CHAPTER 26

4.9K 128 12
                                    


PARTNER IN BED

❤❤❤

SA Harapan ng babaeng pinakamamahal, wala siya ibang hinangad kundi ang maging masaya ito at maipadama rito ang kaniyang tunay na pagmamahal. Kaya wala siyang dahilan upang lokohin at saktan ito gaya nang iniisip at sinasabi ng iba.

Nang malaman ni Anthony ang dahilan ng pagluha ng dalaga, galit na galit siya sa babaeng nakausap nito. Pero hindi rin nagtagal at kalauna'y kumalma din siya dahil narin sa paki-usap ni Mia, na huwag na lang pansinin pa dahil ang importante naman ay nagmamahalan sila at may tiwala sila sa isa't isa.

Laking pasasalamat nalang din ng binata dahil hindi basta-basta naniwala ang minamahal sa mga paratang ng babaeng iyon. Kaya naman mas lalong pang tumibay ang kaniyang pagmamahal para dito.

"Love, kahit anong mangyari...kailanma'y hinding hindi kita sasaktan. Ni minsa'y hindi ko inisip na lokohin ka. Mahal na mahal kita." makatotohanang pahayag nito sa kay Mia.

"Naniniwala naman ako sa 'yo love. Kaya kahit ilan beses pa nila na tangkain sirain ka, tayo... hinding hindi rin sila magtatagumpay. At kung gaano mo ako kamahal, ganon din ako sa 'yo. Hindi ko makakaya kapag nawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal din kita, love." madamdaming ding pahayag ng dalaga.

"Salamat love, salamat!" wika nito saka muling yumakap ng mahigpit at inalayan ang dalaga ng isang matamis na halik sa labi.

____

AFTER TWO WEEKS...

Nang araw ding iyon ay hindi na nagpapigil pa si Anthony, inip na inip na siya sa kasalan na magaganap. Excited na siya makita ang pinakamagandang babae sa buhay niya na nakabihis ng trahe de buda at naglalakad papalapit sa kaniya, patungo sa altar.

Sa halos dalawang linggo na pag aasikaso, sa wakas ay natapos narin. Araw ng kasal nalang ang hinihintay nila.

Kumuha si Anthony nang pinakamahusay na wedding coordinator at dito na niya ipanaubaya ang lahat. Walang problema sa gastus dahil handa siyang magbayad kahit gaano kalaking halaga, basta maging maganda at maayus lamang ang kalalabasan ng lahat.

"Love, good morning. I love you." masayang bati ni Anthony ng magising ang dalaga.

"Uhhmmm...good morning din, love you." pupungas pungas na sagot ni Mia.

"You look so beautiful. Kahit na buntis ka, lalo ka pang gumaganda." puna ng binata.

"Ang agang bola niyan huh?!"

"No! Nagasasabi lang ako ng totoo love."

"Araw-araw naman ako maganda sa 'yo kaya hindi na bago 'yun."

"Eh ako love, araw-araw din pa ako gumagwapo sa paningin mo?"

"Hindi! Panget mo nga eh."

"Huh?! Di nga?"

"Joke! Naniwala ka naman agad. Syempre ikaw kaya ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko. Hindi lang basta guwapo, macho, mabait at magaling sa kama." dagdag pa ng dalaga.

Nanlaki naman ang mata ni Anthony ng marinig ang huling salita na sinabi ng dalaga.

"Susshhh...baka may makarinig sa 'yo love." anitong pinamumulahan ng mukha.

"Hahaha, totoo naman ang sinabi ko. So ano naman kung may makarinig,?!" nakangiting tugon niya.

"Hmp, ikaw ha. Halika ka nga dito." anito sabay hila at pakubabang na nakadapa sa kaniya habang halos magkadikit na ang mukha nila. Langhap na langhap ni Anthony ang hininga ng minamahal. Kahit wala pang mumog ay mabago iyon at sarap na sarap siya na amoy amuyin ito at bahagyang napapikit pa.

(COMPLETED) PARTNER IN BEDWhere stories live. Discover now