Chapter 8: Never-ending Problems

Start from the beginning
                                    

“Well, totoo rin naman.” Ngiti ni Tita Lorraine. “Anyways, what brings all of you here for a visit?” Tanong niya.

“Etong si Lance kasi, gusto nang makita ang Ate Naomi niya. Kaya we all decided to visit.” Biglang hila ni Tita Bree sa nagtatago kong pinsan na si Lance.

“Mom! Wala naman akong sinabing ganun ah!” Deny pa ng pinsan ko.

Napatawa kaming lahat maliban sa kanya.

“Naku Lance. Na-flatter naman ako sayo. Hindi ko alam na ganun mo pala ako kamiss.” Tawa ko sabay hug sa kanya.

My cousin actually blushed.

“Eto talagang si Ate Naomi. Parang bata pa rin ang turing mo sa akin. Malapit na kaya akong mag-sixteen. Tsaka mas matangkad pa nga ako sayo eh!” Reklamo niya.

Ginulo ko yung buhok niya.

“Kahit ganun pa man, para sa akin, you’re still the same immature spoiled brat na pinagtitripan ko simula pagkabata.” Asar ko.

At first, nakasimangot lang si Lance. Pero sa huli, napatawa na rin siya.

“Well anyways, bakit nga ba biglaan kayong bumalik dito?” Tanong ni Tito Marvin after a while. “Meron bang nangyari sa America habang nandoon kayo?”

Nagtinginan kami ni Tita Lorraine. Ito kasi ang isa sa mga bagay na pinakaayaw kong pag-usapan sa kasalukuyan.

I forced a nod. Sila Tita Bree lang naman diba? It’s better to tell them than to keep secrets. Sooner or later naman kasi, malalaman rin nila.

Tumango si Tita at napatingin kay Lance.

“Lance, pwede bang samahan mo muna si Ate Naomi mo sa kwarto niya? May pag-uusapan lang kami ng parents mo.” Sabi niya.

Mukhang confused nung una si Lance, pero tumango na lang siya at sinamahan akong umakyat sa taas. Nang makapasok na kami sa kwarto, agad kong sinarado yung pinto at nagbuntong-hininga.

Umupo si Lance sa kama at tumingin sa akin.

“Ano bang nangyari Ate Naomi? Mukhang problemadong-problemado ka eh.” Sabi niya.

Pilit akong ngumiti at tumabi sa kanya.

“Wala yun. Something came up habang nasa America kami kaya kinailangan naming umalis ni Tita.” Sagot ko.

Nakatingin pa rin siya sa akin.

“You don’t want to talk about it, do you?” Tanong niya.

I nodded.

“Malalaman mo rin naman eh. I’m sure Tita Bree and Tito Marvin will explain it to you later.” Sabi ko.

Bigla naman naming narinig ang malakas na sigaw ni Tita Bree sa baba. Napunta yung titig namin sa pintuan sa kwarto.

“HE DID WHAT?! HOW DARE HE DO THAT?! ANONG KLASENG AMA SIYA?! PARA PILITIN ANG SARILI NIYANG ANAK NA GAWIN YUN! IT’S DESPICABLE!” Tuloy-tuloy niyang pagsisigaw.

What a reaction! For sure, ginagawa na nila Tito Marvin ang lahat pa pakalmahin si Tita Bree. Minsan talaga kasi, sobra rin yun makapagreact.

Lumipas ang ilang minuto, at sa wakas, mukhang huminahon na rin si Tita Bree.

“Base sa reaction ni Mom, mukhang may malaking kasalanang nagawa sayo si Tito Carlos.” Sabi ni Lance, nakatitig pa rin sa pintuan.

Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung ano pang masasabi ko. Nadagdagan lang lalo ang stress ko.

Biglang tumayo si Lance.

“Ate, what about we watch a movie? Mukhang showing pa rin naman hanggang ngayon yung The Karate Kid.” Imbita niya.

Napangiti ako.

“Sige ba. Basta’t libre mo ha!”

Tumawa ang napakamabait kong pinsan.

“Sure. Basta’t ikaw yung bibili ng pagkain!”

Napatawa na rin ako. Somehow, I felt a little bit better than before. Ang galing talaga magcheer-up ng pinsan ko. And as we got into my car, I made a complete decision.

Kakalimutan ko muna ‘tong problema na ‘to. Kasi there are some things na kailangan ko munang i-prioritize. At isa sa mga yun is to get my revenge on Adrian Hilario. Poproblemahin ko na lang yung iba when the time comes.

But right now, yun muna ang main goal ko.

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now