Chapter One

44.9K 466 119
                                    

Paano nga ba mag move on?



                                                               ***



Lalay


Trust is such a huge word it either makes something or destroys it

Saklap no? bestfriend ko pa ano? hindi na nahiya.

Siguro sa sitwasyon ko ganito ang paraan ko para mag move-on. May Iba't ibang scenario na pwede mangyari para mag break kayo, pwedeng unahan ka niya I-friendzone at pwede mong ibahin yung tactics mo para mag move on pero basta...Back to my story muna kung paano ako naka-move on.

Umiiyak ako habang nakasakay sa Tricycle, hindi na siya nahiya! parang unspoken na rule nadin na 'wag mong idate mo yung ex ng kaibigan mo. Pero siguro alam ni kate yun kaya dinate niya kasi dinate niya habang kami pa.

Gusto ko lang makaganti kahit onti lang. kahit alam ko sa sarili ko na masama yun.

tinawagan ko si Julie at Ella. naka confe call kami, "Bakit Lalay?" tanong ni ella.

"Si Xavier."

"O ano meron?" sabi ni julie.

"Nakita ko siya kanina, may Ibang kasama."

"TARA NA JULIE BITININ NA NATIN SI XAVIER NG PATIWARIK!"

"Easy lang, ella. Sino kasama? kilala mo ba?"

Huminga ako ng malalim at sinabing "Si kate."

"Kate?" tinanong nila. Hay kung nalaman ko yan ng second hand,ganyan din reaksyon ko, kasi di mo aakalain na si Kate pa mismong mangloloko saakin.

"Kate Innocencio."

Natahimik sila, mga umabot ng 5 seconds tapos sabay nilang sinabi na "WALANG HIYA YANG BRUHA NA YAN!" sigaw nilang dalawa, nilayo ko yung cellphone ko sa tenga ko kasi sobrang lakas ng boses nila.

"hinaan niyo, masakit sa tenga." sinabi ko. Which is totoo naman.Minsan kasi OA yang dalawa na yan.

"hindi na nahiya yang si kate." sabi ni julie.

"Hayaan mo na siya." sabi ko habang may nahulog na luha mula sa mata ko.

"eh paano na yung sleep over mamaya sakanila?" tanong ni ella.Good point.Paano nga mamaya?

"Umarte nalang tayo na parang wala tayong alam." suggestion ni julie.

Pag uwi ko nakita ko kotse ni Xavier. 'di niya talaga alam yung ibigsabihin ng ayaw ko na ano?

Pag pasok ko ng bahay puro bulaklak

"Happy Anniversary" sabi niya while nakangiti. Sweet sana kung hindi ko lang alam na niloloko niya ako

"Xavier...Di mo ba naiintindihan?"

"Hindi. Hindi ko maintindihan Lay. Bakit nung umaga okay naman tayo tapos biglang naging cold ka nalang ng hapon."

"Kasi nga narealize ko nga na ayaw ko na nga, na mas maayos at mas tatagal tayo sa pagiging friends."

balikan natin ang tip #01 para makamove on I-friendzone mo siya bago ka niya i-friendzone

Which is nagawa ko na.

Tip #02 maging cold ka sakanya at ipakitang di ka na interasado sakanya

hindi ko alam kung saan ko hinuhugot 'tong mga sinasabi ko pero I think appropriate naman siya sa situation ko ngayon. Go with the flow nalang ako.

"Pwede bang linisin mo yan bago ka umalis?"

yung itsura niya nung sinabi ko yun hindi ko maipinta. Pogi kasi si Xavier, kung tutuusin gwapo siya lalo na sa university namin,crush siya ng karamihan...tiyak hindi siya sanay na ginaganito siya. Lagi kasing at-his-service lahat ng tao.

Matangos ilong, maputi, sobrang tangkad, tama lang yung katawan may muscles at abs, star player ng university namin yan.

"Babalik kadin sakin, lalay. Tandaan mo yan, wala kang makikitang katulad ko." sabi niya saakin. Jusme hindi ako babalik kahit mahirap mag move on bahala siya sa buhay niya.

"Kaya nga okay diba? kasi wala ka ng ibang katulad."  sabi ko.

"Ano ba ginawa ko?" tanong niya.

Niloko mo ako. "Wala."

Siyempre para iexecute mo yung tip 02 dapat poker face at laging maiikli lang sinasabi mo sakanya .

"Ano ba lalay?" sabi niya na medyo naiinis na.

Nagsinungaling ka saakin at naglalandian kayo ng bestfriend ko behind my back!  "Wala."

Tumalikod nalang ako takot akong tignan mata niya kasi baka malaman niyang nagsisinungaling ako. "Linisin mo na kalat mo bago ka umalis."

Siyempre dapat walang ingat or I love you. para dagdag feels Haha.

Nganga siya.

"Baka may pumasok na langaw diyan, sara mo nga bibig mo." sinabi ko tapos hinagis yung binili kong damit sakanya. "Happy broken anniversary pare."

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon