chapter 03

13.8K 182 23
                                    

please read my other story  "The Ugly Truth"

http://www.wattpad.com/story/16968870-the-ugly-truth



Paano nga ba nag sembreak si george?


                                                                       ***

Lalay

At dahil hindi tourism lang ang course ko, may hotel management din kaya ngayon ako magseserve ng dinner. Lahat ng tao pabalik-balik tingin saakin, yung iba nagpapapicture saakin- siguro nagtataka sila kung bakit nandito ako nasa reception area or palibot libot ng hotel eh sikat ako? ganyan mga tao eh ginegeneralize tayo...porket sikat ba may excuse na para hindi ayusin ang studies at iskip yung OJT or practicum dahil VIP sila? na dapat may Special Treatment kapag artista?

Naniniwala ako sa hard work, kaya wala ako skiniskip na klase unless kailangan talaga.

May 2 hour break ako, nasa kitchen ako naka duty kanina... ako nagbabantay kung ginagawa nila yung mga dapat nilang gawin, or ako yung nagchecheck if may kulang na ingredient or ang dumi nila mag trabaho-

yes ganun ka strict dito sa Emerald Hotels,

Nasa lounge ako ng mga employees ngayon, nakaupo, gulo gulo buhok ko na lugay hindi kasi ako nagsusuklay... Gusto ko matulog pero kumukulo tiyan ko, gutom na ako.

Sa sobrang pagod ko at walang tulog, hindi na ako makatayo sa napaka lambot na sofa... Umuungol ako, "Aahhh." parang zombie rinig ko sa sarili ko.

Ako lang mag isa dito sa lounge, sa sobrang gutom ko naghahallucinate na ata ako na may malaking dispenser ng tubig dito,

Oo nga pala may dispenser ng tubig dito!

Gusto ko mag lakad pero wala na ata akong lakas! inaabot kong pioit ng kamay ko yung baso at dispenser pero mga sampung hakbang pa bago ko maabot yung baso at dispenser-

Dahil pilit kong abutin ang hindi ko maabot nahulog ako sa sofa, buti hindi nasubsob mukha ko napadapa lang ako, "Ahhh" umuungol parin ako at gumagapang pilit papunta sa dispenser na may kumikislap na tubig... inaakit ako ng tubig...

*gapang* tubiiiiiig

*gaang* aaahhh

*gapang*  bakit kasi kailangan nakaheels huhu,

Konting tiis nalang!

*gapang* shining shimmeeing splendid nung tubiiig

*gapang* mukha ka nang tanga lalay

*gapang* wala akong pakeeee

umuungol parin ako ng parang zombie hanggang sa malapit ko na maabot yung dispens-

"Ano yang ginagawa mo?"

sabi ng isang pamilyar na boses, pag tingin ko naka smirk siya , nakafold arms niya sa chest niya at nakatingin siya saakin.

Napalunok ako, ang gwapo niya naka all white pa siya na uniform ng chef

lalay naghahallucinate ka nanaman,

Bam! napakamot ako sa ulo ko- Hindi ko pala napansin na tumutuloy parin ako sa pag gapang ng hindi nakatingin nauntog tuloy ako sa dispenser.

Natawa siya, inirapan ko siya. Tapos biglang nag sink In,

NASA TABI NA AKO NG DISPENSER!

Nanlaki mata ko at niyakap dispenser, "I love you!" sabi ko sa dispenser at hinalikan yung gilid ng dispenser tapos inabot ko na yung paper cup at uminom na ng tubig,

kumulo tiyan ko, "Tumigil ka nga." sabi ko sa tiyan ko.






                                                                       ***

Author's note

Sino kaya yung lalake na yun? :o

don't forget to follow me on instagram !  @fellinthebunnyhole

on twitter   @fellitbunnyhole

or like my page on facebook!   Fellinthebunnyhole

Nandun ang picture ni lalay sa mga gustong malaman kung ano itsura niya :)

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now