay puti ang kay Jane na bumagay sa kayumangi niyang balat, purple naman ang kay Heza na mas lalong nagpatingkad sa maputi niyang balat at asul sa kaibigan ni Trisha haliparot na bumagay naman sa kaniya, mas nagulat naman ako sa suot ni Trisha na pulang bikini kita lahat ng kaluluwa, walang hiya talaga itong babaeng ito, seryoso ba sila sa mga suot nila? Hindi ba sila lalamigin, tsk, pake ko ba eh buhay nila yan.






Napatingin din sila sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hangang paa, ako lang kasi ang naka sando at shorts, hindi naman sa hindi ako confident sa katawan ko o kaya'y may peklat akong tinatakpan pero para sa akin mas ma appeal tignan kapag shorts lang at sando, atsaka mabilis kasi akong magka sun burn kahit na naglagay na ako ng sun blocks, kahit noong nasa America ako ay sando at shorts lang ang gamit ko kapag lumalangoy kami.





"Hahaha! Ano klaseng suot yan?" Biglang tawa ni Trisha haliparot habang nakaturo sa akin sakalin kita diyan tignan mo.







"Ngayon ka lang nakakita ng ganitong porma? Kawawa ka naman" walang ganang tugon ko, huwag ako.






"Are you really a model? Wala kang taste, eew!" Maarteng sabi ni babaeng haliparot, napairap na lang ako sa kawalan






"Bakit natikman mo na ba ako para sabihin mong wala akong taste?" Walang ganang sagot ko atsaka ngumisi








"Eww, tomboy ka talaga" matinis na sagot niya atsaka binigyan niya ako ng nandidiring tingin, napairap nanaman ako sa inakto niya






"Eww, haliparot ka talaga" panggagaya ko sa kaniya yun nga lang mas mababa yung boses ko






"Tama na yan, kumain na muna tayo"  saway nanaman sa amin ng walang iba kundi si tandang Hervin






"Tara na baby!" malanding sabi ni Trisha haliparit sabay hila kay Kumag palabas, sige doon kayo! Magsama kayo!







"Selos ka?" Sabi nung boses sa tabi ko, tinignan ko naman si Hariz ng masama






"Gunggong" sabi ko na lang atsaka sabay kaming naglakad papuntang restaurant






Pinagmasdan ko naman yung mga itsura nila, si Hariz ay naka grey polo naka bukas yung apat na buttones kaya kitang kita yung balat niya, naka shorts din ito ng kulay itim, si Tandang Hervin naman ay naka purple na polo na nakabukas yung dalawang buttones, terno sila ng shota niya, tapos ay nakashorts siya ng kulay kayumanggi, si Jonathan naman ay naka kulay sky blue na fitted na sando atsaka magkasing iksi kami ng shorts, kulay puti din ang kulay nito, ang porma naman ni Kumag ay kaparehas nung porma niya nung unang nagbakasyon kami dito sa resort, kulay puti na polo at shorts





Napabuntong hininga naman ako ng maramdamang bumilis ang tibok ng aking puso






Ayoko nitong nararamdaman ko







-End of Chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now