Chapter Thirty six

25K 274 8
                                    






Paano nga ba mag move on?










                                                                      ***












Lalay









Ang pag-ibig parang roller coaster yan sa una exciting at nakakatakot tapos pag tumatagal masarap sa feeling pero pag natapos na...nakakabitin. Ewan ko ba kung bakit ganun naramdaman ko nun nag break kami ni xavier...Nabitin ako, siguro dahil hindi ko naramdaman na naging kami...

Akala ko noon kami...pero nitong nag break kami narealize ko na ako lang yung nag effort, AKO LANG yung nag mahal kaya walang KAMI.

Akala ko meron KAMI pero ilusyon lang pala. Saklap pala kapag inlove no? Nagiging ilusyanada ka na naging ASSUMERA ka pa.

ilang beses ko din naisip na gusto ko siya balikan pero gusto ko na mag move on dahil alam kong masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy pa namin yung relasyon namin.

Ang weird kasi nung una akala ko mahal niya talaga ako, 4 years ba naman na kayo sinong hindi maiinlove diba? pero hindi eh...sa iba siya nadevelop.

Ang natutunan ko sa journey na to sa pag momove on ay maging patient. At maging totoo sa sarili mo,

tip #11 kung alam mo na hindi ka pa nakakapag move on aminin mo. Kasi kung deny ka ng deny wala kang mararating.

"George!" may sumigaw.

pagtingin ko si paolo, "Hi paolo." sabi ko ng nakangiti.

"Dito ka pala nag aaral tapos president pa ng Student council!"

ngumiti lang ako, wala ako sa mood makipag usap. "kailangan ko na mauna, may gagawin pa ko. Nice to see you paolo, " sabi ko.

"sure! " niyakap niya ako.

Ang weird dahil parang noon inaagawan pa niya ako ng tempura tapos ngayon niyayakap niya ako. Naglakad ako paakyat sa roof top. Sila Ella kasi nasa loob ng room nagpiprint ng schedule.

Wala akong mapaglalabasan ng sama ng loob.

Nakaupo ako sa lapag ng naka indian sit, tumutulo luha ko.Tapos naramdaman ko na may tao da harap ko kasi natakpan yung bilad ng araw.

Hindi ko alam jung bakit parang pakiramdam ko na lalong kumomplikado ang lahat simula nung nakipag break ako kay xavier...Hindi ba dapat masaya na siya dahil at least wala na makakagulo sakanila? 

Baka kasi wala ng mapaglaruan si xavier?

Pag iniisip ko na pinaglaruan lang ako, nasasaktan ako lalo. Ang abbaw ng luha ko pag Iniisip ko yun.

nakita ko yung panyo, pinunas ko . Pag tingin ko nagulat ako kung sino...

"Arkin...sorry."

"Bakit ka nagsosorry? wala kang dapat ipag sorry, lalay."

Sa lahat ng pwedeng dumating na tao si arkin pa talaga...kung sino pa yung cold at hard siya pa yung dumating.

"Sumama ka saakin, tutulungan kita."


                                                                    ***

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon