Epilogue

2.3K 78 16
                                    

3 years later

Ken's Point of View

"Kumag! Gusto ko ng mangga!" napagitla ako ng marinig ko ang tinig ni Zoe na nanggagaling sa kwarto namin, lalamya lamya naman akong pumunta sa taas, madalas na ganito ang eksena namin hindi ko nga alam kung ano bang nangyayari sa babaeng yun at panay ang utos sa akin, kagabi nga ay ayaw niya akong makatabi at pinatulog na lang ako sa sofa namin ang dahilan naman niya ay dahil ayaw daw niya sa amoy ko, madalas din akong nakakatangap ng sipa, suntok, at madalas niyang kinagat ang tainga ko at kung magrereklamo naman ako ay bigla bigla itong iiyak.


isa't kalahating taon na kaming kasal ni Zoe, at sa mga nakaraang araw ay nagiging weirdo ito, lagi siyang may hinahanap na pagkain at laging may gusto pero hindi niya alam kung ano yung gusto niya

" opo!" sigaw ko pabalik sabay buntong hininga, agad ko namang kinuha yung susi ng kotse ko pati na ang pera 

Lumabas na ako at naghanap ng mangga kumuha ako ng hinog at hindi hinog dahil baka mamaya iba nanaman ang  gusto niya pati nga yung ibat ibang klase ng manga kumuha na ako, dahil baka mamaya ay pag initan nanaman ako ng ulo ng asawa ko, napangiti naman ako sa isiping asawa ko na si Zoe

pagkaraan ng trenta minuto ay naka uwi na ako, inilibot ko naman ang aking mga mata ng mapagtantong tahimik ang bahay

"Andito  na ako! Zoe! Asan  ka? " pagkasabi ko nun ay may narinig akong yabag ng paa, ilang segundo lang ay nakita ko siyang bumababa sa hagdan at ang lawak ng ngiti, nahawa naman ako sa ngiti niya kaya napangiti na din ako atsaka napatingin sa mga pinamili ko.

" anong  gusto mo yung hinog o yung hindi?meron pa itong native at hindi, ano bang gusto mo? yung malalaki ba o yung maliit? O baka yung katamtaman?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot 

"Uy, ano?" tanong ko ulit tapos timingin ako sa kanya, nakangiti pa rin siya hangang ngayon, literal naman na napakunot ang noo ko dahil nagiging weirdo nanaman ang asawa ko

" ken!" sabi niya sabay  may inabot na maliit na box sa akin, gulat ko naman siyang tinitigan dahil minsan lang niya akong tinatawag sa pangalan ko ngunit agad din namang napalitan, tinignan ko naman siya ng nagtatanong na tingin

Binuksan ko ito  at may nakitang pregnancy test, sumibol naman ang kakaibang pakiramdam, magkahalong kaba at tuwa, pinakatitigan ko naman ang resulta ng pregnancy test niya, ilang minuto din akong nakatulala doon

Tumingin ulit ako sakanya at matamis itong nakangiti sa akin

"...."

***************
After 8 months

"K-kumag! A-aray ansakit ng tyan  ko!" nagising ako sa narinig kong sigaw ni Zoe, mabilis namang napamulat ang mga mata ko dahil sa sinabi nito at napatingin sa orasan, alas dos pa lang ng madaling araw

" a-ano?" natatarantang tanong ko, nakita ko naman na may tubig na dumadaloy sa binti niya, teka bakit siya umihi sa sapin niya?

