CHAPTER-1

20.5K 337 6
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤

Sa edad na 32, hindi na girlfriend ang hanap ni Anthony. Kundi isang babaeng makakasama niya at magpapaligaya sa kaniya. Babaeng pweding maging partner panghabang buhapPy. Sawa na kasi siya sa mga babaeng nakatabi niya sa kama. Katwiran ay hindi nito makita sa mga ito ang tunay na kaligayahan.

Hanggang sa nakilala nito si Riana Mia Angeles. Maganda, sexy at matangkad.

At dahil may malaking problema, ang dalaga, kailangan niyang makipagkasundo kay Anthony. Isang kasunduan na hindi niya mapaniwalaan.

Sino ba naman ang hindi tatanggi sa lalaking ito, mayaman, gwapo at isang CEO sa isang malaking kompanya. Kung kaya't hindi makapaniwala ang dalaga, na hinahanap siya ni Anthony, at nang magkita sila, nagkunwari pa siyang hindi niya kilala ang binata. Pero nagtagal at kalaunan, umamin din siya na siya nga si Mia.

"Ahh...hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ikaw ang gusto kong maging kapalit."

"Naloloko ka na talaga? Bakit ako?!"

"Simple lang, dahil type kita. Ano may tanong ka pa?"

_____

Hahaha, pasensya na ngayon ko lang ito sisimulan. Sana matapos ko ito bago rin matapos ang taon. Wahhhh, peace!

Enjoy Reading!

******

CHAPTER 1

❤❤❤

LAKING gulat ni Anthony nang makita ang isang pamilyar na babae. Kaya naman, hindi narin nito pinalagpas pa ang pagkakataon at kaagad din nilapitan.

"Mia?! Sinasabi ko na nga ba at ikaw 'yan?" anito at mabilis na niyakap ang babae.

"Wait, sino ka ba?" habang tinutulak niya ito.

"Ohh Mia, matagal na kitang hinahanap. Alam mo bang halos baliktarin ko na ang mundo, makita lang kita. Mababaliw na yata ako sa paghahanap sa'yo. Miss na miss na kita." sabi ni Anthony dito.

"Mia? Pasensya na Sir... Pero hindi ako si Mia."

Pagrinig ay biglang natahimik si Anthony. Tama ba ang narinig niya, hindi si Mia ang babaeng ito?

"Sir, pwede bang bitawan niyo na ho ako." naiilang na sabi pa ng babae.

"Hindi! hindi ako pweding magkamali, ikaw si Mia. Hindi mo na ba ako nakikilala?" anito sa babae

Sa pag-aakalang hindi siya makikilala, pilit na nagkukunwaring hindi niya alam ang sinasabi nito.

"Hindi ka ba marunong makaintindi, sabi ng hindi kita kilala." naiiritang wika niyon.

Napakunot noo si Anthony. Hindi talaga siya pweding magkamali, si Mia ang babaeng ito. Si Mia na nakasama niya ng isang buong magdamag na siyang nagpaligaya sa kaniya sa gabing iyon. Ang babaeng alam nitong siya lang ang kauna unahang lalaki na nakauna dito. At simula nang may nangyari sa kanila nung gabing iyon, hindi na ito mawala sa kaniyang isipan. At ngayong muli silang nagtagpo, hindi na makakapayag pa si Anthony na muli ito mawala sa buhay niya.

"Oh come on Miss Mia Riana Angeles. Alam kong kilala mo ako. Magkano ba ang gusto mo, babayaran kita ng malaking halaga sumama ka lang sa akin." wala sa huwesyong sabi nito.

"w-what? How dare you. Kung sino ka mang antipatikong lalaki na sasaksakan ng kapal ang mukha, hindi ko kailangan ang pera mo. Hindi ka na nahiya. Kung inaakala mong isa akong bayarang babae, nagkakamali ka. At FYI, maraming pok pok diyan sa tabi tabi na nangangailan ng pera mo. Sila ang alukin mo, huwag ako." anang babaeng tila galit na galit kay Anthony.

(COMPLETED) PARTNER IN BEDWhere stories live. Discover now