CHAPTER 22

5K 119 8
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤


KINABUKASAN nagpasya si Anthony na bumalik muna sa Maynila. At dahil medyo masilan ang pagbubuntis ni Mia, nagpagkasunduan nilang maiwan na muna ang dalaga.

"Love, gustuhin ko man na isama ka pabalik sa maynila, nag-alala naman ako sa sitwasyon ninyo ni baby. Bawal sa 'yo mapagud sa byahe kaya, no choice ako kundi iwan ka muna dito." wika ng binata.

"Hmm...okay naman ako dito love. Saka hindi ka naman magtatagal sa Maynila at babalik ka din agad dito diba?!" anang dalaga.

"Oo naman love. Basta kapag naasikaso ko na ang lahat ng dapat gawin, babalik kaagad ako dito. Ayaw kong mawalay sa 'yo ng matagal. Yung isang buong araw na nga na hindi kita nakikita, namimis na agad kita. Kaya dapat makabalik din ako dito sa lalong madaling panahon."nakangiting paliwanag ng binata.

"Oh sya, mag-iingat ka sa byahe ha. Dahan-dahan lang sa pagmamaniho." bilin rito ng dalaga.

"Thanks love. Kakain ka sa tamang oras ha. Saka huwag ka matutulog ng late sa gabi, okay!" bilin din nito.

"Opo. Sige na love hindi sa itinataboy kita, gusto ko lang na makaiwas ka sa trafic para makarating ka ng maaga sa Maynila." nakangiting wika ni Mia.

"I love you. Pag balik ko, pakasal na tayo ha?!" ani Anthony na pinikitan pa ang dalaga.

"Hahaha, oo na. Paulit-ulit." at pinisil pa niya ng bahagya ang ilong ng binata.

"Basta, yun lahat nang mga bilin ko ha, gagawin mo." anito at na hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga, saka hinagkan. Pagkatapos at hinapit ng bahagya ang baywan palapit sa kanya. Namumungay ang mga matang tumitig sa dalaga. Maya-maya'y ginagawap din nito ang magkabilang mukha saka nginitian ng matamis.

Matatawang hindi si Mia, dahil sa nakikitang hitsura ng minamahal. Kaya naman, yumakap siya dito ng mahigpit upang mapanatag niya ang kalooban nito.

"Love, okay ka lang ba?" wala sa sariling naitanong niya.

"Yes love. Mamimiss lang kita ng ilang araw." malumanay na nitong tugon.

"Mamimiss din naman kita." sagot din niya rito.

Hanggang sa nagyakapan sila ng mahigpit na tila ba mawawalay sila ng matagal sa isa't isa.

"Love you." wika pa ng binata.

Ilan sandali at namaalam narin ito. Tudo paalala siya sa minamahal. At bago sumasakay sa kotse, isang mahigpit na yakap muli sa dalaga.

"Parang ayaw ko umalis." bulong nito.

"Love naman, paano yung aasikasuhin mo sa Maynila." anang dalaga.

"Hehehe, joke lang. Sige na love baka mamaya magbago pa talaga isip ko eh." wika ng binata.

"Sige na love, babye na. Mag-iingat ka byahe ha." at inihatid niya ang binata hanggang sa sasakyan.

"Opo! Kayo din baby ha, lagi ako magtitext at tatawag sa 'yo. Sige na love aalis na ako. Pakisabi nalang kina tatay at Nanay ha." bilin pa nito.

"Oo love, ako na bahala."

At ilan sandali ay umalis na nga ang binata. Panay kaway naman si Mia, habang nakatanaw sa papalayong
sasakyan. Saka palang siya bumalik sa loob ng bahay nang ganap ng wala sa kaniyang paningin ang tinatanaw.


_____

SAMANTALA, hindi pa man gaanong nakakalayo ay mis na agad ni Anthony ang dalaga, ang amoy ang magandang hitsura lalo na ang presensya niyon. At sa tuwing iisipin nito na ilan araw din sila magkakawalay ay para bang gusto na niya bumalik agad.

Hanggang sa hindi siya nakatiis at balak na nitong tawagan ang dalaga para marinig ang boses.

Pero nang idadayal na ang number nang minamahal, ay bigla din naman tumawag sa kaniya ang secretary na si Hannah.

"Hello! Hananah napatawag ka?!" tanong kaagad nito.

"Hello sir, good morning po. Pasensya na po kung naisturbo ko kayo. Itatanong ko lang po kung nandito na kayo sa Manila?" sagot ng sektarya sa kabilang linya.

"Actually, nasa byahe palang ako ngayon pabalik diyan. Bakit mo naitanong?"

"Ganon po ba? Wala naman problema dito sa kompanya, kaya lang si Maam Michelle po, pabalik balik dito sa opisina, kinukulit ako hinahanap ka kung nasaan ka daw."

Dahil sa pangalang iyon, biglang nag-iba ang mood ng binata. Parang bumigat ang pakiramdam at tila kumulo ang dugo dahil sa galit.

"Hello,Sir naririnig n'yo po ako?" uli ni Hananah.

"Yes! Ganon ba? Sa susunod na pumunta ulit siya  diyan, sabihan mo ang mga guard na huwag siyang papapasukin. Kung magpumilit, tumawag kamo ng pulis at ipadakip ninyo." utos na sabi nito.

"S-sige po sir, masusunod po." tugon ng sekretarya.

"Sige na, nagdadrive pa 'ko." wika ng binata sabay patay sa cellphone nito.

Nang matapos ang tawag na iyon, muling nanggigigil sa galit si Anthony. At bago pa masira ni Michelle ang plano niya, kailangan tapusin narin niya ang kahibangan ng dalaga.

Hanggang sa nang mga oras na iyon ay nagmamadali siyang makarating sa Maynila.

"Hindi ka talaga titigil hangga't hindi ka napapalagay sa tamang lalagyan. Puwes, sinagad mo talaga ang pasenya ko, kaya pasensyahan tayo." anitong si Michelle ang tinutukoy.

Nang ganap nang nasa Manila na siya, hindi sa kompaya kundi agad siyang nagtungo sa station ng pulisya.

Pagdating niya rito, inireport niya kaagad si Michelle, dahil sa panggugulo sa buhay niya. Nangako naman ang pulis na nakausap  na tutulong sila upang hindi na makapang iskandalo pa ang nasabing babae.

Matapos ang pagpunta sa presento, ay tumuloy na siya sa kompanya. Pansamantala siyang nakahinga ng maluwag dahil sa ginawang desisyon.

Pagdating sa kaniyang opisina, nakangiting sumalubong sa kaniya si Hannah.

"Hi sir, kumusta po ang byahe?" tanong agad ng dalaga.

"Ayus naman. Medyo pagud, pero okay lang. Ano palang balita dito." kunwa'y tanong nito.

"Tulad ng dati, maganda naman po ang takbo ng business company natin. Eh kayo sir, kumusta po yung bakasyon ninyo?" pag-iiba nito.

"Enjoy!" tipid subalit nakangiting sagot ng binaya.

"Sir, halata nga po sa hitsura ninyo." nakangiti din na puna ni Hannah.

"Anyway, bukas nga pala magpapatawag ako ng meeting para sa isang announcement." sabi ng binata nang biglang may naalala.

"General meeting po ba,sir?!"

"Hmm, parang ganon na nga. Pakisabihan na lang lahat ng mga staff at employee na kailangan nandoon sila." wika pa ng binata.

"Okay sir, masusunod po." sagot ni Hannah.

Maya-maya'y bigla nitong namis si Mia. Hindi pa nga pala niya natatawagan ang dalaga.

"Excuse Me!" anito sa sekretaya, saka tumalikod at kinuha ang cellphone sa bulsa.

"Hello love, i'm here na. Dito sa opisina. Kumusta ka diyan?" anitong kausap na ang minamahal.

Napangiti naman si Hannah ng marinig kung sino ang kausap ng boss niya at dahan-dahang lumabas ng silid.

"Love, buti naman at nakarating kana dyan? Kumusta naman ang byahe? Teka, naglunch kana ba?" tanong ng dalaga.

"Naku love, ako dapat magtanong sa 'yo nyan? Kumain ka na ba?" balik nito sa dalaga.

"Oo love, katatapos lang. Ikaw ba?"

"Hindi pa, pero dahil narinig ko na ang magandang boses ng mahal ko, kaya hindi na ako nakakaramdam ng gutom."

