chapter 22

1.3K 49 0
                                    

Zoe's POV

Tsk, napapailing na lang ako habang sumisipsip sa soft drinks na ibinigay ni Kumag, kasalukuyan kaming nasa Parke para sakyan ang trip ng mga sira ulo

Nakasuot ako ng asul na bistida na hangang tuhod tapos nakadoll shoes ako ng black na may ribbon,yung buhok ko Naman ay normal lang na nakalugay at straight, nakasuot din ako ng malaking shades para walang makakilala sa akin

"Bili ka nga ng ice cream ang init" pakiusap ko ay este utos  ko pala kay Kumag


" opo boss! Baka gusto mo pang paypayan pa kita!" Sarkastikong sabi ni Kumag, sinamaan ko naman siya ng tingin, Kumag talaga.


"Gawin mo" sabi ko nalang tapos nahiga na sa bench at ginawang unan yung mga braso ko atsaka pinagmasdan yung kalawakan


" hoy! bakit ka nakabulagta diyan?" sabi ni Kumag habang diretsong nakatingin sa akin, inirapan ko naman ito, ang bilis naman netong nakabili ng ice cream

"Pake  mo ba" sabi ko at inabot yung icecream na hawak hawak niya,tapos agad na kinagat


"Gusto mo bang masilipan ka babae?" Kunot noo ko namang tinignan si Kumag na ngayon ay nakakunot din ang noo sa akin


Hindi naman niya ako hinintay na sumagot dahil dahan dahan niyang binuhat yung ulo ko atsaka iniunan sa mga hita niya, pagkatapos tinangal niya yung leather niyang jacket atsaka ikinumot sa may paa ko


" huwag niyo pong kakalimutang naka bistida po kayo senyorita!" sigaw ni Kumag agad naman akong napalingon sa kanya tapos sinamaan siya ng tingin

"Anong senyorita?" sigaw ko din pabalik sa kanya, bwisit talaga kahit kailan


" bakit? totoo naman ah! Senyorita ka!" sabi ulit ni Kumag atsaka ngumingising naka tingin sa kalawakan

"Hindi nga kasi Senyorita! Ang sabihin mo Senyorito!" sabi ko tapos ngumisi sa kanya, tinignan naman ako nito atsaka umiling

" tch" sabi ni Kumag

"Tch tch mo mukha mo!" sabi ko tapos kinusilapan siya, kahit na alam ko namang hindi makikita dahil sa naglalakihang sun glasses ko


" bakit yung mukha ko? Gwapo?" Mahangin namang tugon ni Kumag


"anong connect? Di lubhang mas Gwapo ako sayo" sabi ko tapos ngumisi ako sa kanya, inagaw naman niya sa akin yung hawak kong ice cream, putek muntik ko nang makalimutan yung ice cream ko

" talaga?" sabi ni Kumag tapos ay  kumain soon sa ice cream ko

"Talagang talaga" sabi ko atsaka inagaw sa kaniya yung ice cream ko


Napaupo ako ng maayos atsaka tumingin sa kawalan habang kumakain ng ice cream, naramdaman ko namang may sumusundot sa pisngi ko Kaya napalingon ako

Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko sa malapitan ang mga mata ni Kumag, ang lapit ng mukha niya sa akin, ramdam ko din ang hininga niya, at ramdam ko din ang paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko, bwisit na yan, naabnormal nanaman.


Naramdaman ko ding palapit ng palapit ang mga mukha niya sa mukha ko, mukhang alam ko na ang binabalak ng Kumag, Kaya naman itinaas ko yung ice cream kaya nalagyan tuloy ng balbas so Kumag

Napatawa naman ako ng malakas dahil sa itsura niya, napahawak na din ako sa tiyan ko dahil masama ang tingin sa akin ni Kumag

"Tumigil ka nga. " Kalmado ngunit naiinis na sabi ni Kumag, mas lalo ko pang nilakasan ang tawa ko para mas lalong maasar ang Kumag


"Titigil ka ba o titigil ka? Isa." pagbabanta ni Kumag, pero hindi pa din ako natinag, tawa pa rin ako ng tawa habang nakaturo sa mukha niya


"Dalawa!" pambabanta ulit ni Kumag, hindi ko mapigilan ang tawa dahil mukha siyang batang inagawan ng candy


" Tatlo" pagkasabi ni Kumag nun ay bigla akong natahimik dahil sa sunod niyang ginawa


"Putek ka wala tayong tissue gunggong!" Asar kong sabi atsaka kinuha yung maliit kong salamin atsaka tinignan ang repleksyon ko, kitang kita yung bahid ng kalokohan ni Kumag, bwisit talaga.

"Pwede ko namang dilaan" tinignan ko naman ng masama itong kasama ko dahil sa sinabi niya, sira ulo.

"In your dreams" asar na sabi ko, habang nangangalkal sa bag ko, baka sakaling may naligaw na tissue, hayop talaga yung lalaking nagngangalang Ken, bwisit.

Nang wala akong mahagilap ay napatingin ulit ako sa repleksyon ko, may bahid ng chocolate ice cream sa ping ping ko dahil hinalikan ako ni Kumag, ngayon naman siya ang hindi matapos tapos sa pagtawa


Napatitig naman ako sa kamay ko, hindi. Hindi pwedeng ito ang ipapamunas ko


Napatigil naman ako ng may nakita akong panyo sa harap ko, napatingin naman ako sa taong nagbigay nito at nakangiti ito ng malapad sa akin, akmang kukunin ko na sana nang hindi niya binatawan yung panyo niya, bwist.

Sinamaan ko naman ito ng tingin pero agad namang napalitan nang siya ang nagpunas sa pisngi ko habang ngingiti ngiti pa siya.


"Bakla ka" bulong ko habang nakatitig din ako sa mukha niya, nang matauhan ako ay pinigilan ko yung kamay niya

"Kumag ka, iyang bunganga mo punasan mo" Sabi ko habang nakaturo sa bibig niyang may ice cream pa.

Nakangiti naman niyang binigay sa akin yung panyo kaya tinignan ko nanaman ito ng masama, basta talaga pag dating sa kalokohan.

"Ano ka sinuswerte? Punasan mo yan mag isa mo ulol!" Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako, Nakita ko naman yung mga tropa naming nagtatago sa iisang puno, mga tanga. Napailing na lang ako sa mga pinaggagawa ng mga tropa namin, mukhang nasisiraan ata sila ng utak.

"Hoy bilisan mo diyan, may pupuntahan pa tayo" Sabi ko kay Kumag kasalukuyang pinupunasan yung bibig niya, agad naman itong sumunod sa akin

Ang galing ng mga hayop, mukhang magtatagumapay sila sa plano nila, napangiti naman ako sa naisip ko at sinulyapan itong kasama ko

-End of Chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now