chapter 6

1.5K 46 0
                                    

Yamot na yamot akong nakaupo sa buhangin habang pinapanuod yung mga kasama kong lumalangoy, pinagbubuntungan ko naman ng inis yung buhangin na kanina ko pa hinuhukay





Bwisit na yan, nahawaan pa ata ako ng kacornyhan nung kumag na iyon, nakakabakla bwisit!





Patuloy pa din ako sa paghuhukay nang may naramdaman akong matalim na humiwa sa palad ko, agad ko namang tinignan yung palad ko at nakita ko yung dugong lumalabas sa hiwa



"Oh anong nangyari diyan?" Agad naman akong napalingon sa nagaalalang boses sa likod ko na siyang dahilan ng pagsama ng mukha ko




"Oh buti naman nakalaya ka sa haliparot na iyon" walang ganang sabi ko atsaka naglakad papunta sa dalampasigan






"Kinausap ko siya at sinabi kong tigilan na niya ako"eksplanasyon ni kumag, napairap naman ako,oo si Ken nga yung ugok na kumakausap sakin



"Eh di tinigilan ka naman" hindi alam pero parang hindi ko kontrolado ang systema ko ngayon, nababakla na nga ata ako.





"Kaya nga ako nandito" sarkastikong sabi niya sa akin, bwisit talaga



"Bakit nga ba nandito ka?" Diretso ang mukhang sabi ko




"Bakit naman hindi?" Tanong niya pabalik, hayy bakit ba ako sa kaniya nagagalit? Eh yung babaeng haliparot naman yung nanlandi



"Hayaan mo na" tugon ko atsaka ako yumuko dahil nandito na kami sa may tubig, agad ko namang inilublob yung palad kong may sugat sa tubig dagat kaya napadaing ako, bobo!





"Tanga, mahapdi talaga kapag diyan mo nilublob" sabi nitong kasama ko na siyang ikinanguso ko, makatanga ang kumag. Hinablot niya yung kamay ko at tinalihan iyon ng panyo niya, hinayaan ko naman siya sa ginagawa niya at nanatiling nanuod



"Minsan kasi magingat ka huwag kang tanga" sabi nanaman niya, walang hiya talaga ang kumag




"Hoy lovebirds" napalingon naman kami sa nagsalita, si Hariz nanaman, ang hilig talagang mangantyaw






"Kupal ka talaga" masama ang tingin na sabi ko




"Hahaha! May mga itlog daw ng pagong doon na malapit ng magcrack, kung gusto niyong makita ay sundan niyo ako" sabi ni Hariz atsaka nagsimulang maglakad, walang salisalita naman ay sumunod kami ni Ken sa kaniya

Makalipas ng ilang minuto namin paglalakad ay natanaw namin ang maraming taong pinagkakaguluhan ang nasa gitna, mukhang madami din ang gustong makasaksi sa mga pagong





Agad naman naming nahanap ang mga kasama namin na nakapwesto sa harap kaya nakasingit kami papunta sa harap, mula sa angulo namin ay kitang kita namin ang mga maliliit na pagong na lumalabas sa mga shell nila, ang cute ampotek!


Pinanuod namin ang mga pagong hangang sa makapunta ito sa dalampasigan, ng dahil sa mga pagong na iyon ay nawala ang inis na kanina ay nararamdaman ko

---

Masaya kaming nagkukulitan ng mga kasama ko dito sa dagat, at ngayon ang ikatlong araw namin dito


"Hahaha!"

"Dali tabunan mo!"

Heto kami ngayon tinatabunan ng buhangin yung mga lalaki, hindi naman sila makaangal dahil under namin silang mga babae, si Jona naman ay volunteer na nagpa lagay ng buhangin sa katawan niya


"Eto lagyan mo ng shell" abot ko ng mga malalaking mga shell,nilagyan ni Jane ng shell yung sa may chest ni Hariz

"Lagyan natin ng buntot!" Sigaw namin tapos ay ginuhitan ng mga buntot ng sirena, napahagalpak namin kami ng tawa dahil sa mga itsura nila


"para kayong bakla!" Natatawang sabi ko habang nakaturo sa kanila




"Ah ganun, gusto mo ikaw ilibing ko dito sa buhangin?" Sigaw ni Hariz na yung ulo lamang niya ang nagagalaw



"Subukan mo lang, sapak gusto mo?" Sabi ko atsaka ipinakita ang aking kamao



"Hoy Ken!suwayin mo nga yang girlfriend mo,umaabuso na siya oh!" Sumbong ni Hariz kay Ken, para siyang bata



"Hayaan na babae lang" sagot naman ni Ken atsaka nakangiting nakatingin sa kalawakan




"Anong babae? eh mas mukhang lalaki pa nga yan kesa sakin eh!" Nakangusong sabi ni Hariz, binatukan ko nga


"Aray!bakit ka nambabatok?" Nakakunot nuong sabi nito, napatawa naman ako dahil hindi niya kayang batukan ako pabalik




"Pahimas nga daw nung bukol ni Hariz Jane" nakakalokong sabi ko na siyang ikinapula ng mga mukha nilang dalawa





"Ayst!Tong tomboy na to talaga!" Pailing iling na sabi ni Hariz, nakitawa naman yung ibang mga kasama namin

"Tara na nga swimming tayo!" Pagaaya ni Heza

"Tara!" Na sinangayunan naman ni Jane, agad din naman naming tinangal yung mga buhangin sa katawan nila at nagsitakbuhan papunta sa tubig




Nagsimula naman kaming nagtalsikan ng tubig , nagsigawan, naglunudan, at naghabulan sa tubig

"Aaah!. . .haha!"

"wag!. . .haha!"

"Geez!. . .haha. . .tama. . .haha. . . Na. . .hahah!"

Naglaro kami na parang bata, ang dami tuloy ng tumitingin samin,ang lalakas pa kasi ng mga sigaw at halakhak namin

"Uy,kita niyo oh ang raming nakatingin!" Sabi ni Jane habang nakanguso sa mga tao

"Edi mas maganda tayo ang center of attraction!" Humahalakhak na ani ni Hariz


"Baliw ka talaga" napapairap naman na tugon ni Jane



"Oo nga eh baliw na baliw sayo!" Banat naman ni Hariz na siyang nakapagtigil sa amin

"T-tumahimik ka nga!" Nabubulol na sabi ni Jane, kitang kita naman namin kung paano namula ang mga pisngi nito


"Ehem Ehem" kunwaring ubo namin kabang nakatingin sa kanila Jane at Hariz



"Pinagpapalit mo na pala aketch papa Hariz!" Kunwaring naiiyak na sabi ni baklang Jonathan, na siyang nagpahalakhak sa aming lahat





"ayst Ewan ko sainyo!" Sabay na sabi nila Jane at Hariz kaya mas lalong tumindi ang tawanan namin


"Kelangan sabay?" Natatawang sabi ni Ken





"Bagay talaga kayo ni Zoe/tomboy"sabay nanamang sabi nila Jane at Hariz,hay, kung bakit ba naman kasi hindi na nila jowain ang isa't isa



Napapailing naman ako sa kanilang dalawa



"Alam niyo hindi talaga kayo magkakaroon ng 'kayo' kung magtataguan kayo ng nararamdaman" napapailing na sabi ko atsaka tinalsikan silang dalawa, na siyang tinugunan din nila, kaya nagpatuloy nanaman ang paghaharutan namin sa dalampasigan




-End of chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now