chapter 1

4.4K 101 12
                                    

Agad kong kinuha yung maliit kong back pack nang marinig ko na tinatawag ako ng kasambahay namin, nandito na daw yung sundo ko, kaya swabe akong bumaba at lumabas ng bahay, nadatnan ko naman si Kumag na nakasandal sa harap ng sasakyan niya at pinaiikot ikot sa hintuturo niya yung susi ng kotse niya

"Yow! ano tara na?" maangas na tugon ko kay Kumag

"Tara" tugon naman nito sa akin, sinuyod ko naman ng tingin ang porma niya, nakakulay asul ito na polo na itinupi hangang siko atsaka denim jeans, maayos ayos naman ang itsura masasabi ko nang gwapo nga ito, mas gwapo nga lang ako.

Binuksan ko na din yung pinto, hindi ko na hinintay na pagbubuksan ako ni Kumag, sanay naman na siya dahil mula nang naging kami ay inuunahan ko siyang buksan ang pinto ng kotse, bakit ko pa kasi ipapaubaya sa iba ang pagbubukas ng pinto kung kayang kaya ko naman, atsaka malay ko ba kung pagbubuksan ako ng pinto, baka mamaya niyan ay hindi ako pagbubuksan ng pinto, napaasa pa tuloy ako.

Tahimik naming tinatahak ang daan, tutok si Kumag sa pagmamaneho at tutok din naman ako sa panonood ng mga nadadaanan naming nagtataasang mga estruktura, nabasag lamang ang katahimikang iyon nang magsalita ang kasama ko.

"You look beautiful today" napanguso naman ako dahil sa sinabi niya

"Hoy! Gwapo ako noh!" angal ko tapos ay napahawak pa ako sa baba ko at hinimas

"No,I'm serious,your beautiful" nakangiting sabi ni kumag, sapakin ko na eh!

"Gwapo nga sabe eh! Gusto mo lang ata akong uminglesh ispeakening eh! Pinapanose bleeding mo pa ako!" sabi ko pa sabay pisil sa ilong ko, narinig ko naman siyang napahagikhik

"Ito naman, binibiro lang kita, saan mo ba gustong kumain?" Tanong ni Kumag habang diretso pa ding nakatingin sa daan

"Sa maraming pagkain" sagot ko sabay ngisi atsaka napahawak sa tiyan ko

"Kaya ka tumataba eh!" prangkang sagot niya, ah talaga lang ha?

"sapak gusto mo?"sabi ko sabay pakita yung kamao ko na punong puno ng muscles

"Your so cute!" natatawang sagot ni Kumag kaya lalong sumama ang mukha ko

"Hindi ako aso!" Bulyaw ko atsaka dinuro duro siya, pero hindi ko inaasahang pipisilin niya ang pisngi ko gamit ang kanang kamay at ang kaliwang kamay niya naman ay abala sa pagmamaneho habang diretso pa rin ang tingin sa daan.


"Away! Mashaket!betawan mo ko! Sapakin kita eh!" sabi ko habang pinapalopalo yung kamay niya na nakadikit sa pisngi ko, yung gwapo kong mukha na matagal ko nang inaalagaan! bwisit.

"Haha! ano?away?" natatawa tawang tugon ni Kumag atsaka tinangal yung pagkakapisil sa pisngi ko, sinamaan ko naman siya ng tingin, bwisit talaga ito.

"awayin kita dyan eh!" sabi ko tapos ay tumingin ako sa labas

"Uy!joke lang naman yun eh!" sabi ni Kumag sabay sinundot sundot yung tagiliran ko, ang kulit talaga ng lahi nito.

"nakakabakla ka"sabi ko tapos ginaya ko yung ginagawa ng mga babae na titingin sa taas tapos sa baba

"ikaw din nakakabakla ka"banat nanaman ni Kumag, tatawa na ba ako? Ha ha ha

"gusto mo yatang makapanood ang mga tao dito ng live boxing" sagot ko, bwisit talaga.

"Sa gwapo kong ito? Magiging punching bag?" Banat ulit niya, tinignan ko siya mula ulo hangang paa tapos sa mukha

"Talaga ba?" nakangising tugon ko

" ang sungit mo, meron ka ngayon noh?" pikon na ata ang kumag, dahil wala nang mas maihahaba pa ang nguso niya

"Puro kamanyakan nasa isip mo!" taas kilay kong sabi, nakakalalaki na ang isang ito eh, ngayon naman ay ako ang pumisil sa pisngi niya, doble ang sakit sa pagkakapisil niya sa pisngi ko kanina

Ang Boyish Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon