chapter 4

1.9K 49 0
                                    

Diretso akong nakatingin sa mga damit ko sa cabinet ko, tinitignan ko din isa isa at sinusuri kung ano bang magandang kunin para sa bakasyon naming magt tropa

Kuha ako ng kuha ng mga damit at agad na inilalagay sa maleta ko

"Hmmm?eto! Ay pati etong t-shirt,mmm?eh eto? Ah sige pati na rin eto tapos eto. . ."-sabi ko habang pumipili ng damit, kadalasan ng mga damit ko sa cabinet ay mga t-shirt na turtle neck at v cut na maluluwag, hoodie, sweatshirt na XL abot hangang hita ko, pagdating naman sa pangbaba ay mga jersy shorts, maong pants na hindi masyadong fitted at mga shorts na hangang tuhod


Nabaling naman ang paningin ko sa mga cap ko, may collection ako ng mga ito at maayos itong nakadisplay sa isang malaking cabinet na may glass, oo, ganyan ko kamahal iyang mga iyan





Agad naman akong namili kung ano ang kukunin ko sa mga ito, kailangan ko kasi ang mga cap ko dahil mainit sa pupuntahan namin atsaka dagdag pogi points na din, hahaha!





Inempake ko na din yung mga personal needs ko tulad ng toothpaste, shampoo, sabon, toothbrush at iba pa.






Nang matapos na ako sa pageempake ay isinara ko na ang maleta ko

"Anak! Andito na si Ken!bumaba ka na dito!"-sigaw ni manang, kasama ko dito sa bahay, siya ang pangalawang nanay ko dahil nga yung totoo kong ina ay nasa ibang bansa, kilala niya si Ken ang totoo nga niyan ay close pa sila






"Sige po manang,bababa na po!"-sagot ko tapos ay agad kong hinila yung maleta ko palabas ng kwarto




nakita ko naman siya agad, nag pogi sign ako pagkakita ko sa kanya,nginitian naman niya ako

"Sige manang,alis na kami"-pagpapaalam ko kay manang atsaka iniwagayway ng konti yung kamay ko

"Sige anak,basta mag iingat ka ha?tawag ka rin pag May oras ka,okay? Atsaka iho paki alagahan tong alaga kong makulit ha?"-biro ni manang, napanguso naman ako sa sinabi niya






"Manang naman eh?"-sabi ko habang nakanguso pa din





"Sige po manang, mauna na po kami" sagot ni Ken atsaka ngumiti ng matamis kay manang



Nagtaas taas pa yung dalawang kilay ni manang, Botong boto kasi siya kay Ken eh! Napahagikhik naman itong kasama ko dahil sa ginawa ni manang kaya sinamaan ko siya ng tingin, bwisit, sarap sapakin.





"Sige manang,lalayas na ako!"-sabi ko at kumaway habang nakatalikod



"Babye nak" rinig kong sabi ni manang


lumabas na kami sa bahay,at dumiretso sa kotse




"Tara na?"tanong ni Ken,tapos binuhay yung makina ng kotse tumango naman ako


"Pasoundtrip ka nga"sabi ko tapos tinignan ko siya, agad naman niyang sinunod yung sinabi ko



"im only one call away
Ill be there to save the day
Superman Batman Spiderman
Im only one call away "



Nakikanta na din ako sa kanta kahit na silang yung boses ko, hangang sa napagod at hindi ko na namalayan na sinakop na pala ako ng antok

<hours later>

"Andito na tayo Zoe,oyy!gising na! Hala tulo laway pa siya oh?" pangbubulabog ni Ken sa akin, langya! Istorbo! Kabwisit






Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now