CHAPTER-21

5.2K 128 4
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤


"INAY, 'tay!" sumisigaw na tawag ni Anthony. Buhat buhat nito ang dalaga at halos mataranta na siya dahil sa sobrang takot at pag-aalala

"Ano?! Anong nangyari?" humahangas na tanong naman ng mag-asawa.

"Nay, dadalahin ko po si Mia sa hospital." anitong nagmamadali na maisakay ang dalaga sa kotse.

"Diyos ko mahabaging Ama, anong nangyari sa anak natin?"natataranta ding tanong ni Aling Mila sa asawa.

"Ang mabuti pa, samahan na natin si Anthony, halika kana." tugon ni Mang Kanor.

Nang nasa sasakyan na sila, mabilis na pinaharurot ni Anthony ang sasakyan.

"Tay, saan po ba may pinakamalapit na hospital dito?" tanong ng binata na panay ang sulyap sa minamahal na nun ay wala parin malay.

"Diretso lang, meron malapit na hospital dito." tugon ni Mang Kanor

"Love, please, malapit na tayo sa hospital." nawika ng binata na halos nanginginig na ang katawan sa takot.

"Anthony, 'wag kang mataranta, baka sa pagmamadali mo lalo lang tayo malagay sa alanganin. Sa tingin ko naman, walang masamang  mangyayari kay Mia." wika ni Aling Mila habang pinapaypayan ng bahagya ang dalagang nakaunan sa hita niya.

"Anong walang mangyayari, nakita mo na ngang walang malay.?!" nakakunot ang noo na sabat ni Mang Kanor.

"Ang ibig kong sabihin hindi naman ganon kagrabe. Baka nahilo lang ang anak natin. O 'di naman kaya'y---" at biglang naputol ang pagsasalita ni Aling Mila. Napatutup ang isang kamay sa bibig at nanglaki ang kaniyang mata.

"Mila, ano bang sinasabi mo diyan? Bakit hindi mo ituloy?" sita ni Mang Kanor.

Habang si Anthony naman, walang paki-alam sa mag-asawa. Iniisip nito ang kalagayan ng minamahal. Kanina lang ay okay ang dalaga, tapos bigla nalang magkakaganun?

"Lord, please po, mahal na mahal ko po si Mia. Sana po maging okay na siya. Huwag n'yo hayaan na may mangyaring hindi maganda sa kaniya." anitong pabulong na nagdarasal.

Maya-maya'y natanaw na nito ang Hospital. Tinulinan pa niya ang pagmamaniho, upang mabilis na makarating.

Ilan sandali lang ay nakarating na rin sila.

Pagkahinto sa sasakyan agad na bumababa at tinungo ang dalaga. Dahan-dahan binuhat.

Mabilis na pumasok sa loob ng hospital na agad din namang may sumalabong na nurse at inasist agad sila.

"Sir, ano hong nangyari sa pasyente." tanong ng isang nurse nang maipasok ang dalaga sa emergency room, na kasalukuyan naman na  nilalagyan din oxygen, at kinuhunan ng blood pressure nang isa pang nurse.

"Bigla nalang sya nawalan ng malay kanina" tugon ng binata na mahigpit ding nakahawak sa isang kamay ni Mia.

Maya-maya pa ay biglang umungol ng bahagya ang dalaga.

"Love! Love! Wake up please." anito.

"Sir, huwag ho kayong mag-alala, hindi naman ho ganun kasama ang lagay niya. Okay naman ang blood presure niya. Baka napagud lang po ang Mrs ninyo." wika ng nurse na kaharap.

"L-love. Anong---?! Nasaan ako?" mahinang wika ng dalaga ng tuluyan na itong magising.

"Love. Salamat naman at nagising ka na." sabay yakap ni Anthony. Pansamantalang gumaan ang kalooban ng binata.

Si Mang Kanor at Alin Mila naman ay nakahinga narin ng maluwag nang makita nilang gumising na ang dalaga.

"Love, medyo sumasakit parin ang ulo ko." anas na sabi ng dalaga habang ginagap ang noo niya.

