***
'Don't... Just don't go.. Please...'
unti-unti na syang bumitaw sa kamay ko.
'No! Please.. No!!!!!!'
napabangon ako bigla. Eto na naman yung panaginip ko. Paulit-ulit simula nung isang araw. Hindi ko alam kung sino ba sinasabihan kong wag umalis. Malabo yung mukha nya, pero may possibility na si Daniel yun.
"Are you okay?"
napalingon ako sakanya. Nakasandal sya sa may headboard habang naglalaptop.
Andito nga pala sya. Pero..akala ko umalis na sya? Kanina pa ba nya ko binabantayan matulog?
Naghilik ba ko kanina? Baka tulo laway ako?!! Ghaaad! Kahiya!
"Nananaginip ka pa ba?"
"Psh. Hindi. Anong oras na? Akala ko umalis ka na kanina."
"6:15pm. So, nakatulog ka lang ng 5hrs and 5minutes."
fi-five hours?!! Tinignan ko yung alarm clock ko at tama nga sya! 6:15 na! URGH! Sabi ko NAP lang! Ang dami ko panggagawin, hindi pa nga ko nakakapagreview! Ang rest day sunday Ashley! Hindi saturday!
"Bakit hindi mo ko ginising?! Aish!"
bigla akong nagpanic at hindi ko na alam uunahin ko. Nakukuha pangtawanan ako nung isa!
"Chill lang! Tinapos ko na research mo. May presentation ka narin. Check mo nalang kung ok"
seriously? Binigay nya yung laptop at halos mapanganga ako. Tapos na nga nya! Ang cute pa ng gawa nya sa powerpoint ko. OMO! Eto yung ginagawa nya habang natutulog ako?
"ahmm. Edit mo nalang kapag may mali"
"aww. Hindi mo na kelangan gawin toh. Nakakahiya na"
"ok lang. Yung project sa arts gagawin ko sana kaso ayoko palang nagdedecorate. Sa drafting, anong plan nalang ba kulang mo?"WAAAAHH! Iyak na ko! Parang nabawasan stress ko sa buhay. HAYST!
"Make your own house,pero ako na bahala dun. Kaya ko na yun. Sobra-sobra na natulong mo sakin,baby"
"I insist. Ako na! Dradrawing ko bahay natin"
"Natin? Wag na. Nakakahiya na talaga sayo. Hindi ko na alam kung pano ka pasasalamatan nyan"
![](https://img.wattpad.com/cover/706804-288-k794790.jpg)
YOU ARE READING
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
Chapter 77: Dream
Start from the beginning