chapter 18

1.5K 49 2
                                    

Zoe's POV

"Baby ko! Let's go swimming!" malanding sabi ni Trisha haliparot habang nakakapit sa braso ni kumag


Tumango nalang si Ken at nagpahila kay Trisha papuntang swimming pool



"Tsk corny" napapairap kong sabi, napatingin naman sila sa akin




"Bakit selos ka?" sabi nilang lahat marahas ko naman silang nilingon



"Wala sa bukabyularyo yan" sabi ko tapos nagkibit balikat




"Talaga?" tanong ulit ni Hariz na ngayon ay nakakaloko ang




"Oo nga ang kulit" sabi ko tapos napakamot pa ako sa ulo ko



"Asus!kung alam ko lang indenial ka lang, wala ka nang naging boyfriend mula nung naghiwalay kayo ni Ken?" sabi naman ni Jane tapos sinusundot sundot niya yung balikat ko



Peste talaga nitong dalawang magjowang ito, may mga sakit sa utak.




"Meron" sagot ko



"Talaga?ilan?" tanong na naman ni Hariz


"Kasindami ng mga daliri niyo" walang  alinlangang sagot ko



"Ganoon kadami?" sabi nilang lahat o kaya'y sabihin na nating sigaw nilang lahat


"Oo bakit?" sabi ko, napakagat naman ako ng labi dahil sa pagpipigil ng tawa ko sa kanila



"Sineryoso mo ba or what?" tanong naman ni Heza na ngayon ay nakakunot ang nuo



"Oo" sagot ko, mga uto uto

"Talaga? So pati Si Ken?" Tanong nanaman ni Heza





"Oo" nakasimangot kong sagot, diretso akong nakatingin sa nilalakaran namin, mukhang hindi ata kami sa dalampasigan pupunta mukhang sa pool ata kami lalangoy dahil kanina pa kami naglalakad


"Pero nakamove on ka na ba atetch?" Tanong naman ni Jonathan, sinulyapan ko naman siya, bakit ba ako yung pinag uusapan ngayon?




"Of course,  years have passed" sabi ko nang matanaw na namin yung swimming pool, kitang kita din namin sila babaeng haliparot atsaka si kumag na naka tampisaw na doon sa pool





"Sabi mo eh! Tara swimming din tayo!" sabi ni Jane na ngayon ay lakad takbo na papuntang swimming pool



"Ang sexy naman nang mahal ko"sabi bigla ni Hariz kaya binatukan naman siya ni Jane, kahit kailan talaga.




"Manyak!" sigaw ni Jane kay Hariz habang patuloy na pinaghahampas





"Ito naman! Ayaw mo pa non? Gusto mo ba na sabihan kita nang mataba?" sabi ni Hariz habang hinahaplos yung braso niyang pinaghahampas ni Jane




"Sige sabihin mo!" sabi ni Jane na nanlilisik ang mga mata




"Mataba ka" sabi naman ni Hariz walang hiya talaga.

Binatukan nanaman nung shota niya ang pinagkaibahan lang ay mas malakas ang ngayon



"Aray! Ba't mo ginawa yun? Sabi mo sabihin kong mataba ka tapos ngayon? Mambabatok ka?" naiinis na sabi ni Hariz na ngayon naman ay yung ulo niya ang hinihimas



"Che! Ewan ko sayo!" sabi ni Jane at tuluyan nang pumunta sa swimming pool




"Ang sweet niyo namang maglambingan "sarkastikong saad ko at napapangisi


Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now