CHAPTER-13

6.5K 139 1
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤


UMUUSOK ang ilong ni Michelle dala ng inggit at galit kay Mia. Talagang hindi siya titigil hangga't hindi bumabalik sa kaniya si Anthony.

Samantala, habang masayang magkasama ang dalawa ni Anthony at Mia, palihim naman sila sinusundan ng mata ni Michelle.

"Sige lang babae, magpakasaya ka ngayon. Tingnan lang natin kung hindi karin iiyak at magsisisi na nakilala mo si Anthony. Sisiguraduhin kong hindi rin kayo magtatagal at maghihiwalay din kayong dalawa." aniya na magkasalubong ang kilay at panay ang tapon ng masamang tingin sa dalawa.

Lingid naman sa kaalaman ni Mia, nasa paligid lang nila si Michelle na nakamasid sa kanila ni Anthony. Pero sa halip na mabahala, mas itinuun nalang niya ang atensyon sa kasama kesa mag-isip ng hindi maganda. Ang importante naman ay alam niya'ng may tiwala siya binata, at panghahawakan niya ang lahat ng sinabi nito sa kaniya.

Nang matapos sa papamimili ay naipasya na nilang umuwi sa bahay ng  dalaga sa batangas. Almost 2 hours lang naman ang byahe papunta doon mula Maynila. Kung walang trafic ay mas maaga pa sila makakarating.

"Love, hindi kaba hinahanap sa kompanya. Baka mamaya niyan kailangan ka doon. Pwede namang ako nalang muna ang pumunta sa amin." wika ng dalaga nang nasa byahe na sila.

"Its okay. Ayaw ko rin naman na lumakad ka mag-isa. Kung may problema man sa kompanya, for sure tatawagan ako ng secretary ko. Mukhang okay naman doon dahil hindi pa siya tumatawag mula kanina. Tsaka alam na nun kung bakit hindi ako pumasok." sagot nito na bahagyang sumulyap sa dalaga, saka ibinalik ang atensyon sa pagmamaniho.

"Ganon ba? Eh mabuti naman kung ganon para lagi din kita nakakasama. Kaya lang minsan ayaw ko rin sanayin ang ganito kasi habang tumatagal takot ako na baka magsawa ka na sa akin." wala sa isip na nasabi niya.

"Huh?! Hindi mangyayari 'yun, love. Ngayon pa ba kita pakakawalan eh nandito ka na. Saka iba na ang sitwasyon ko ngayon dahil napatunayan ko na sa sarili ko kung sino ang gusto ko makasama habang buhay. You know what i mean. Kaya sana lang 'wag ka ng mag-iisip pa ng ganiyan dahil hindi mangyayari  'yan. Okay!" seryosong sagot nito.

Kunway napatango nalang si Mia at totoong naniniwala naman siya rito.

"Salamat Love. Atleast, panatag ang loob ko." wika niyang nagkibit balikat pa.

"Hmm...basta sa maniwala ka man o hindi, ikaw na ang buhay ko. Sarap mo kaya at hindi ako magsasawa sa 'yo kahit anong mangyari." anito sabay kindat.

"Hahaha, pasaway. Sige na magmaneho ka na ng maayus diyan at baka kung saan pa mapunta ang usapan." aniyang natatawa sa binata.

"Opo madam." tugon nito.

Ngunit sa halip na kambio ng sasakyan ang hawakan, ay hita ni Mia ang bigla nitong pinisil. Napaigtad naman ang huli dahil sa ginawa nito.

"Ano ka ba naman? Nakakagulat ka naman eh." sabi niya rito sabay tampal sa kamay.

"Toh naman, para hinipo lang eh. Ang arte." pagbibiro ng binata.

"Artehin ko kaya mukha mo. Alam mo namang nasa byahe tayo...kaw talaga oh." sabi ng dalagang napapailing nalang.

"Okay, sorry na po." hinging paumanhin agad ng binata.

MAKALIPAS ang mahigit isang oras, nasa bayan na sila ng batangas. Ilang sandali nalang at nasa bahay na sila ng dalaga.

Excited si Mia, na bisitahin ang mga magulang. Tiyak na masusurprise ang mga iyon sa pagdating niya. Mula kasi nung umalis siya kasama si Anthony, hindi pa siya nakauwi kundi ngayon lang. Pero lagi naman sila nagkakatext ng kaniyang Ina.

"Love sana pala nagdala nalang tayo ng damit para sa inyo nalang tayo nagpalipas ng gabi." pag-iiba ng binata.

"Hmm. Eh sana sinabi mo para naipagdala kita. Pero okay lang naman kung gusto mo rin na bumalik tayo mamaya. Yun nga lang ngayon ko lang din naisip na baka napapagud ka sa byahe lalo pa't nagdadrive ka." tugon niya.