"Bingi  ka ba o sadyang tanga ka lang? A-aray" mahinahong sabi niya sa akin, ngunit bakas sa mukha niya ang sakit, aligaga naman akong nagpaikot ikot sa kama namin, hindi malaman ang gagawin

"Anong  gagawin ko?" Natataranta akong nagtatatakbo sa bahay habang hawak ko ang buhok ko

"Juice ko maryosep! Gusto mo bang dito ako manganak?  " sigaw ni Zoe at ibinato saakin yung unan na sapol na tumama sa likod ko

Agad ko naman siyang binuhat  at dinala sa kotse

---
" Congratulations Mr. and Mrs. Trillias! Its a boy and girl twins!" sabi ng doktor sabay pakita ng anak namin, gulat na gulat naman akong napatingin sa dalawa kong anak na buhat buhat ng dalawang nars, napapunas naman ako ng luha, hindi ko maiwasang maging emosyonal

Hindi kasi  kami nagpaultra sound dahil gusto naming masurpresa! Kaya  nagulat nalang ako ng sinabi ng doktor na kambal ang mga anak ko

"Ano pong ipapangalan niyo sa baby?" tanong sa amin ng nars, napatingin naman ako sa kambal namin na mahimbing na natutulog

"Kenzlie Zhayne ang pangalan ng anak kong babae, at Zoel Kenaas naman ang pangalan ng anak kong lalaki" nakangiting tugon ko habang pinagmamasdan ang mga anak ko, mukhang kamukha ito ng daddy nila, maguumapaw ang kagandahan at kagwapuhan niyo kapag sa akin kayo nagmana mga anak.

"Ikaw magbantay ha?" nakakalokong ngiti ni Zoe kaya napangiwi na lang ako, hanga naman ako sa kaniya dahil hindi man lang ito nagpahinga ng maisilang niya ang kambal namin, sa katunayan pa nga ay nagpapa inom ito ng gatas sa babae naming anak, nakangiti ko namang pinagmasdan ang pamilya ko

---

Nagsibisita naman ang barkada sa bagong silang naming anak pagkarinig na pagkarinig nila ng balita na nanganak na ang asawa ko, sila Heza at Hervin ay kasal na din, mas nauna silang ikasal kaysa sa amin  dalawa at kalahating taon na din ang nakakalipas, kasalukuyan na din silang may dalawang lalaking anak, masaya na din silang magpapamilya.


Sila Hariz at Jane, ang dalawang magshotang iyon na laging tinotopak naman ay kamuntik nang maghiwalay ngunit sa huli ay sila pa din naman ang nagkatuluyan, ikakasal na din sila sa susunod na buwan.


Si Jonathan naman na laging sawi sa pagibig, ang baklang naghahanap ng lalaki niya ay kasalukuyang nahuhumaling na sa kasintahan nitong babae na may pagkatomboy, astig no? sa babae din pala ang bagsak ng baklang Jonathan. 



Isang araw na kaming namamalagi sa ospital nang magbisita naman ang pamilya ko at ang pamilya ng asawa ko, sila kuya Chase at ang asawa nito ay naninirahan na dito sa Pilipinas kasama ang mga anak nito, si Heizer na batang bata pa noon ay kasalukuyang nagbibinata na, may kapatid na din itong isang babae at isang lalaki.



Si kuya Krayven naman ay hangang ngayon ay stable sa career niya ngunit wala pa itong nahahanap na babaeng para sa kaniya.



Si Trisha naman ay wala na akong narinig na balita sa kaniya, hindi na din kasi ito nagmomodelo dahil walang agency ang may gustong kumuha sa kaniya, kung magkakaroon man ako ng pagkakataon na makita siyang muli ay gusto ko siyang pasalamatan dahil kung wala siya ay wala akong naging karamay noong panahong nalulunod ako sa kalungkutan, gusto ko din siyang pasalamatan dahil kung hindi sa kaniya ay hindi ko makikitang magselos ang aking asawa.


Ang inaakala naming relasyon na natapos dahil sa selos at padalos dalos na pagdedesisyon ay kasalukuyang itinali na ng kasal.

So this is how our story will end?

Love really do exist, some says that 'Walang forever' but for me there is, forever do exist. . .let your parents and grandparents be an example of the word forever, maybe you've been hurt once or twice but try it again, sabi nga nila "try and try until you succeeded" 
Siguro iba lang talaga ang nakalaan na ibinigay ni God  para sayo,Malay mo nasa  paligid mo lang pala, at malay mo,

Kaharap mo na pala

Ang Boyish Kong Girlfriend. . .Asawa

THE END

Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now