CHAPTER-14

6.3K 144 3
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤


NASA mainit na tagpo sila nang biglang naalaala ni Mia, na noo'y nasa loob pala sila ng sasakyan.

"Love,wait!" kapos ang hiningang pigil bigla sa binata.

"Love, bakit?" maang na tanong ni Anthony. Muntikan na siyang madala, naudlot lang dahil pinigilan siya ng dalaga.

"Nakalimutan mo na ba, wala tayo sa bahay?" pabulong na wika ng dalaga na panay din ang sulyap sa labas ng sasakyan. Kahit na nakatint ang mga salamin ng kotse, nakaramdaman parin siya ng kaunting kahihiyan sa sarili na baka may makakita sa kanilang dalawa. Lalo pa't naramdaman na niya kanina na nagsimula ng maglikot ang kamay ng binata habang naghahalikan sila.

"Asus, love naman nag-aalala ka pa eh wala naman makakakita satin dito." napapakamot na sagot nalang ng binata.

"Kahit pa, basta nakakahiya parin. Baka mamaya may bigla nalang sumita sa atin dito tapos tanungin kung ano ginagawa natin." anang dalagang hindi makatingin ng diretso.

"Hahaha, love bakit mo naman sasabihin kung ano ginagawa natin. Ikaw talaga, mas nakakahiya yun." wika nito at tinawanan lang ang dalaga.

"Hmm, sige tawa pa. Tara na nga at ng makauwi na tayo. Alam ko naman na kagabi ka pa atat na atat diyan kaya pati tuloy dito sa sasakyan eh hindi ka na makatiis." pilya at panunudyong sabi niya rito.

"Buti alam mo. Naku pasalamat ka at pinigilan mo ako, kundi yari ka talaga sa akin." pabirong sagot naman ng binata. Napapailing na natatawa sa sarili. Aminadong nabitin siya doon kaya naman, minabuting patakbuhin na ang kotse upang makauwi na kaagad.

Nagkakatinginan nalang ang dalawa habang pasimpleng natatawa sa mga sarili nila. Hanggang sa hindi na nga napigilan ni Mia na mapahagikhik sa tawa lalo na nang makita ang hitsura ni Anthony na kunwari'y sumisimangot dahil sa naunsaming pagkakataon. Itinuturo pa niya ang ibabang bahagi nito  na halatang nakabukol na sa loob ng pantalon.

"Love sige pa, alam mo ng kanina pa 'yan galit. Ipagdasal mo nalang na hindi talaga 'yan magwala hanggat hindi pa tayo nakakarating sa house." saway nito sa dalaga.

"Hahaha, sige na hindi na po." tugong naman niya. Pigil na ang sarili para hindi na mapatawa.

HINDI nagtagal at nakarating narin sila sa bahay. Agad silang sinalubong ni Aling Bebeng.

Pagbaba palang ng binata sa kotse ay may ibinalita agad ang kasambahay.

"Sir, si Ma'am Michelle po maagang dumating. Nagpumilit na papasukin siya kasi gusto ka daw po makausap." wika ng matanda.

Nag-iba bigla ang mood ni Anthony. Ang masayang mukha ay biglang naging seryoso.

"Sana kahit magwala siya diyan sa labas, hindi niyo parin dapat pinapasok. O kaya'y itinawag mo muna sa akin." sabi nito.

"Eh nagbanta kasi sir na mag i-eskandalo daw po siya kapag hindi ka niya nakausap. Sa taranta ko, nawala na po sa isip ko na ipaalam sa inyo. Sir, pasensya na po." mabilis na hinging paumanhin ni Aling Bebeng.

"Nasaan ang babaeng 'yun? Wala talaga siyang kahihiyan sa sarili niya" humahangos nitong sabi at nagdiretso sa loob ng bahay. Nalimutan yata nito si Mia na tahimik na nakikinig lang sa kanila ni Aling Bebeng.

"Michelle! Michelle...!" tawag nito.

"Hi! hon..." malumanay na sabi ni Michelle na sumalubong pa. Yayakap pa sana ito pero mabilis na nakaiwas si Anthony.

"What are you doing here?" mataas ang boses na tanong nito.

"Hayan na naman ang tanong na iyan. Oh come on Anthony, alam naman nating pareho na anytime ay nakakapunta ako dito sa pamamahay mo. Kaya walang rason para tanungin mo ako ng ganyan." mariing sagot naman ni Michelle.

(COMPLETED) PARTNER IN BEDWhere stories live. Discover now