"Hindi bale nalang pwede naman ako matulog ng nakahubad. Kung pagud lang sa pagdadrive, naku malabo. Sa 'yo nga hindi ako napapagud eh, kahit ilang round pa, diba?" pilyo at pabiro pang sagot ng binata.

"Naku at talagang naisingit mo pa sabihin 'yan, huh?! Tsk! Tsk!" ani Mia.

"Hahaha..." tanging napatawa lang ito.

Ilan sandali at nakarating narin sila sa bahay.

Tuwang-tuwa na sumalubong sa kanila ang mag-asawang Mila at Kanor.

"Mia anak, buti naman at naisipan ninyong bumisita dito. Kumusta na kayo ni Anthony." masayang tanong ng Ginang.

Bago pa man sumagot ay nagbless muna ang dalawa sa mga ito.

"Inay, 'tay, mano po." anang dalawa.

"Kaawaan kayo ng Diyos. Salamat naman Anthony at sinamahan mo itong si Mia." sabi ni Mang Kanor.

"Naku pasensya na po kung ngayon lang kami nakapasyal. Ang totoo itong si Mia, kanina lang din nasabi sa akin kaya heto, sinamahan ko narin po." sagot ng binata.

"Oho nga Inay, eh saka isa pa medyo busy rin itong si Anthony sa kompanya niya, nahihiya naman ako na abalahin siya kaya yun, ngayon namin napagkasunduan na bumisita muna." paliwanag naman ng dalaga.

Nanlaki pa ang mata ng binata sa sinabi ni Mia. Nang makatinginan, palihim na pinikitan nalang siya ng dalaga na nakuha naman kaagad ang ibig sabihin.

"Ahh...hehehe opo nga inay. Pasensya na po talaga." sigunda nalang nito na napakamot ng bahagya sa ulo.

Pero kung talagang gusto ni Mia, na umuwi sa kanila anytime, wala naman problema sa kaniya iyon. Basta lagi din siya nakabuntot dito.

"Oh sya pumasok na muna kayo sa loob at ng makapagpahinga." pag-iiba ng Ginang.

Pero bago pumasok ang mga iyon ay binuhat muna nila ang mga groceries na pinamili ng mga ito. Sa dami nun ay pwede na yatang magtayo ng maliit na tindahan si Aling Mila. Tuwang tuwa naman ang mag-asawa sa kabutihan ng binata lalo pa at napansin nila na masaya ang anak nila sa piling nito. At sa palagay naman nila tunay at mabait na tao si Anthony.

"Ah teka, nananghalian na ba kayong dalawa?" tanong sa kanila ni Aling Mila.

"Inay, hindi pa nga po eh. Pagkaalis namin sa bahay, dumaan lang kami sa mall at dumiretso na dito." sagot ni Mia habang inaayus ang mga dala-dalahan nila.

"Oh tamang tama, sabay-sabay na tayo kumain. Nagluto ako ng sinigang na baboy. Bibili nalang ako ng dagdag na kanin sa karenderya dyan sa tapat at baka kulangin satin ang sinaing ko. Kung alam ko na darating kayo ngayon, nadagdagan ko sana."

"Inay, surprise nga diba?" untag ng dalaga.

"Ay sabagay. Oh sya, ikaw na muna mag ayus ng mesa. Kumain muna tayo bago magkwentuhan."  utos niyon.

Habang si Mang Kanor at Anthony naman ay tila magkasundo rin.

Ilan saglit pa at nagsalu-salo na sila sa habag kainan. Hindi maiwasan na masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain. Panay din ang tawanan nilang apat.

First time mangyari iyon kay Anthony. Ang kumain ng marami na may kaunting ingay at tawanan. Kahit paano ay naramdaman niyang nabuo ang kaniyang pamilya sa piling ng mga magulang ni Mia.

Para kay Anthony, bukod kay Mia, ito na yata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay niya. Ang magkaroon ng matatawag na pamilya dahil kahit si Aling Mila at Mang Kanor ay tanggap na tanggap siya.

Pagkatapos nilang kumain, nagpahinga muna sila.

Napagpasyahan ng dalawa na bukas nalang sila bumalik ng Maynila. Kaya naman masayang masaya ang dalaga.

"Love, thanks ha." ani Mia ng magsolo na sila.

"Thanks saan?"

"Dito sa ginawa mo. Si Tatay at Nanay, halatang gusto ka nila."

"Ah, mabait din naman sila. Kaya nga nakagaanan ko agad ng loob. Tsaka aba sinong hindi ako magugustuhan, sa gwapo ko bang ito." wika nitong pinuri pa ang sarili.

"Hahaha, oo na wala namang umaangal eh." nakangiting sagot ng dalaga.

