Chapter 69

22.5K 256 21
                                    

Paano nga ba mag move on?

                                                                       ***

Lalay

"Okay ka lang?" tanong ni Arkin.

"oo, I'm fine."

"Gusto mo magpunta sa rooftop? may dala akong extra shirt para pag iiyakan mo ako-"

"thank you , kin."sabi ko and nginitian ko siya para ipakita na okay lang ako.Kasi okay lang naman talaga ako.Nakakatouch lang isipin na ang thoughtful niya...na pag dating kay xavier alam niyang pupunta ako rooftop at iiyak ako.

Ngumiti siya saakin tapos inakbayan niya ako-this time hindi ako nagprotesta dahil umakbay siya.

Nung nakarating na kami sa CAS room nagstart na yun pag bigay ng official uniform ni Arkin and paolo.

"Good afternoon co-leaders. I, Georgina laurel Lucy give Arkin Manuel Huang his rights as the president of  the Masscommunication society." sabi ko while handing out his coat na black tapos may blue na patch for masscomm.

"I, Arkin Manuel Huang accept all the rights, terms and agreements as president." sabi ni arkin.

Siyempre walang ganun yung VP, yung secretary oo kasi laging kasama ng president dapat yung secretary eh.

Walang pasok bukas wala ding taping walang meeting for organizations rest day lang.

Pagkauwi ko, kumain ako agad kasi wala si kuya. Nasa bahay ng kaklase niya gumagawa ng thesis.After ko kumain nag urong ako tapos pag punta sa kwarto ko, nilabas ko yung the notebook.

Kung saan ko sinulat yung mga tips ko para mag move on.

Sinulat ko na yung mga hindi ko pa nasusulat dito.

While sinusulat ko  'to,  narealize ko na naka usad na ako ng onti kasi hindi ko na iniisip si xavier na gaya ng dati, medyo affected parin ako pero hindi na sobra.

Natuwa ako kasi konting kembot nalang malapit na...malapit na akong maging malaya.

tip #13  Magbabad ka sa mga hobbies/sport/kahit anong gawain na magtatake ng time mo para hindi mo na siya maisip.

Sinulat ko sa the notebook kung ano nangyari saamin ni xavier mga kalokohan niya.

tip #14 ivent out mo yung anger/hatred mo sa sulat wag mo ipost sa fb. Personal yan hindi yan for public.

natandaan ko tuloy yung naghagis kami ni Arkin ng kung ano-anong bagay sa wall noon sa isdaan-

back to the tips...

tip #15  if you have trouble letting go of the past pakawalan mo na yan-mahirap mag move on alam ko yan pero it's better to let go .

humikab ako, inaantok na ako. Pag may nahugot pa ako tsaka ko na isulat yung ibang tips. Umuulan sa labas eh centralized bahay namin ng aircon. Ang lamig parang hotel hihihi

biglang nagvibrate cellphone ko,

Mr.Frosty

Still up?

Ms.Charity

wag ka maingay natutulog ako.

Mr.Frosty

what's up georgie? :)

Ms.Charity

yung ceiling :D

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now