"Kanina ka pa ba gising?" Napaangat ang tingin ko dahil may nagsalita, si Kiefer pala.




I nodded "kiefer, nasan tayo?" I asked him.


"Welcome to Blue Rock Paradise, Mrs. Ravena. Matagal ka nang hinihintay ng lugar na 'to." Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

"Blue rock paradise? Parang nabasa ko sa isang magazine mo kaya blue rock kasi may totoong bato na kulay blue sa isang isla dito? Tama ba ako, Kief?" I asked him with much curiousness. Matagal na kong nahihiwagaan dito sa panalan ng resort ni kiefer.

Napangiti naman siya sa tanong ko. "Aha! Ikaw ha! So bumibili ka pala ng mga magazine ko? So what do you think, papasa na ba as model?" He asked me and flexed his arms.

Inirapan ko naman siya sa mga pinagsasabi niya. "No! Because you looked so plain, ang boring ng mga pictures mo. And pwede sa secretary ko yung mga magazines na yun sadyang nagandahan lang ako sa place and sayo pala yung resort." Palusot ko sakanya.


"Ang daldal mo kasi, Alyssa. Mamaya ikaw pa magbuko sa sarili mo." Sa isip ko.



Kiefer's wearing a board shorts and a white vneck shirt and his rayban shades. Nahiya tuloy ako sa suot ko.

"Come with me. Let's eat." Sabi niya na nagsisimula ng maglakad.


"Kiefer, wait lang, can I change my clothes muna? Para kasing hindi bagay ang ripped jeans ko dito eh." Tanong ko sa kanya.




"Of course hintayin na lang kita" Sabi niya sa akin. "Nasa may cabinet sa kwarto natin ang mga damit mo na pinabili ko. And one thing, Alyssa don't wear revealing clothes." Habol niya pa.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Anong susuotin ko eh nasa beach kami, ang labo naman ni kiefer.



Binilisan ko ang paglakad at kaagad binuksan ang cabinet. "Wow! May taste ang taong pinabili niya ha." Kinuha ko ang isang maong shorts at isang sleeveless white top na medyo mababa ang neckline. Sakto lang naman hindi naman bastusin or what yung damit. "Pwede na siguro sakanya to."


"Ly? Ang tagal mo naman, bilisan mo." Kinatok ako ni Kiefer.


At pagbukas ko ng pinto ang mukha ni kiefer na nakasimangot ang bumungad sa akin.



Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Women! Bakit kailangan pang mag-ayos ng kuntodo? Ang tagal mo Ly. Halika na." Sabi niya sabay talikod na at nauna ng lumabas.


"Napakasungit mo talagang bwiset ka!"



Binilisan ko ang paglalakad ko dahil ang layo layo na ni kiefer. Nakakainis talaga sana sinabihan na lang niya ako kung saan pwedeng kumain para ako na lang pumunta.




"Kiefer?? Kiefer? Sandali lang naman." Sigaw ko sa kanya pero ang magaling na lalaki mas lalong binilisan ang paglalalakad, kinuha ko ang slipper ko at binato to sa kanya sakto naman sa likod niya.



Nakita ko naman na huminto siya sabay harap sa akin, pinagkrus ko naman ang braso ko sabay simangot sa kanya. Naglakad siya pabalik sa akin.



"Stop being childish, Alyssa!" Sabi niya sabay tingin sa akin ng masama.



"Hoy! Mr. Ravena pinapaalala ko lang sayo ikaw ang nagdala sa akin sa lugar na 'to, ni hindi ko nga alam kung nasan ako, Tapos ano iiwanan mo ko dito. Bakit may alam ba ko dito tapos kanina pa kita tinatawag ang sakit sakit na ng lalamu-." tinakpan niya ang bibig ko.



Dreams Into Reality (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora