chapter 23

1.3K 48 0
                                    

Kasalukuyang nakapaskil ang malalawak na ngiti sa mukha ko habang nakatingin sa camera, nandito kami ngayon sa photoshoot namin ni Kumag

Tuloy tuloy din ang pag utos ni manager sa kung ano ang dapat na postura namin, sinabi naman sa amin ni baklang manager na magtinginan sa isa't isa.

Ilang segundo naman kaming nagkatitigan nitong Kumag at patuloy din kaming kinukuhanan ng litrato, maya maya lang ay napansin kong palapit na ng palapit yung mukha ni Kumag sa akin, mas lalong nagiging malinaw ang mga kulay itim niyang mga mata, itim na itim ito na para bang kaya ako nitong dalhin sa ibang dimension, naramdaman ko naman na inilagay niya yung kamay niya sa may bewang ko

"Good" sabi nung manager

Sa gulat ko ay hindi ko inaasahang naglapat ang mga labi namin!Salbaheng labi!

Kita ko din ang gulat sa mga mata niya, gusto kong itigil at umalis ngunit may isang bahagi sa akin na nagsasabing huwag, sa hindi malamang dahilan ay napapikit ako at dinama ang pagkakahalik ni Ken sa akin

"Nice shot! Okay so pwede na kayong magpalit ng damit"

Lumapit yung manager ni Kumag saamin at

"at pwede niyong ituloy yan mamaya" pagtutuloy niya, hindi ko alam kung naiinis ba ako, mahihiya, o kaya ay matatawa dahil slang ang pagkasabi niya

Loko tong manager ni Kumag!sarap ding sapakin

Agad akong pumunta sa dressing room na namumula ang mukha, bwisit talaga.

Pagkatapos kong magpalit ay napatingin ako sa kabuoan ko, nakakulay pulang jeans ako, puti na polo na hindi nakabuttones, itim na sando atsaka high cut na rubber shoes, hinayaan ko na ding nakalugay ang buhok ko, pagkatapos kong pagmasdan ang itsura ko ay isinuot ko yung shades ko

Pagkalabas ko sa dressing room ay bumungad sa akin ang mukha ni Kumag, awtomatiko namang tumaas yung kilay pagkakita ko sa kaniya

"Hatid na kita sainyo" Sabi ni Kumag, pasimple ko namang pinagmasdan yung porma niya, simple lang naman, naka puting t-shirt siya na may nakalagay na 'WALANG FOREVER', oo nakacaps lock pa, bitter ata yung gumawa nung damit na yan

Tapos naka kulay kayumangi din siya na jeans

"Sige" tipid kong tugon, mabuti na yun para naman maka tipid ako ng gasolina

"Tara" pagaaya niya atsaka pinagbuksan ako ng pinto

"Doon muna tayo sa Park" sabi ko atsaka isinandal ang ulo ko sa upuan ng kotse ni Kumag

" okay"

Pagkaraan ng bente minutos ay nandito na kami sa Park, agad naman akong umupo sa isang bench atsaka huminga ng malalim, tinangal ko naman ang shades ko atsaka tumingin sa kalawakan, kulay kahel na ito at unti until nang sinasakop ng dilim

"Anong oras free mo bukas?" Napalingon ako sa gawi ni Kumag ng magsalita ito, ibinalik ko naman ang shades ko atsaka ibinalik ang tingin sa kawalan

Hindi ako sumagot kasi iniisip ko pa

" ui sagutin mo naman ako" napalakas ata yung pagkasabi ni Kumag kaya yung iba nagbulungan! Nagbulungan nga ba? Eh rinig na rinig ko nga eh!

'Aaaw kawawa naman yung boy!

'Ang gwapo ng lalake oh!

'Aww bagay sila!

'Tignan mo oh! Mukhang mahal talaga ni boy si girl!

Hangang sa lahat sila nagsalita ng

"Sagutin mo na!" Nilingon ko naman ang nasa paligid ko, madami na palang pares ng mata ang nakatingin sa gawi namin at hinihintay ang nangyayari, bahagya naman akong nahiya kaya umiwas ako ng tingin

Bwisit na yan! Napagkamalan tuloy na nanliligaw saakin si kumag

"Sagutin mo na! Mukhang mahal ka naman nung lalake eh!"

Napatawa naman ako sa sinabi nung sumigaw

"M-mahal haha! Mo daw ako? Haha!" Natatawang sabi ko atsaka inalis yung shades ko dahil sa namumuong mga luha dahil sa pagtawa ko

" paano kung sinabi Kong oo?" Seryoso at diretsong sabi sa akin ni Kumag

"Haha----anong sabi mo?" Halos pasigaw kong sabi atsaka napatayo sa pagkakaupo ko sa bench

"Sabi ko. . .mahal pa din kita!" Tinignan ko naman siya na para bang hindi makapaniwala, napaiwas naman ako ng tingin ng mapagtantong parami na ng parami ang mga nakikiusyoso sa amin

"Ha-ha! Nice joke!" Naiilang Kong tugon, putek na yan.

"Hindi ako nagbibiro! Mahal parin kita, ay este ang ibig kong sabihin, mas mahal kita ngayon" pasigaw na sabi ni Kumag na siyang mas lalong nagpalaki ng mga mata ko, nasisiraan na ba ito ng utak?

"Corny" pabulong kong sabi atsaka iniiwas ang aking tingin

"Ikaw ba? Mahal mo pa ba ako?" Masyado atang mabilis ang Kumag, mukhang sinasadya ata niyang iparinig sa mga tao sa paligid namin, humigpit naman ang hawak ko sa dulo ng damit ko dahil sa sinabi nito

''H-hindi ko alam" putek! bakit ako nauutal? Bahagya ko naman siyang sinulyapan at nakita kong ngumiti ito at lumapit sa akin atsaka bumulong sa tainga ko

"Sa gusto at sa gusto mo liligawan kita"

Napatigil naman ako sa sinabi niya, bakit ganito? Bumilis ang tibok ng puso ko? Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay lalagnatin ako dahil ang init init ng mukha ko. Bwisit!

-End of Chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now