Paano nga ba mag move on?

124K 635 196
                                    

(c) 2014 by fellinthebunnyhole . All rights reserved.

Paano nga ba mag move on?

***

Normal naman buhay ko at mga nangyayari saakin normal din naman . May tatlo akong kaibigan sina Julie, Ella at Kate-si kate pinakamatagal ko na na kaibigan kasi kababata ko yan! alam niya lahat ng tungkol saakin...si Julie at Ella nitong first year high school ko lang sila nakaclose tapos may boyfriend pa ako.'Yung boyfriend ko na yun mahal na mahal ko siya...ni minsan hindi ko nakalimutan monthsary namin. Hinahatid sundo ko nga siya minsan eh kahit may sasakyan siya, nililibre ko din siya sa mga date namin tapos lagi akong may regalo sakanya mapa anniversary, mothsary, birthday, christmas o walang occassion.Sweet naman siya saakin.

Hinahatid sundo ko din siya minsan pagkatapos niya magpractice ng basketball.Ganun ko siya kamahal.Kaya nga ngayon nasa mall ako para bumili ng regalo pang 4th anniversary namin bukas. Tagal na namin no? Yung boyfriend ko nasa swimming daw siya ngayon kasama pamilya niya.

Minsan pag gutom siya tapos naiwanan daw niya pera niya sa bahay nililibre ko siya, kawawa naman siya eh. Siyempremayaw ko mamatay to sa gutom.

Bumili ako ng T-shirt sa Forever 21-kapos sa budget eh. 'di naman kami ganun kayaman, magaling lang ako mag-ipon tapos nagtatrabaho din ako sa Call center habang nag aaral. Mahirap... promise wala akong tulog.

Pag labas ko ng Forever 21, may nakita akong pamilyar na dalawang tao.Magkaakbay pa-

pag harap nila nakita ko si Kate at si Xavier...nako namamalik mata ka lang Lalay, nasa swimming si xavier diba?

Nagtatawanan sila, ewan ko ba pero parang sumikip yung dibdib ko bigla. Tapos nagkatinginan sila ng parang silang tao lang 'yun nasa mall.'Di ko na kinaya tinawagan ko number ni Xavier. Hinalikan ni Kate pisngi ni xavier.

Kung tutunog cellphone ni Xavier siya talaga yan at hindi ako nananaginip.

Nag ring nga at sinagot niya, "Hello bie." sabi niya.

"Kamusta swimming?" medyo nanginginig boses ko.Hidni ko mapigilan nagsisinungaling siya saakin. Kailan pa nagsimula?

"Okay lang, mainit masyado pero okay lang.Ikaw kamusta ka? I miss you."

I miss youndaw, i miss you-hin ko mukha niya eh. Nakita ko na si Kate namutla nung narinig niya na kausap ko si Xavier. Kailangan ko na tapusin ito.

"Xavier. Ayaw ko na." sabi ko.

"Ha!?" sabi niya gulat.

"Makikipag break na ko sayo.Ayaw ko na" sinabi ko tapos dinagdag ko "Mas maayos lang na friends tayo." binabaan ko siya. Natameme lang siya.

Tama naman na unahan mo makipag break saiyo kapag alam mong niloko ka niya. Huwag ka magpakatanga ikaw lang kawawa sa huli.

Tip #01 para maka-move on I-friendzone mo siya bago ka niya I-friendzone

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now