Chapter 04

13.1K 158 12
                                    

Paano nga ba nag sembreak si george?

***

Ella

I was texting while walking back to Arkin's car, si aika ... ayaw tumahimik

"It was fun in the states, i'm gonna miss my friends! ugghh." daldal ni aika,

Hindi kami nagrerespond ni Arkin, we thought that giving her the silent treatment would make her shut up pero hindi...

"i'm going to miss going shopping with them and then going to central park with them and throwing frisbees! ugghh I miss New York. "

Doon nag aaral si Aika, sa new york,

"One day, I wore a pink sequinned tank top and fuchsia pink skirt, carnation pink furred boots and also a dark pink beanie to school! the teachers were all like- you wear too much pink and I was offended! how can someone wear too much pink ?! is there such a thing?! "

wala parin kami reaksyon ni Arkin,

Nasa kotse kami, napakaingay ni Aika.

"You were both late." tinuro niya kami ni Arkin, napairap nanaman si Arkin.

"We were late by five minutes!" sabi ko sakanya.

"You're still late." sabi ni aika habang finold niya arms niya sa chest niya.

"it's just five minutes." sabi ni arkin ng walang emosyon or whatsoever.

"if you complied to the said time maybe you wouldn't be considered late."

Aba aba, kala mo mas marunong pa siya saamin ni Arkin.

***

Vernon

Simula nung nakita ko siya sa office ni Tito Marvin, bumalik ulit ang bilis ng pag tibok ng puso ko-

yung tipong lubdub lubdub lubdub lubdub na medyo hapit yung hininga sa kilig? yung tipong kahit likod lang niya makita ko buo na araw ko.

Kashift ko siya kaya kasabay ko siya palagi mag break-

lahat nalang ng gawin niya lalo siyang gumaganda, lalo akong nahuhulog sakanya.

Kinurot ko sarili ko dahil parang nagigin stalker ako, tapos sabay pa yung kanta na Every Breath you take

napailing ako dun ah,

Noon, ako nagbibigay kay lalay ng ga love letter sa locker niya, ako nag lalagay ng mga tatlong pirasong ferrero sa bag niya ng walang nakakakita-

Siya yung tipong babae na kahit mataba gandang ganda parin ako sakanya, wala eh mahal ko eh.

Paano ko ba siya naging mahal?

Sa Freshman year ko sa college, kasama niya sila julie, ella at si kate. Siya lang yung hindi branded yung damit, wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba. Tapos siguro di niya na matatandaan yun , pero may Isang subject ako na dapat bagsak na ako peeo inassign ako sa tutoring chuchu ng school kasama siya doon. Doon siya kumikita ng pera at extra curricular org yun.

Siya naassign saakin, di niya ako matignan sa mukha basta turo lang siya ng turo ng maigi, kahit sinusungitan ko siya hindi siya naiinis o napipikon.

Matibay na babae to sabi ko sa isip ko.

Tapos malaman laman ko nalang nililigawan na siya nung kupal na Xavier na yun,

eto namang si lalay sinagot,

naassign din si lalay sakanya sa tutoring services ng school.

Napailing ako sa memory na yun, pumasok ako sa lounge para magpahinga. Bukod doon nakita ko si lalay na pumasok doon at di ko pa siya nakikitang kumain kaya nagdala ako ng pagkain dahil naka duty ako sa kusina kanina.

Pag pasok ko ng kwarto nandun siya umuungol at gumagapang, gulo gulo sabog sabog buhok na parang si sadako papunta sa dispenser ng tubig, natawa ako sa loob loob-

Ang cute cute niya,

"Ano yang ginagawa mo?" nasabi ko nalang bigla.

Natingin siya saakin tapos nabunggo siya sa dispenser, piniilan ko nalang sarili ko na wag tumawa kahit gustong gusto kong tumawa.

"I love you!" sinigaw niya sa dispenser at niyakap.

Buti pa yung dispenser may I love you at yakap galing kay lalay.

ang cute talaga! tapos biglang kumulo tiyan niya, tumingin siya sa tiyan niya at hiniwakan niya , "Tumigil ka nga." sabi niya.

*ehem* "Lalay, kain ka na." sabi ko habang inabot ko yung plato ng pag kain na niluto ko sa kusina.

"Para saakin to? " sabi niya habang nakatingin sa plato, tumayo siya .

Tumango ako tapos hinawakan niya yung Plato, inamoy niya yung pagkain at napapikit siya. "Vernon nakakapanglaway yung amoy!" sabi niya tapos ngumiti siya saakin.

lubdub lubdub lubdub lubdub

"Wala bang lason to? may lagnat ka ba?" sabi niya habang hinawakan noo ko para tignan kung may lagnat ako.

"Bakit?" sabi ko.

"Ngayon ka lang naging mabait saakin." sabi niya.

kung alam mo lang lalay.

Paano nga ba mag move on? (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now