"Dont worry love, narito na tayo sa hospital. Mapapatingnan na natin sa doctor kung bakit bigla ka nagkaganyan. Sa ngayon, i relax mo lang ang sarili mo ha, narito lang ako sa tabi mo. Aalagaan at babantayan kita." malumanay nitong sabi.

Ilan sandali pa ay dumating na ang doctor na susuri sa kalagayan ni Mia.
At pagkalipas nang halos mahigit dalawang oras na paghinhintay nila ay malalaman narin ang resulta.

Kinakabahan man, subalit kailangan lakasan ng binata ang kaniyan loob sa sasabihin ng doctor.

"Doc, ano pong resulta ng pagsusuri ninyo sa finace ko." tanong agad nito nang muling makaharap sila.

"Congratulations, Sir. Base po sa mga lab test na isinagawa, positive po na buntis ang magiging Mrs mo. Yun pagkahilo at pananakit ng ulo, ay isang senyales lang po na nagdadalantao siya." nakangiting pagsasaad ng doktor.

Tila biglang huminto ang mundo ni Anthony, pagkatapos marinig ang sinabi ng doctor. Hanggang sa pakiramdam niya, parang mawawala siya sa sarili dahil sa sobrang kasiyahan. Un-expected man pero masayang masaya siya sa nalaman. Gusto na sana niya magtatalon sa tuwa, subalit napigilan din ang sarili.

"Do-doc, tama po ba lahat ng narinig ko?! B-buntis na ang mahal ko?!" anitong tila hindi parin makapaniwala.

"Yes sir. Heto po ang result. Positive 2 weeks na siyang buntis." tugong ng doctor sa binata at iniabot ang mga hawak na documento.

"Yes! Magiging daddy narin ako sa wakas. Hahaha." anitong hindi na maitago ang kasiyahan. Kung kanina'y takot na takot siya, ngayon nama'y napalitan nang sobrang kaligayahan. Sa wakas ay matutupad narin ang matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng sariling pamilya.

Pagkaraan pa ng ilan sandali, nagpaalam na ang doctor at si Anthony naman ay binalikan na ang dalaga.

"Love." abot ang ngiti nito nang lapitan ang dalaga. Pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit at hinagkan sa labi.

"Love...anong sabi ng doctor?"

Bago sumagot ay muli itong ngumiti sa harapan ng dalaga.

"Love naman..."

Magsasalita na sana si Anthony ng bigla naman dumating ang mga magulang ni Mia, na nun ay naghihintay nalang din ng balita mula sa kaniya.

"Anthony, nakausap mo na ba ang doctor? Anong sabi sa 'yo?" tanong ng Ginang.

"Nay, Tay...okay daw naman po si Mia. I mean okay naman po siya. Normal lang daw po sa isang babae ang ganyan na pagkahilo. Ang sabi pa nga ay nagsisimula palang siya sa ganyang stage pero wala po tayo dapat ikabahala doon." anitong nagpaliguy-ligoy habang nakangiti.

Pero si Aling Mila, malakas ang hinala na maaring tama ang kaniyang hula.

"Love, hindi ko maintindihan. Ano ba talaga?" tanong ni Mia.

Muling humarap sa kaniya si Anthony. Ginanap ang dalawang kamay, at hinagkan iyon.

"Love, magkakababy na tayo. Sabi ni dok, 2weeks kana daw buntis. Magiging daddy na ko at ikaw magiging mommy narin." masayang pagtatapat nito.

"T-talaga?!" anang dalagang medyo nabigla sa nalaman.

"Oo love,"

Hanggang sa napayakap narin ng mahigpit ang dalaga. Tuwang-tuwa din siya sa nalaman. Sa wakas, nagbunga narin ang pagmamahalan nilang dalawa.

Si Aling Mila at Mang Kanor, masaya din sa balitang iyon. Magkaka-apo narin sila.

"Inay, Itay..." anas na sabi ng dalaga.

"Mia, anak...masaya kami ng tatay mo para sa inyo ni Anthony. Kaya wala ng dahilan pa para hindi na patagalin ang kasal ninyo." wika ng Ginang.

