Chapter Fifteen

27.8K 256 15
                                    






Paano nga ba mag move on?

















                                                                    ***











Arkin


Nasa lugar ako kung saan green ang lugar dahil madamo, mahangin at maganda ang view sa sky. Ang peaceful sa lugar na 'to, ang tahimik. Tapos may narinig akong tawa, nangiti nalang ako automatically. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. It made my heart beat faster than normal.

Nakangiti ako habang may kahawakan ng kamay,

"Arkin." sabi niya. Hindi ko alam kun bakit ang tensed tensed ko . Kinakabahan ata ako or something.

"Yes?" tanong ko sakanya.

"Gusto ko sagutin yung tanong mo kung pwede ba tayo maging mag boyfriend..." sabi niya, hindi ko makita mukha niya naka tingin kasi siya sa gilid tapos mahangin natatakpan ng brown niyang buhok yung mukha niya. Sino ba to? tinanon ko siya kung pwede ko siya magig girlfriend?

napalunok ako at kinakabahan ako, huwag niya sana ako I-reject.

"Yes, I would gladly be your girlfriend." sinabi niya.

"I love you lalay!" sabi ko, sabay tingin niya saakin while niyakap ko siya ng mahigpit,binuhat at inikot ko siya sa saya!

Nagising ako bigla, lalay?!  bakit pati panaginip ko! buwiset! hindi na ba ako matatantanan nun babae na yun?! pati sa panaginip ko ininvade niya ako,








                                                                     ***






Lalay








Nagising ako sa sobrang gandang view sa labas. Siyempre ano silbi ng iphone ko kung hindi ko pipicturan? pinicturan ko ng panorama tapos ininstasize ko para magkasya sa instagram. yes! umiinstagram ang lola niyo!

nakaconnect yun sa facebook ko, pinost ko na may caption na Definitely a sight to wake up to. Laki ng gulat ko dahil pag tingin ko sa facebook punong puno inbox ko at ng friend requests.Anyare? 398 friend requests

Wala namang mangyayari kung iaaccept ko eh, hindi rin naman ako mahilig mag facebook.Iaaccept ko lahat, feeling ko medyo ang famous ko haha. Ang dating friends ko na 579 naging 977 friends,after nun nag log out ako dahil maliligo na ako, after ko maligo nagbihis ako. Black skinny jeans, white 3/4 button down top tapos nag red na vans ako.

Nagtext ako kila ella at julie na aalis ako saglit.Lumabasvako ng room namin tapos nag elevator ako, pag baba ko ng lobby lumabas agad ako para makasakay agad sa taxi.Sinabi ko kay manong kung saan,

pag baba ko, naglakad ako papunta sa gusto kong puntahan.Umuponakong pa-indian sit."Hi pa." binati ko yung puntod, naluha ako.

"I miss you...sobra-" sabi ko habang punas ng luha.Hindi ko mapigilan eh. Ang hirap ng  'di mo nakakapiling Ama mo.

"Bakit kasi kailangan nauna ka pang nawala *hikbi*  ang hirap papa.  Hindi pa gising si mama *sobs* paano pag hindi nadin siya nagising? mawawalan pa kami ng isa pang magulang. " humahagulgol na ako.Bakit pa kasi kailangan mawala ni papa? okay lang sana na nasa coma din siya para atleast may chance pa siya mabuhay...may chance pa siya makita mga anak niya gumraduate with latin honors.

"Papa, alam mo ba si kuya matagal nadaw niya na pinagiipunan ang pag debut ko, pero kasi ayaw ko ng debut na party party talaga. Alam niya yun...kaya binilan niya ako ng iphone 5s ko para daw magselfie selfie ako at rent to own na bahay namin-

tapos sila ella at julie...sinurprise nila ako ng bongga haha. minake over nila ako kasi niloko ako ni xavier, papa. sila ni kate-" nag umpisa nanaman akong umiyak."niloko nila ako...ng isang taon, papa."

"Hindi ko masabi kay kuya kasi baka kung ano gawin niya. Sorry papa wala akong dalang flowers ah, ang aga pa kasi. Alis na po ako pa, I love you." halos masubsob yung mukha ko sa kung saan nilibing si papa, pero wala akong pakialam. Ito na nga lang yung paraan para mayakap si papa mag iinarte pa ba ako?

Umalis na ako ng cemetery, bumalik ako sa hotel.

"Where have you been! tara na! breakfast na tayo." sabi ni julie ng naiinip, jusme kala mo hindi siya kumain ng midnight snack kagabi nung nag CR ako nakita ko siya na kumakain ng tsitsirya sa balcon.

"parang wala akong gana kumain." sabi ko, namimiss ko kasi parents ko. Nakakawala lang ng gana para kumain ang gara naman kasi at iniwan ako ni papa ang hi-

ininterrupt ako ni ella at sinabi niyang, "Buffet yung breakfast-"

"okay tara na!" sabi ko ng hindi nagiisip. Sino ba tumatanggi sa buffet?!

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now