Naiyak si Nathan habang kami ni Harvey ay tawa ng tawa. Nang makababa kami ay umiiyak parin si Nathan na ikinatawa lalo ni Harvey.

Binuhat nya ang umiiyak na si Nathan at pinatahan. "Dapat inisip mo ikaw si Andrew Garfield. He's not afraid of heights, remember?" Sumisinghot pero tumango naman si Nathan kay Harvey. Nangingiti parin ako. Ang cute kasi ni Nathan! He's acting like a man! A little man!

Nang mga bandang hapon na ay napagpasyahan naming mag-meryenda muna. Gusto raw ni Nathan ng cotton candy kaya binigyan ko siya ng pera at masaya syang nagpunta sa may cart.

"Harvey.. Nagkita kami ni Gio.." Agad syang napalingon sa akin.

"What happened?"

"He said he misses me. Natatakot ako. Ayokong mawala sa akin si Nathan."

"Hindi naman siguro nya kukuhanin sa iyo si Nathan. Ikaw ang ina, paniguradong hindi rin sasama sa kanya si Nate." Pagccomfort sa akin ni Harvey at inakbayan ako.

"Pero wala ka ba talagang balak sabihin sa kanya."

"Meron naman, pero not like this. Hindi ko pa napaghahandaan. Pero biglang eto na. I'm really scared." Tinapik tapik ako ni Harvey.

"Teka, nasaan na si Nathan?" Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko ng hindi ko makita si Nathan sa may cart ng Cotton Candy. Tumayo ako agad para magikot. Kinabahan ako ng hindi ko siyamakita sa malapit.

"Oh, God! Harvey, hindi ko makita si Nathan!" Naiiyak na ako! Oh my God! Napagdesisyunan naming maghiwalay ni Harvey para mas mabilis naming mahanap si Nathan.

Oh my God! Nakarating ako sa may flying carpet at nakita ang batang naka-Spider Man ng bag. Agad akong lumapit pero hindi pala si Nathan un.Oh, God! This is frustrating!

"Mommy!" Lumingon ako at nakita ang nakangiti si Nathan habang may hawak syang Spider Man na balloon. Tinakbo ko ang distansya naming at agad syang niyakap.

"Oh, my God. Don't you dare do that again, baby. Kinabahan si Mommy sayo akala ko ay nawala ka na sa akin."

"Why would I leave you mom? Mommy, he bought this balloon." Nang mag-angat ako ng tingin ay para akong tinakasan ng dugo. The he my son was pertaining to was Gio. Para akong mas lalong kinabahan tumayo ako at itinago sa likuran ko si Nathan.

"Yannie.." He said venomously. Alam kong matalino si Gio at by now ay alam kong na-process nya na ang katotohanan. Dahil kamukhang kamukha nya itong si Nathan at ako pa ang kasama ay walang kaduda dudang alam na niya na anak nya itong batang kasama ko.

Lumuhod ito gamit ang isang tuhod para magkatapat sila ni Nathan. "How old are you, little kid?"

"I'm not a kid!" Ngumuso si Nathan na ikinatawa naman ni Gio. "I'm almost six."

"Really? You're smart."

"Yep! Mommy told me once that I looked like my daddy! And I don't need to see a picture of my dad because I look exactly like him."

Ngumisi si Gio at pinat ang uli ni Nathan. Gusto ko nang maghurumentado. Matalino talaga itong mag-ama na ito. Gusto kong himatayin ng muling magtanong si Nathan.

"Are you my daddy?" Parang hopeful na sabi nit okay Gio.

"Nate, diba I told you daddy lives far from here." Sinamaan ko ngt tingin si Gio at mukhang nakuha nya naman. Na wag muna ngayon. I'm not ready.

"We'll talk." He mouthed bago sya nagpaalam sa amin. Labis ang kabang naramdaman ko dahil doon.

"Mommy, you told me.. I look just like daddy." Bahagya itong suminghot na para bang lungkot na lungkot. Naawa naman ako. Pero ayoko, gusto kong ipagdamot si Nathan sa lahat.

Ayaw ko siyang iuwi ng Pilipinas. Pero ngayon, ay alam kong imposible na iyon. Ngayon pang nakita na kami ni Gio.

Tinawagan ko si Harvey na nakita ko na si Nathan at nagyaya na akong umuwi.

Nang nasa sasakyan ay tahimik ako at naiisip parin ung nangyari kanina. "Yan, are you okay?"

Paano kung kuhanin nalang bigla ni Gio si Nathan? Hindi ako makakapayag!

