Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ

Magsimula sa umpisa
                                    

         "Sadyang kalunos-lunos nga ang nangyari.... Sana ay makita pa ni Demetria ang kanyang apo sa anak niyang si Esmeralda." Sabi ni Amihan saka sya napatingin kay Demetria na kausap si Marvus. Sumasang-ayon naman ang kanyang mga apwe.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

            
          Hindi maipaliwanag ni Ybrahim ang sayang nararamdaman habang inililibot niya ang kanyang paningin sa ganda ng Sapiro sa panahon na ito. Tunay ngang isa sa pinakamatayog na kaharian noon ang Sapiro, na sana lang ay magawa niya sa kanyang panahon.

        "Sino ka?" Napalingon siya ng may magsalita habang papasok ito ng punong bulwagan.
        "Ako si Ybrahim..." Sabi niya saka siya yumukod batay sa gayak nito ay isa itong maharlikang Sapiryan.
        "Ybrahim... Ikaw ang sinasabi ni Aldo Asval na nakuha ni Ashti-Hara Nadezhda sa daan pabalik dito sa Sapiro." Sabi nito sa kanya.
        "Ganoon na nga po.... Maaari ko ho bang malaman kung sino kayo?" Lakas loob na tanong niya.

        "Ako si Raquim.... Hadia ng Rama ng Sapiro" sagot nito napangiti naman si Ybrahim kinagagalak niyang makilala ang ama ng kanyang minamahal na diwata.....at nasisiguro niyang ikatutuwa ni Amihan na makita ang ama nito.

       "Ikinagagalak ko kayong makilala Ald---Rehav... Rehav Raquim." Nakangiting sabi niya. Ngumiti din si Raquim sa kanya. Di niya malaman ngunit napatunayan niyang totoo ang sinasabi ng kanyang Aldo-Rama Meno na kapag naka-usap mo ang sapiryan na ito ay kagagaanan mo agad ng loob.

         "Ako din Ybrahim." Sabi na lamang nya.
         "Raquim...." Agad naman na nilingon ni Raquim ang tumawag dito maging siya ay napatingin.
        "Hagorn, kaibigan ano't naparito ka." Nakangiting sabi ni Raquim na nakipag-kamay kay Hagorn. Di maiwasan mamangha ni Ybrahim, na magkaibigan pala ang Aldo Raquim at si Hagorn sa panahon na ito.

         "Sapagkat may ibabalita ako di ko lang alam kung maganda o masama ito." Nangingiting sabi ni Hagorn sa kaibigan.
        "Sabihin mo ano ba iyon?" Tanong ni Raquim
         "Ang aking ama.... Nakipagkasundo siya sa Reyna Avria na ipakasal kami ng nag-iisang anak ng Reyna" balita ni Hagorn sa kaibigan. Natawa naman si Raquim.

         "Ano ang masama doon Hagorn... Nasa hustong gulang na tayo.... Saka ayaw mo noon ang mapapangasawa mo ay ang tigapagmana sa trono ng Etheria?" Sabi ni Raquim samantalang si Ybrahim ay nakinig na lamang sa dalawa kanyang pinag-sisisihan na di niya binasa ang kalatas ng kasaysayan ng Aldo Raquim nung binigay sa kanila ito ni Cassiopei-a kaya naman nagugulat siya sa mga pangyayari ngayon.

           "Ngunit ayokong matulad kay Rama Memen na sunud-sunuran sa asawa hanggang sa ayan na nga nag-alsa Laban din dito." Sabi ni Hagorn. Hindi naman na nakasagot si Raquim alam niyang maaari ngang maging ganoon ang kalabasan ni Hagorn lalo pa at di kailanman nagpapasakop sa kahit na sino ang nga Etherian.

          "Siya nga pala... Nais kong ipakilala sayo si Ybrahim." Sabi ni Raquim kay Hagorn
         "Avisala Rehav Hagorn." Sambit niya, tumango naman si Hagorn.

          "Rehav Raquim nais ko sanang ihingiin ang inyong pahintulot nais ko sanang umalis para mahanap ang mga kasamahan ko na napahiwalay sa akin." Pagpapaalam niya dito. Tumango naman si Raquim.
         "Kung iyan ang iyong nais di kita pipigilan....tandaan mo lamang na tahanan mo na din ang Sapiro.......Pagpalain ka nawa ni Emre na makita na sila." Sambit ni Raquim.
         "Avisala eshma, Rehav Raquim.... Rehav Hagorn." Sabi niya saka siya yumukod at lumabas ng punong bulwagan sana lang ay makita na niya sila Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon