Chapter Five

33.6K 366 19
                                    

Paano nga ba mag move on?

                                                                    ***

Julie

nacontact na kami ni kuya luke. Nakakaexcite bukas kasi birthday na ni Lalay. May plano kami ni Ella, at yung plano naman na yun ay ang make over. Lagi nalang sinasabi ni lalay na hindi siya maganda kahit sobrang ganda niya. Wala rin naman kasi siyang oras para mag ayos kasi aral ng aral-double major kasi siya.taray e no? tapos nagtatrabaho pa siya sa Call center.

Napapansin nga namin na pumayat siya ng sobra eh, baka siguro dahil sa stress tapos napalitan ata ni kuya luke yung sabon niya kaya medyo kumikinis na mukha niya.

Don't get us wrong. Kasi mahal namin si lalay kahit ano pa man itsura niya. Pero sana maramdaman man lang niya na sobrang ganda niya kahit isang araw lang.

Yung pinaka regalo ni kuya luke ay-secret  bawal nga palang sabihin.

Tinulungan kami ni tristan at ni gian para maayos yung birthday na to kasi nag ambag din sila ng pera dahil turing nila kay lalay eh bunso.Which is nakakatuwa naman kasi diba may mga storya na di boto si bestfriend sa boyfriend nila? hindi ganun si lalay.

Yung pinaka reason why gustong gusto ng parents namin ni ella si lalay dahil naging good influence si lalay saamin, tinuturuan niya kami sa mga lessons na hindi namin maintindihan at napipilitan kami mag aral pag nag aaral siya kasi nakakahiya naman sakanya diba?

May pasok kami ngayon at half day lang kami kasi summer class lang naman. Pare-parehas kami na Communication yung course. Cinontact na namin yung Sofitel Manila, salon, spa, etc. para bongga yung debut ni Lalay.

Si ella andun na siguro sa sofitel para mag check In na ng mga gamit at ilagay dun yung mga regalo namin kay Lalay. Siyempre para hindi magi suspicious ininvite namin si Kate pero di niya tinanggap aalis daw sila  parents niya.

Nag gawa din kami ng surprise birthday para kay kate pero yung ginawa lang namin ay sinurprise namin siya sa Ace waterspa. Dahil gusto niya daw pumunta doon at lagi niya binabanggit saamin.

Nag ayos na ako dahil bumusina na si Tristan. Kailangan na namin pumasok .

                                                                    ***

Lalay

Pagka gising ko humikab ako at pinunasan mata ko, nag inat ako hanggang sa tumunog lahat ng buto ko.Nag toothbrush ako tapos naligo, nung nagtutuyo ako ng katawan nakita ko itsura ko sa salamin.

Pumayat ako. Stressed kasi.

may eye bags ako, tapos-wait lang kuminis mukha ko. Paano yun? tiningnan ko kung ano yung sabon. walang box, sa sorang curious ko tinignan ko pa basurahan sa CR- nakita ko na yun box Erasul tatak. Effective siya ha infareness.

At dahil napansin ko na pumayat ako tinry ko ngumiti sa salamin mas kita dimples ko, mas tumangos ilong ko.Nakakatuwa naman.Dalawang linggo nadin kasi akong hindi makakain ng maayos dahil puro prutas lang nakakain ko.

Pag baba ko andun si kuya. May Mcdo na nakahain sa table.

"Happy birthday bunso." sabi niya ng nakangiti.

niyakap ko siya, bat siya andito eh magboboracay sila?

"Kala ko ba magbobora kayo?"

"Siyempre 18th birthday ng bebe ko bat ko makakalimutan ? at bakit ako aalis ng di ko pa nabibigay regalo ko?"

"Kuya no need, pang school mo nalang yan at kay mama wag ka na bumili regalo."

nilabas niya yung isang box na rectangle.

"kuya ang kulit. di ko kailangan yan." sabi ko sakanya. Siguro kung mga notebook yan at ballpen okay lang kasi magagamit ko sa school...o kaya yellow paper para di ako nauubusan! lagi kasi mga kaklase ko nanghihingo ng 1/4 saakin. Alam kong mataba ako pero hindi naman ako national bookstore!

"Hala sino nagsabi? tignan mo muna kasi." sabi ni kuya.

"Thank you kuyang. kahit di ko pa nabubuksan." I give up, effort din naman ni kuya eh.

"you're always welcome bunso." sabi niya ng nakangiti, ang lambin ni kuya ngayon ah.

binuksan ko at natameme ako, nahulog ata puso ko

IPHONE 5S

nanlaki mata ko at nanganga ako.

"Kuya! ano to!" sigaw ko.

"Cellphone, di mo ba natandaan na hiniram ko cellphone mo noon tapos nahulog siya sa bowl ." sabi niya as if hindi ko alam kung ano nga ba ang Cellphone.

Ganito kasi yan. Si kuya hiniram cellphone ko, cellphone ko lan naman noon yung galaxy mini regalo ng boss ko saakin. tapos habang naglalaro si kuya - unfortunately tumatae siya eh nahulog .

"Bakit kailangan iphone? tapos brand new pa." sabi ko sakanya. Gastador talaga tong si kuya eh.

"eh kasi nga 18th birthday mo! dapat bongga!" sabi niya. Grabe exag naman nito, may iba ngang naging 18 pero hindi manlan gaano nagcecelebrate. Ano kala niya saaming dalawa mayaman?

"Kuya sobra naman to." sabi ko habang nakatingin sa box ng iphone. Hindi ako makapaniwala. Ang mahal nito!

"Georgina Laurel Lucy." sabi ni kuya in a sternvoice, seryoso siya pag ginagamit niya buong pangalan ko.

kinilabutan ako sa pangalan ko. I don't know why. . .bihira lang kasi niya ako tawagin gamit buon pangalan ko.

"Pinag ipunan ko yan, pinag hirapan ko yan, at binenta lang saakin yan  kaklase ko ng mas mura kaysa sa original price kasi ayaw daw niya apple gusto niya samsung." inexplain ni kuya saakin.

"Kuya-" sinimulan ko pero I was interrupted by him.

"Pwede bang thank you kuyang,  I love you so much napaka gwapo mo talaga at ikaw ang best brother in the world ang sabihin mo ? tagal mo kasi sabihin eh." sabi niya.  Tawag ko sakanya  "kuyang" para hindi mainstream na "Kuya" I don't know pero yun gusto ko eh.

napakalaki talaga ulo ng kuya ko

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now