"Tamis ng Pag-ibig"

1.2K 9 0
                                    


Di ko kaya ang limutin ka
Sarili ko'y di mapakali pag di ka makita
Mga paa ko'y di maka lakad pag di ka kasama
Kaya kong maghintay aabutin man ng umaga.

Ikaw ang dugong dumadaloy sa 'king katawan
Pintig ng puso ko'y h'wag mong pigilan
Ikaw lamang ang laman ng aking isipan
Kahit sa pag tulog ika'y napanaginipan.

Isang umaga sa'king pag gising
Ika'y biglang naglaho sa'king paningin
Anino mo'y nagpakita sa salamin
Sana'y iyong dinggin ang aking mga hiling.

Pakinggan mo ang tibok ng aking puso
Tumatahol tulad ng kalyeng aso
Hanggat hindi ka magbalik di hihinto
Lumingon ka't pag-ibig ko'y pag bigyan mo.

Kaya kong abutin ang kalangitan
Labanan ko ang panganib sa karagatan
Gawing paraiso ang kagubatan
Puso mo'y maangkin ko lamang.

Makita ko lang ang matatamis mong ngiti
Puso ko'y natutunaw pa unti-unti
Ang kaluluwa ko'y di na mapakali
Nag-uumapaw ang ligaya sa 'king sarili.

- September 7, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoWhere stories live. Discover now