Chapter Thirty three

25.6K 264 10
                                    

I-tweet nyo ako and siyempre follow nadin :) @fellitbunnyhole

keep voting and commenting!





Paano nga ba mag move on?

                                                                    ***

Lalay





Umuwi na ako sa bagong bahay namin, ang lamig.

Nakita ko si kuya pababa ng hagdan, "GEORGINA LAUREL!"

"Kuyang! napaka kadiri!"

"Baliw pangalan mo yun eh."

"oo nga, pero kahit na."

"Seryoso ka dun sa showbiz chuchu mo?"

"opo." sabi ko habang niyakap siya ng mahigpit, natawa siya.

"Alam mo ba ang tawag saiyo nun ni papa,george. Kasi para sakanya lalake ka. kaya ka tinuruan mag drums."

Nangiti ako sa memory na yun, "Gusto mo bang tawagin nalang kita palagi ng george?."

tumango ako, for some reason hindi ako makapagsalita and hirap huminga tapos nagblblur yun paningin ko...

papa

napakasensitive na subject pag si papa yung pinag uusapan.Hay.

si kuya minsan tinatawag ako na george yan pero minsan napipgil niya sarili niya dahil alam niyang masyadong touchy na subject si papa.

Nakwento ko nadin kay ella at kay julie yung nangyari, mapagkakatiwalaan ko naman sila...atsaka alam ko na ipapasa nila yung info na yun kay tristan at gian lang.

kinabukasan ng umaga

Nag luto ako ng itlog at maling at gumawa ng sinangag na kanin. Tapos kumain ako ng kumain.Punong puno yung Ref at mga cabinet sa kuaina ng pagkain.

Nakwento na saakin ni kuya yung tungkol sa ospital, sa mga nakabayad ng utang, yung sa kabit ni mama...

medyo nakakaoverwhelm kasi nga parang binagsakan ako ng iba't ibang discovery hindi ko alam kung ano dapat maramdaman ko.

After kumain naligo na ako at nag uniform, pagbaba ko .

Tinignan lang ako ni kuya, tapos after mga 30 seconds tsaka lang nagsink in na

"Officer ka! ano position mo sa SC?"

"President kuya,"

"Napakagaling naman ng bunso ko ah, ito baon mo."inabot niya saakin yung 300.

"naman kuya, ako pa ba? see you later!" kiniss ko siya sa pisngi then alis na ako.

Pagkarating ko ng school inayusan nila ako make up, kinulot hair ko para sa shoot ng AVP.

After ng shoot ng CAS nag meeting kami ulit para ifinalize yung mga event na magtetake place sa first semester sa pasukan.Ganun din ginawa namin after ng shoot nun sa CTHM.

Masaya ako dahil natapos namin yung shoot ngayong araw tapos nafinalize na lahat . Wala na akong poproblemahin. 'yung design nalang ng bulletin board pero hindi naman na muna kailangan yun eh kasi next next week padaw.

Mga 3pm kami natapos so ang ginawa ko dumiretso ako sa studio para sa acting workshop and dance workshop.

kinabukasan...

Shooting for Camay,

inayusan ako and pinasuot yung white jane dress na bigay na saakin from Apartment 8 clothing.

yung hair ko ang style messy chignon - I think it's a french word haha.

shinoot nila ako sa isang studio na ang set up ay parang magandang condo na pink na girly-pero kahit ganun cute parin. I am not a big fan of the color pink pero and cute ng ayos eh.

Shinoot nila ako na , umiikot ikot, tingin tingin sa salamin, amoy sa braso and sa hands, tapos lumabas din kami ng studio doon kami sa isang park... doon lahat ng madaanan ko maaamoy ako na mabango siyempre nakakahiya naman na mapapaligon sila dahil mabaho ako.

Nung last na, may boy na leading man ko dito sa commercial na ito...

small world talaga, tsk.

Yung leading man ko yung nakaagaw ko ng tempura sa vikings.

yung sumunod na nangyari, sinundan niya ako bigyan ng flowers and chocolates and then hinawakan niya kamay ko at hinatak niya ako hinug niya ako and inamoy kunyari neck ko.

Hindi ko masyado naramdaman kung ginawa niya talaga.

After nun, cut na. Tapos na.

Pinicturan kami nung tempura robber. Tapos sabi din niya saakin na mag picture din daw kami sa phone.

nag selfie kami.

"I'm paolo."

"you can call me george or lalay."

"I prefer george," sabi niya .



                                                                     ***





Arkin



Kung bakit ako pa yung inutusan ni Ella na , sunduin si lalay hindi ko alam .

Sabi saakin ni ella na nasa Trinoma daw si lalay, binigay ni ella saakin yung number ni lalay.Siyempre nakasave pangalan niya sa cellphone ko Ms.Charity  . Nung nasa trinoma na ako tinext ko si lalay na,

Nasaan ka na? arkin to.

Nababaliw nanaman tong si ella. Bakit kasi kailangan niyang ipush kami ni lalay?

Nakarecieve ako ng reply galing kay lalay, Nasa trinoma sa national bookstore po. bakit?

Hindi sinabi ni ella?!

naglakad ako papunta ng national bookstore, tinext ko siya Bilisan mo

Nung nasa labas na ako ng national bookstore, biglang may lumabas ng national bookstore na nakawhite dress, nakaayos yung buhok niya pag harap niya saakin fresh face...si lalay.

Ngumiti siya saakin...hay.

"Bakit mo ko hinahanap?" sabi niya saakin.

umirap ako,"wag ka ngang feeling. inutusan ako ni ella na sunduin ka."

hard ka nanaman sakanya.

wala akong pake.

sumimangot siya, tapos hindi siya sumabay sa pace ko maglakad sa likod siya.

ayan ayaw ka niya sabayan maglakad

okay lang, mas maayos nga eh.

whoo

tigilan mo nga, parang ikaw si ella.

Nakapunta na kami sa rooftop na parking,  sumakay na kami sa sasakyan ko.Walang lugar sa likod kaya umupo si lalay sa passenger seat.

Napairap siya nung nakita niyang walang lugar sa likod. Nilabas niya cellphone niya at pinlug yun earphones niya at nakinig ng music.Doon nagsink in na...

Ayaw niya akong kausapin.

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)On viuen les histories. Descobreix ara