"Yes po 'Nay, pagbalik na pagbalik ko po sa Maynila, aasikasuhin ko na agad ang mga papel para sa kasal namin." wika ng binata na siyang mabilis na sumasagot sa ginang.

Hindi nagtagal at nang araw ding iyon ay umuwi na sila ng bahay. Tudo alalay si Anthony sa minamahal.

"Nay, salamat po sa inyo ni tatay sa pagsama sa amin sa hospital. Hindi ko po alam ang gagawin ko kung wala kayo." anito nang nasa bahay na sila.

"Ayus lang yun hijo, bilang mga magulang ninyo...narito parin kami para umalalay sa inyo." nakangiting sagot dito ni Aling Mila.

"Masaya po ako at naging bahagi ako ng pamilya ninyo." wika pa nito.

"Masaya din kami dahil nakikita ko naman na mabuti kang tao at hindi mo sasaktan ang anak namin."

"Mahal na mahal ko po si Mia. Nangangako po ako sa inyo na hinding hindi ko siya pababayaan, sila ng magiging anak namin." malumanay na sagot muli ng binata.

"Naniniwala ako sayo Anthony. Oh sya, maiba ako...tutuloy pa ba kayo ngayon lumuwas sa maynila?" pag-iiba ng ginang.

"Baka hindi na po muna. Siguro pag-uusapan muna namin ni Mia. Isa pa, medyo masilan po ang sitwasyon niya ngayon."

"Ganon ba? Walang problema kung dumito muna kayo. Masaya din naman kami ng tatay ninyo na nandito kayo."

"Salamat po 'Nay. Paano, puntahan ko po muna si Mia sa kwato. Mag-uusap lang po kami." pamamaalam saglit ng binata.

"Sige, para makapaghanda narin ako ng pananghaliaan natin."

PAGKAPASOK ni Anthony sa loob ng silid, agad na niyakap ang dalaga na nakahiga habang nagpapahinga.

"I love you love..." anito sabay halik sa labi. "Uhhmm mwuahh."

"I love you too..."

"Hmm love, ano nga palang gusto mo kainin. Kailangan malakas ang resistensya mo para healthy din si baby. Excited na tuloy ako sa paglabas niya. Parang gusto ko na hilahin ang araw." seryosong sabi nito.


"Kahit ano love. Hehehe, ikaw lang ba? Ako rin naman eh." tugong ng dalaga.

"Paano na yan love, di hindi na kita matitira niyan kasi buntis ka na?" diretsahang sabi nito.

"Hahaha, ewan ko." natatawang tugon ng dalaga. Palibhasa, first time niya magdalang tao, kaya wala siyang alam sa ganoong sitwasyon.

"Hmm, maliit pa naman, siguro pwede pa natin gawin." anito na kinindatan pa ang minamahal.

"Sira ka talaga. Baka mamaya nyan delikado ha." kunwari nag-alala ang dalaga.

"Hindi yan. Kakausapin ko si babay na tumabi muna siya para hindi siya masaktan. Pag pumasok ako," pasaway ay pilyong sabi nito.

"Loko-loko ka talaga, kung anu-ano ang iniisip mo." anang dalagang hindi maiwasan ang pagtawa.

At habang nag-uusap sila, hindi maiwasan na magkatawanan, pano ba naman, puro kalokohan ang naiisip ni Anthony, na kesyo hindi na daw nila magagawa ang mga posisyon na ginagawa nila dati dahil may baby na sa loob. Na kahit ilang rounds pa, pwede siyang humirit, pero ngayon mukhang may limitasyon na. At kung anu-ano pa ang kanilang napag-usapan.

Kung dati, pagdating sa babae... puro sa kama lang alam ni Anthony, ngayo'y nabago na ang lahat, sa piling ng babaeng kaniyang pinakamamahal. Hindi lang dahil sa sex ang habol niya sa dalaga, kundi dito rin niya natagpuan ang totoong love making na hindi lang puro init ng katawan kundi may kasamang pagmamahalan.

❤❤❤

Confirm! hahaha, nakabuo na nga sila. Ninang daw kayo, mga reader's. 😂😂😂Ehem, mukhang may forever nga sa BED.

(COMPLETED) PARTNER IN BEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα