Chapter 02

14.6K 180 11
                                    

Please read my story "The Ugly Truth"

http://www.wattpad.com/story/16968870-the-ugly-truth

:)




Paano nga ba nag sembreak si George?

                                                                       ***

Lalay

Naiimvey ako sa flashback na yun, hay. Lord, sign na po ba ito na ayaw niyo na ako mag ka lovelife?

Lunch break ko nga pala ngayon, hirap kumain sa natandaan ko. Ang sakit talaga kasi.

Biglang nag ring cellphone ko, Sana si Arkin sana si arkin sana si arkin sana si-

si kuya pala

"Hi koya."

"Hi bunso, nasa harap ako ng hotel niyo! nakuha ko na letter ng school niyo tungkol sa scholarship mo."

dali dali akong tumayo at nag speed walk papunta sa lobby, andoon si kuya sa labas naka shades, naka coat and tie at slacks.Nilapitan ko siy at hinug "Business man na business man ang dating ng kuya ko ah."

tumawa siya at hinalikan pisngi ko, " may surprise ako saiyo." inabot niya saakin yung isang maliit na tub ng Ben and Jerry's na ice cream.

"Hindi na ba ako scholar?"

"Ha? bakit mo naman naisip yun?"

"baka pampalubag loob mo to saakin."

natawa si kuya tapos binuksan yung envelope ng galing sa school, "Congratulations Ms.Lucy, you have maintained your 1.02 GPA-"

hindi ko na pinatapos si kuya magsalita, niyakap ko na siya sabay sigaw ng "AAAAHHH"

"congratulations bunso!"

Biglang may bumusina, napalingon ako agad kasi nasira nung busina yung moment namin ni kuya. Ang ganda ng kotse, black... kung tao yung kotse ang pisikal na anyo nito matatawag na sexy. Audi R8 black matte.

Pag bukas ng pinto ineexpect komisang sexy na babae hahaha ewan ko kung bakit pero basta ganun ineexpect ko-

pero hindi eh

ang lumabas...

Papa ko,

Lumapit ako sakanya at kiniss pisngi niya nagmano "Happy 18th birthday, anak!" sabi niya habang nakangiti.

ansabe?!

"Papa tapos na birthday ko, nung summer pa yun ah."

"I wasn't there.Hayaan mo ako" sabi niya, "Happy birthday, nak." sabi niya while hinug niya ako.

Ang grande naman ng regalo ni papa, hindi ko alam kung iiyak ba ako o ano.

"Eh papa paano yung sasakyan ko? nandito din siya sa ho-"

"bigay mo susi kay kuya mo, siya na magdadala nun sa trabaho niya, nag commute yan para lang dito."

inabot ko kay kuya yung susi, tapos tinulak ako nila papa sa audi r8. "Igarahe mo sa parking." sabi ni kuya, hawak iphone 5s niya, vinevideohan ako.

hinalikan ko muna windshield ng sasakyan bago pumasok, natawa sila papa at kuya. Hahaha ang ganda kasi talaganng sasakyan.

Nung pumasok ako pumasok nadin sila, si papa sa passenger seat. Dinrive ko na hanggang sa mag park ako sa floor ng parking ng staff,

naiyak ako, napaka bongga at napaka mahal na regalo to, "Thank you papa, I love you." sabi ko tapos niyakap ko siya.

"Aww." sabi ni kuya, pang inis

"Epal ka talaga ano?" sabi ni papa, tapos natawa kami lahat, "I love you too anak." sabi ni papa tapos hinalikan ulo ko.

                                                                      ***


Ella


it's sembreak pero ginising ako ni Arkin ng maaga at nagmakaawa na samahan ko daw siya sa airport. Susunduin daw niya si Aika,

o guys,  gulat at curious kayo no? sino nga ba si aika?

"Ella tara na!" sigaw ni arkin,

"Oo ayan na!" sigaw ko din, habang naglalagay ng last touch g make up ko sa face ko.

Ang ganda ko talaga-

"Ella ano ba?!"

"Yan na kasi!"

Nagmadali na ako bumaba tapos umirap si arkin, hindi ko naman problema kung bakit medyo cold si lalay sakanya.

Simula nun medyo dumidistansya si lalay sakanya napaka sungit nanaman niya, gabing gabi kung umuwi halos madaling araw na nga eh, tatanungin namin ni julie si lalay pag nakita namin ulit siya, busy kasi si lalay sa internship niya kaya busy di namin makita tapos shooting pa ng teleserye nila ni paolo kaya bawas social life.

Sumakay na kami ni Arkin sa kotse niya at nag drive siya papunta airport tapos biglang tumugtog It will rain by Bruno Mars, yung mukha ni Arkin hindi maipinta, medyo maputla at nanlalaki mata niya.Ano meron sa kanta na yun?

Nakarating na kami sa airport tapos nakita ko na siya...Si Aika

"Hold my bag." sabi niya kay Arkin, umirap si Arkin.

"Hi." sabi ko kay Aika.

tumingin siya saakin, "Ate ella! you got prettier!"

"Aww! thank you!"

"Where are we going na?" sabi niya kay Arkin.

"We're going to the hotel." sabi ni Arkin.






***

Author's note

yiiie magkikita na si lalay at arkin HAHAHAHA ♡♥  #23 in teen fiction! grabe hahaha

the ugly truth is #165 in teen fic   http://www.wattpad.com/story/16968870-the-ugly-truth

paano nga ba nag sembreak si george? is #366 ata hahaha basta nasa ranking siya.  So thank you guys :* nakakatouch talaga :")

Anyways matutulog na ako dahil may pasok pa ako mamayang 7 am HAHAHAHA

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now