"Sus, binobola mo na naman ako. Kumain ka kaya muna." anang dalaga.

"Love, hindi bola yun. Lahat kaya ng sinasabi ko sa 'yo ay totoo." pagtatanggol nito sa sarili.

"Wehh, talaga?!"

"Love naman, dudasyon pa yata."

"Hmm, hindi naman sa ganon. I love you." sabay sabi ng dalaga.

Bigla naman umaliwalas ang mukha ni Anthony. Napangiti at saka tila lumukso ang puso niya ng marinig ang matamis na i love you ng kaniyang minamahal.

"I love you too love. Miss na miss na agad kita. Mis yakapin, mis amuyin at halikan." masayang sabi nito.

"me too. Kaya asikasuhin mo na ang dapat asikasuhin para makabalik kana dito."

"Yes love, promise!" tugong ng binata.

Ilan sandali pa ang lumipas, at panasamantalang namaalam muna ang binata.

"Love, bye muna ha. Later, tatawagan ulit kita."

"Sige love, ikaw ang bahala. Bye, love you."

"Love you din love ko. Mwuahh!"

at ilan sandali ay naputol na ang usapan. Nakangiting humugot ng malalim na hininga si Anthony. Iniisip palang niya ay na e-excite na siya at para bang hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na maikasal na sila ni Mia, ang babaeng mahal niya.

____

KINABUKASAN, sa kompanya walang kaaalam alam na idea ang lahat ng mga emplyado  tungkol sa meeting na ipinatawag nang boss nila.

Ang iba, kinakabahan, habang ang karamihan naman ay naghihintay  sa ibabalita sa kanila ng boss nila. Hanggang sa biglang umugong din ang usap-usapan na baka magpapakasal na ito sa napapabalitang kinakasama nito.
Marami ang natutuwa pero may ilang kadalagahan din na tila nalungkot sa balita na may nagmamay-ari na pala sa puso ng gwapong boss nila. Nakakatawang isipin pero maraming empleyado na mga babae ang nagkakagusto din kay Anthony.

Bago ang pinakahihintay na announcement na iyon, isang sulat ang natanggap ng binata.

"Dear Anthony."
Sorry sa mga pagkakamaling ginawa ko sa 'yo. Alam kong hindi ka maniniwala sa akin, pero habang binabasa mo ang sulat na ito, siguro ay nakasakay na ako sa eroplano papuntang Canada. Ilang araw din ako nagpabalik balik sa opisina mo para kausapin ka at humingi ng tawad bago ako umalis. Pero mukhang hindi umaayon ang tadhana na  bigyan ng pagkakataon na makausap ka, kaya idinaan ko nalang sa sulat. Sana mapatawad mo pa ako. Magpapakalayo-layo na ako at hindi na ako manggugulo sa 'yo at kay Mia. Ang pagmamahal na nararamdaman ko hanggang ngayon para sa 'yo ay mananatili parin sa puso ko at umaasa na tuluyan din ito mawawala pagdating ng tamang panahon. Nabalitaan ko rin pala na magpapakasal na kayo ni Mia, congratulation sa inyo. I'm happy for you, Anthony sa maniwala ka at sa hindi. Hanggang dito nalamang,
Michelle.

Nang mabasa ni Anthony ang letter na iyon, may kaunting kirot siya na naramdaman. Naguilty tuloy siya sa inisip at ginawa niya nung nalaman niya ang tungkol kay Michelle. Pero wala naman siyang pagsisisi doon, dahil kilala din niya ang ugali ng dalaga.

"Sana nga Michelle, sana nga..." naibulong nalang bigla ng binata.

Dahil dito, nakaramdaman narin ng kapanatagan ng kalooban si Anthony. Kaya naman mas lalong pang tumibay ang pagmamahal niya para kay Mia.

_____

Hay salamat naman at natauhan din si Michelle. Hahaha, akala n'yo siguro manggulo siya 'noh. Hahaha, well sadyang ganun ang buhay, hindi na kailangang umiksena ang mga epal.

Ps: no edited po ito, antok na po ako. Pasensya na sa mga sablay na salita.

(COMPLETED) PARTNER IN BEDWhere stories live. Discover now