"Mom?" Lumingon ako sa likuran kung nasaan si Nate. "Yes, baby?"

"Are you alright?" Tanong nya

"Yes, baby why?"

"Tito Harvey asked you the same thing but you didn't respond." Nagtatakang tanong ni Nate sa akin. Lumingon ako kay Harvey at nginitian siya. Hindi ko pa nasasabing nagkita kami ni Gio kanina at nakita nya na si Nate. Kinakabahan talaga ako.

Medyo madilim na nang makauwi kami sa bahay dahil medyo nagkaroon na nang traffic.

"Anak, go inside na. Nanjan naman na si Tita Eunice mo. May sasabihin lang ako kay Tito Harvey okay?" Hinalikan ko sa ulo si Nathan bago ito tumakbo paloob at excited na tinawag si Eunice.

"Okay ka lang ba, Yannie?"

"Nakita kami ni Gio kanina. Hindi ko alam kung bakit siya nasa amusement part at bakit nya kasama si Nathan. God, Harvey. This is not what I wanted! Ayokong sa ganito lang mauwi ang pinaghirapan ko ng anim na taon."

"Yannie, alam mong mangyayari ito. At hindi mo pwedeng ipagkait si Nathan sa kanya. Maging ako ay gusto kong ipagkait si Nathan sa kanya. Pero may karapatan siya, Yan. Anak nya si Nathan at itinago mo ito sa kanya ng kulang anim na taon."

Naiiyak ako dahil sa mga sinasabi ni Harvey. He's right.Pero I'm not ready! Hindi pa ako handa sa mga ganitong pagkikita! I didn't know that he'll find out this soon!

Pero bakit nga ba hindi ko naisip na makapangyarihang tao si Giovanni dahil sap era. Kayang kaya nyang alamin ang lahat ng tungkol sa akin sa isang kisap lang ng mata. At heto na nga.. Nalaman nya na ang sikretong anim na taon kong itinago.

Hindi talaga nawala ang bata six years ago.

Napahawak si Yannie sa kanyang ulo. Tulog na si Nathan dahil anong oras na maghahating gabi na pero hindi parin mawala sa isip niya ang nangyari kanina.

Bilang nalang ang mga araw. Alam kong soon ay kikilos na itong si Gio. Kinakabahan ako sa pwede nyang gawin. Kinakabahan ako dahil makapangyarihan sya at kaya nyang manipulahin ang mga bagay bagay gamit ang pera. Pera lang.

Hindi ko na alam ang gagawin. Mula sa Pilipinas ay si Gio palang ang nakaalm ng nangyaring ito. Kinabahan ako. Paano kung magalit silang lahat dahil nagsinungaling ako? Paano kung hindi na ako tanggapin nang mga magulang ko dahil dito?

Napapailing na yumuko ako. Nakarinig ako ng pagbukas nang pinto at pumasok si Eunice. Nakita nya agad ako.

"Ate, okay ka lang ba? Ang sabi sa akin ni Harvey ay nagkita na raw kayo ng tatay ni Nathan, totoo ba?" Tumango ako. Hindi ko kayang sabihin iyon dahil sa sarili ko ay hindi ko iyon matanggap.

Niyakap ako ni Eunice dahil hindi ko namalayang humahagulgol na ako. Pakiramdam ko ay lumabas lahat ng sama ng loob ko over the past years. Ngayon lang, ngayon lang lahat lumabas. Bumalik lahat ng sakit. Hindi ko alam kung paano nanaman ang gagawin ko. I can't show my son I'm like this! Magaalala iyon.

"Ate, inom ka muna nang tubig." Inabutan ako ni Eunice ng tubig at ininom ko naman.

"Ate, hindi sa pinangungunahan kita ha. Hindi ba parang sapat na ang halos pitong taon mong pagtatago? Hindi ba parang dapat ay.. gawin mo na ang tama?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Eunice. Palaisipan sa akin iyon. Hindi ako nakatulog noong araw na iyon. Kahit pagod ako ay gising ang diwa ko kaya hindi ako nakatulog. Nang silipin ko ang cellphone kong nag-vibrate ay may dalawang text doon.

Isa galing kay Harvey at isang unregistered. Inuna ko ang kay Harvey.

Harvey:

Don't think too much, alright? Everything will be okay.

Nangiti ako sa simpleng paalala ni Harvey. He's really sweet.

Nang buksanko ang unregistered ay kinutuban na ako kung sino..

Unregistered:

We will talk.

Tatlong salita lang pero pakiramdam ko ay katumbas rin ito ng You are dead.

The Miserable BrideOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz