chapter 13

1.3K 53 1
                                    

Zoe's POV

"Saang restaurant ba tayo pupunta?" Tanong ko habang palinga linga sa labas ng sasakyan, paano ba naman ay trenta minutos na kaming bumibyahe eh gutom na kami ni bubwit

"Kung saan pupunta tong kotse doon tayo" sabi naman ni Kumag sumama naman yung mukha ko dahil sa sinabi niya

"Ah so saan naman pupunta itong kotse?" sabi ko sabay ngisi, asaran pala ha?

"Malay ko ba't di mo tanungin tong kotse?" sagot nanaman ni Kumag, napairap na lang ako habang natatawa

"Nawala lang ako ng ilang taon naging corny ka na" pambawi ko habang mapanlokong humahagikhik

"Tss, nawala ka lang ng ilang taon di mo na ako mahal" hindi ko narinig yung bulong ni Kumag


"May sinasabi ka?" maangas na sabi ko kay kumag na akala mo nanghahamon ng away

"May narinig ka?" Sagot niya  bwisit na yan



"Hep hep hep! Ano nanaman ito? Balik sa dati?" sabi ni Hervin habang tinitignan kami ng nanunuksong tingin, tinotopak nanaman ito

"Bangayan,lang ang peg?" malawak na ngiting sabi ni Heza

"Tapos magkakadevelopan?" Tuloy nanaman ni Hariz, mga ulol

"Tapos sasabihin ni Ken 'Zoe I think I like you will you be my girlfriend?' tapos sasabihin naman ni Zoe 'YES!'"  sabi  naman ni Jane tapos itinaas taas pa yung kamay

"Dami niyong alam" sabay naming sabi ni Ken at nagkatinginan , sumama agad yung mukha ko pagkakita sa mukha niya

"Tsss" sabi ulit naming sabi kaya napaiwas kaming dalawa ng tingin , lalo namang sumama yung mukha ko

Habang nasa biyahe ay may tumawag sa cellphone ko, nakita ko namang si kuya Chase yung tumatawag

(Oh,Kuya? Napatawag ka?)

(Kamustahin ko lang si Heizer)

(Okay lang naman siya kuya,eh ako kuya di mo ko kakamustahin?)

(Wag na,di bale malaki ka naman na)

Napanguso naman ako sa sinabi niya

(Haha! Nga pala,ano gawa niyo diyan?)

(Ah papunta po kami sa restaurant NA HINDI KO ALAM KUNG SAAN DAHIL SA ISANG IMPAKTO!)

(Haha!di pa rin nakamove-on huh?)

(Tss noon pa ako nakamove-on kuya!)

(Weh?)

(Oo nga,ang kulit!)

(Pausap nga kay Heizer)

(Ah sige sige)

At binigay ko yung cellphone ko kay Heizer, napatingin naman ako sa mga kasama ko dito at nakatingin sila sa akin, binigyan ko naman sila ng nagtatakang tingin

Ken's POV

"Argh!your making me crazy!" sabi ko kay Trisha, nagagalit kasi ito ng walang dahilan, nagseselos daw siya sa isang tagahanga ko,at bakit daw ako ngumingiti sa mga tagahanga ko

"Nag-aaway nanaman sila" napahinto naman ako nang marinig ko ang boses ni Hariz, isa pa itong mga kasama ko, hindi ko alam kung bakit kami pumunta dito sa airport

Napalingon ako sa kinaroroonan nila Hariz , napahinto naman ako sa nakita ko, si Zoe na May hawak na bata, Anak niya?May anak na siya so you mean nagawa na niya yung ganun? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa puso nang makita ko siyang may anak, dati ay pinapangarap ko na siya ang magiging ina ng mga magiging anak ko pero mukhang hindi na ata yun mangyayari.

Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now