Hanggang sa biglang nakaramdam ang binata ng pamimigat ng mata. Napahikab pa ng di sinasadya sa harapan ng dalaga.

"Love, kung gusto mong umidlip Sasamahan muna kita sa kwarto." puna niya sa binata ng makitang naghihikab ito.

"Ahm, buti pa nga siguro love. Sa sarap ng luto ni Nanay sa sinigang, napadami ako ng kain kaya heto bigla ako inantok." anitong walang ibang naisip na sabihin.

"Hmm, kasalanan pa pala ng sinigang. Oh sya tara na." anang dalaga.

"Hehehe, joke lang love. Pero diba pag busog naman talaga, kasunod nun antok." giit pa nito.

"Oo na. Tama ka na." aniyang sinang-ayunan nalang para di na humaba ang usapan.

Pagpasok nila sa kwarto, taliwas naman sa inaasahan ni Mia.

"Love, uhhhmmmm...ang sarap naman ng amoy mo." wika ng binata na biglang yumakap.

Hindi kalakihan ang kama ni Mia, kumpara sa hinihigaan nila sa bahay ni Anthony. Papag iyon na yari sa sahig ng kawayan, na pinatanungan lang ng foam. Lumalangitngit pa kapag malikot ang nakasampa dito. Pero walang paki-alam si Anthony anuman ang hitsura nun. Basta katabi ang dalaga ay komportable na siya.

"Ohh, tigilan mo muna ako. Matulog kana muna. Diba inaantok ka." paalala ng dalaga sa kaniya.

"Ummm, love parang may gusto akong gawin." pabulong nitong sabi.

"Kung anuman yan, iwasan mo muna okay. Nakakahiya kina nanay pag hinanap tayo. Ano nalang sasabihin nun na dumayo pa tayo dito." ani Mia na minulatan ito ng mata.

"Hmm, eh hindi naman nila malalaman. Sige na love, maawa ka na dito ohh." sabay turo sa nakaubok sa loob ng pantalon niya. "Nasolo lang kita, kanina pa nito gustong lumabas. Sige ka, mamaya magwawala na ito." kunway banta ng binata.

Natatawa nalang ang dalaga sa sinabing iyon.

Kahit anong oras basta kapag nag-init ang katawan, hindi na niya mapigilan ang binata. Bagay na hindi rin naman niya mahindian pag humirit na ito.

"Ano love, pagbibigyan mo ba ako?" pangungulit ni Anthony sa dalaga.

"Seryoso ka?" napakunot-noo na tanong niya.

"Oo pero kung ayaw mo, 'wag nalang siguro." anitong kunway nagtatampo.

Hindi naman mapigilan ni Mia ang mapatawa ng malakas. Himala yata ang sinabi nito.

"Hahaha...hahaha... 'to naman, parang batang nagtatampo eh." aniya rito na kunyari ay inaamo din ito. "Love 'wag na magtampo ha. Mamayang gabi, pagbibigyan kita." pabulong na sabi niya rito.

"Hmm, gusto ko sana ngayon na habang solo kita." hirit pa  ng binata.

"Hay naku love ko, halika nga dito." sabay hila niya rito at saka kinubabangan at dumapa sa dibdib nito.

Maya maya'y yumugyog ito at lumangitngit ang katre na hinihigaan nila.

Nagkatanginan ang dalawa saka sabay na nagtawanan.

"Naku, delikado pala love. Baka dalawang kadyot ko lang sa'yo, magiba itong hinihigaan natin." pabirong wika ni Anthony.

"Hahaha, kaya nga eh. Ikaw pa naman kapag nanggigil, tudo-tudo tapos sagad na sagad pa. I'm sure wasak itong higaan  pagkatapos natin." anang dalagang pigil ang tawa.

"Sige 'wag na nga lang. Kaya sa bahay pag-uwi natin...humanda ka." pabirong banta nito.

"Sus at nanakot pa. Okay sige, paghahandaan ko 'yan." pilyang tugong niya rito.

____

MABILIS NA lumipas ang mga oras. Kinabukasan, maagang namaalam ang dalawa. Parang kararating lang nila tapos pabalik na agad sa Manila. Pero nangako silang babalik uli sa makalawang linggo.

"Inay, Tay, aalis na ho kami. Ito kasing si Anthony, baka hanapin na ng mga empleyado niya. Babalik kami dito after two weeks siguro." ani Mia sa mga magulang.

"Okay kayo ang bahala. Basta mag-iingat kayo. At Anthony, kahit anong oras welcome ka dito sa amin." sabat naman ni Mang Kanor.

"Naku 'Tay, maraming salamat po. Sa susunod, medyo tatagalan na namin pag stay dito para bakasyon narin." sagot ng binata.

