Chapter Three

36.5K 358 37
                                    

Paano nga ba mag move on?

                                                                  ***

Lalay

Nakaraan na ang isang linggo pagkatapos ako makipagbreak kay Xavier, isang linggong kulang na kulang sa tulog, Isang linggong walang gana kumain, isang linggong ayaw lumabas ng bahay. Tinry ako I-cheer up ni Ella at Julie.

"Nasaan si kate?" tanong ko.

"Busy daw siya." sabi ni julie. Huh nagcecelebrate yun dahil wala na kami.

Pagkaalis nila ella at julie nag facebook ako - more like nagpipigil akong I-stalk si Xavier.

tip #03 'wag mo siyang I-stalk sa kahit anong social media BAKA MASAKTAN KA LANG.

ang ginawa ko nalang chinange ko yung relationship status ko sa Facebook ginawa kong Single. Siyempre naging hot topic yun, yung mga cinomment nila

about time ! atleast single si papa xavier

yan tama yan!

condolence

congrats xavier

grabe kayo, paano kung si lalay yung nakipag break?

Asa naman tayong siya makipag break kay xavier! ganda naman niya kung ganun.

Hay, ano magagawa ko kung ganun tingin ng mga tao? hindi ako magsisinungaling at sasabihin ko na hindi ako nasaktan kasi masakit-sumisikip dibdib ko .

Sa sobrang brutal ng mga comments nagreach ng 453 likes dahil lang kay xavier. Hanggang dito ba naman nasasaktan ako.

Hay, ang hirap din palang ipakita na malakas ka.

Pag nakikita ako ni kate, masaya ako, laging nakangiti at tumatawa pero sa loob ng bahay hindi ako makakain or makatulog. Hindi dahil sa niloko ako ng boyfriend ko...

kundi niloko ako ng bestfriend ko.

totoo pala yung sinasabi nila na hindi mo na alam kung sino pwede mong pagkatiwalaan ngayon. Dati chubby ako mga nagweweigh akong mga 180lbs. Ngayon pumayat ako dahil nagcacall center ako tapos di pa ako makakain ng maayos-atleast tipid.

Nakita ko yung post ni Kate na may bago siyang sasakyan.Wala eh mayaman siya, hindi naman ako naiinggit pero nangangati kamay ko gusto kong basagin yung windshield.

brutal masyado? sorry

Bagay na bagay saakin sa sitwasyon ko ngayon yung Bust the windows out your car ni Jasmine Sullivan. Pero ang difference di ko pa ginagawa at di ko kay xavier gagawin.

At dahil malakas konsensya ko di ko nalang gagawin.

isa pang tip! Tip #04 'wag kang bitter

matutuwa si ex kapag nakita niyang bitter ka, baka ipagmalaki pa niya sa buong facebook community, sa campus o sa buong mundo na bitter ka pa dahil sakanya at sasabihin niyang siya nakamove on na.

Pag uwi ko ng bahay galing ng work eh andun na kuya ko. Luke pangalan niya...

si kuya mas matanda saakin ng dalawang taon pero sa college isang taon lang tanda niya kasi nagstop siya mag aral ng dalawang sem para mag trabaho para makapag tapos ako ng high school. Pero hindi siya scholar ngayon college...

Gwapo kuya ko, maputi, tamang katawan lang may abs pa nga eh, matalino naman tapos mabait. Mahal na mahal ako niyan, kaming dalawa nalang ang nasa bahay...wala na kasi sila mama at papa, si mama nasa ospital-comatose siya. Si papa wala na, namatay dahil sa isang aksidente.

Kaya kami ni kuya nagtatrabaho eh para kay mama, nakakahiya kasi manghingi ng tulong sa mga kaibigan ko.

Ang saya ng buhay ko ano?

Hay.

Kung nagtataka kayo kung ano course ko yung course ko Bachelor of Arts in Communication bali double major ako... Communication and Tourism and Hospitality management kinukuha ko.

Kala mo ang ganda ko no? taba taba tapos communication arts at tourism pa. Pero di ako naniniwala na magiging hadlang yung taba na yun sa pag aaral ko.

"Hi bunso." sabi ni kuya habang hinalikan niya ulo ko at niyakap ako.

"Hi kuyang." sabi ko habang nakangiti.

"Hindi ka  hinatid ni xavier?"

na-tense ako, "Umm, wala na siyang karapatan na ihatid sundo ako."

"Ha?"

"Nakipag break ako sakanya kuya."

"Bakit?"

"Masyado kasing complicated, kuya."

at dahil napag usapan nanaman si xavier wala na akong ganang kumain.

"Hay nako lalay."

"Okay lang ako kuya, promise!" inassure ko siya, akala niya siguro hindi ko kaya alagaan sarili ko.

"Bunso..."

"Yes kuya?"

"Bukas aalis ako kasama mga kaibigan ko...sa boracay kami pupunta. Okay ka lang ba dito mag isa?"

aalis siya sa birthday ko...

sa 18th birthday ko pa talaga

"Pwede akong mag stay kila ella or kila julie."

Tinaas niya isang kilay niya, masyado ba akong naging obvious?

"Sige, kain ka na."

"Busog na ko kuya."

"lalay,  never kang tumanggi sa pag kain. Ano meron?"

"Stressed lang kuya.Good night." niyakap ko si kuya tapos hinalikan pisngi niya tapos umakyat na ko sa kwarto ko. Naligo ako tapos nagbihis at humiga sa kama.

Napaka swerte ko naman masyado .

note the sarcasm.

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now