"Hmm, pero maganda sana kung sa pagbalik nyo rito ay mapag-usapan narin natin ang kasal ninyo ni Mia. Mas maganda magsama yung may blessing ng Diyos. Tutal, hindi naman kami tutul sa inyo kaya kung maaari kahit sa huwes lang eh makasal kayo." singit din ni Aling Mila.

Bahagya naman natahimik si Anthony, napatingin sa dalaga. Kahit ito ay hindi rin inaasahan na sasabihin iyon ng kaniyang Ina. Pero bumawi din  kaagad ang binata.

"Sige po, 'Nay, 'Tay... huwag po kayo mag alala,darating din po tayo diyan."anitong nakangiti saka hinawakan ang kamay ni Mia at pinisil ng bahagya.

"Mabuti kung ganon. Oh sya mag-iingat kayo sa byahe." bilin uli ng Ginang.

"Okay ho inay. Salamat!" tugon naman ng dalaga.

"Sige po, aalis na po kami." sigunda naman ng binata.

Matapos mamaalam ay tuluyan na silang umalis lulan nang kotse ng binata.

NANG nasa byahe na pabalik ng Manila, kapansin-pansin ang biglaan pananahimik ni Anthony.

Hanggang sa hindi na nakatiis si Mia, ito narin ang bumasag sa katahimikan.

"Love, pasensya na sa sinabi sa 'yo ni Nanay kanina." basag niya sa katahimikan.

Hindi kaagad kumibo ang binata.

Nang hindi ito nagsalita, minabuti nalang ng dalaga na huwag narin magsalita.

Maya maya'y bigla nalang huminto ang sasakyan. Nakatingin ang mata ng binata sa malayo. Nagtaka naman ang dalaga. Uusisain sana niya ito pero minabuting 'wag nalang magtanong. Naisip na baka nabigla ito sa sinabi ng nanay niya at ngayo'y baka naguguluhan na ito. Kapag nga naman kasal, ibang usapan na iyon. Hanggang sa isiniksik nalang muna niya sa isipan na baka nga wala talaga ito balak na pakasalan siya, na hanggang ganon nalang ang estado nila.

"Love, i'm sorry." wika  ni Anthony na bigla nalang humingi ng sorry.

"S-sorry saan?"

"H-hindi ko alam paano mag-propose ng kasal?" walang kakurap-kurap na sabi nito.

Hindi alam ni Mia kung ano ang magiging reaksyon niya. Pero hindi naman niya pinagtawanan ang binata, sa halip ay hinawakan niya ang kamay nito.

"Kaya ba bigla ka natahimik kanina, dahil yun ang iniisip mo?"

"Honestly, oo."

"Hmm, basta sure ka lang sa nararamdaman mo, yun ang sundin mo. Eh ang tanong, handa ka na ba talaga magpakasal?" seryoso din tanong ng dalaga.

"Kung ikaw ang babaeng pakakasalan ko...s-siguro?! Kung papayag karin magpakasal sa akin?" balik na tanong nito sa dalaga.

Bago muling sumagot, ngumiti muna si Mia.

"Love, sabi kasi ng matatanda, ang pagpapakasal daw ay hindi parang kanin na basta nalang isusubo, na kapag nainitan at ayaw mo na, basta mo nalang iluluwa. Kailangan yung bukas sa puso na hindi ka napipilitan. Kung sa tingin mo hindi ka pa handa, pwede mo naman sabihin sa girl ang totoo. At kung mahal ka rin niya, nakahanda siya maghintay kahit gaano katagal." paliwanag ng dalaga na may kaunting pasaring sa mga katagang sinabi.

Sa mga sinabing ito ni Mia, mas napatunay ng binata ang totoo niyang nararamdaman.

"Siguro nga tama ka, pero ayaw ko narin patagalin 'to, i want to marry you, love. How about you?" diretsahang tanong nito.

Sunod-sunod ang kabog ng dibdib ni Mia. Siya naman ang nabigla sa sinabi nito. Nanlamig ang kaniyang mga kamay at parang naninigas pa yata ang kaniyang buong katawan na pakiramdam pa niya ay hindi iyon maigalaw.

"Oh love, anong nangyayari sa 'yo? Namumutla ka at nanlalamig ang mga kamay mo?" puna nito ng hindi kumibo ang dalaga.

"Huh?! A-eh...binigla mo naman ako. T-teka, propose na ba 'yan? Eh nasaan na ang singsing." aniya na nakuha pang magbiro sa kabila ng pagkatense sa sarili.

"Hahaha, kailangan ba may singsing. Okay sige, mamaya bibili agad ako." pabirong tugon naman ng binata.

Maya maya'y sabay din silang nagkatawanan. Nagyakapan hanggang sa nauwi sa matamis na
halikan.

____

(COMPLETED) PARTNER IN BEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα