CHAPTER-10

6.7K 139 4
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤


PAGKATAPOS nilang maligo, saka palang din sila nakakain.

Masayang masaya si Anthony nang mga oras na iyon. Bawat oras na lumilipas ay hindi na namamalayan. Dahil sa tuwing kasama at nakikita si Mia, pakiwari'y tumitigil ang mundo niya. Para sa kaniya, ibang iba talaga ang dalaga kesa sa mga babaeng nakilala at nakasama na niya dati.

"Mia, pwedeng humingi ng favor." tanong ni Anthony, nang makatapos silang kumain.

Pero bago sumagot, tumitig sa kaniya ang dalaga. Parang inaalam kung anong favor iyon.

Napatawa naman ng bahagya ang binata.

"Oh bakit naman ganyan ka makatingin?" anito.

"Hmm...napapaisip lang ako kung anong favor yun hinihinge mo." seryosong sabi ng dalaga.

"Hahaha, ganun? Parang alam ko na rin kung ano ang iniisip mo. Wait! kung ano man 'yan, hindi iyan ang ibig kong sabihin." wika ng binata.

"Hahaha, paano mo nalaman na yun ang iniisip ko? Teka, ano bang favor 'yan, baka naman gusto mo na naman humirit ng isa pang round ha? Huhuhu, pwede kahit ngayon lang, pass muna. Sumasakit na kasi balakang ko." sunod-sunod na sabi ni Mia.

"Hahaha, sinasabi ko na nga ba eh, hindi 'yan." sagot agad ng binata.

Tila napahiya naman ang huli. Halos mamula mula na ang mukha, lalo na nang makita kung paano siya pagtawanan ng binata.

"Tse!" nasabi nalang niya. "Ano ba kasing favor 'yun?" mahinang tanong niya na hindi makatingin ng diretso sa binata.

"Hmp, oo nga pala. Ahm, pwede bang 'wag nalang Anthony ang itawag mo sa 'kin." malumanay nitong sabi.

"Ha?! Bakit?"

"Mas gusto ko kung tatawagin mo ako na Mahal, or love." nakangiting sabi nito.

"Hahaha, seryoso ka?"

"Oo! Mas masarap pakinggan sa taenga kung yun ang itatawag mo sa akin."

"Oh sige, love nalang." aniyang pigil ang sarili na kiligin.

"Talaga pumapayag ka?" masayang tanong ni Anthony rito.

"Oo Love, wala naman siguro magagalit sa akin." anang dalaga.

"hay salamat Mia ko, my love." nasabi bigla ng binata, kasabay niyon ay ang pagyakap dito.

"Teka, hindi ako makahinga."

"Ay, sorry! Hehehe masaya lang ako." sabi pa ng binata.

"Sana lang, totoo na ito." naibulong nalang ng dalaga sa kaniyang sarili. Since wala pa naman siyang boyfriend, baka nga si Anthony na ang lalaking matagal na niyang hinihintay.

"Bukas nga pala, isasama kita sa opisina." pag-iiba nito.

"May opisina ka?!"

"Oo, tsaka may sarili din akong kompanya."pag amin pa nito

Dahil sa kaniyang narinig, parang luluwa ang mata niya. Talaga nga palang mayaman ang lalaking ito. Sabagay, hindi na katakata iyon. Bahay palang, halatang may kaya na buhay.

Hanggang sa biglang may naalaala siya na itanong sa binata.

"Nasaan nga pala ang mga magulang mo? Kapatid mo?" tanong niya rito.

"Wala na sila," anitong biglang lumungkot ang mukha.

Nahalata naman iyon ng dalaga. Nangamba siyang baka may nasabi siyang mali.

"I'm sorry..." nasabi nalang niya.

" I'ts okay. Alam ko naman na tatanungin mo rin ako tungkol sa kanila. Si Mommy, wala na 3 years ago. Si Daddy naman, wala na ako balita sa kaniya. Basta nalang siya umalis. Bata pa ako noon nung iwanan niya kami ni Mommy. Ang kompanya, kami ni Mommy ang nagpundar nun. Yun, simula nung mawala si Mommy, mag-isa nalang ako sa buhay. Bahay, opisina ang routine ko. Kung minsan kapag naiisipan ko lumabas at mag happy happy, nagpupunta ako sa mga bars. Kaya nga noon, don kita aksidenting nakilala." paliwanag nito sa dalaga.

"Ganon pala. Eh kapatid, wala ka?"tanong uli niya.

"Wala! Mag-isa lang ako. Swerte ko nga at nabuhay ako. That time kasi, nahirapan si mommy sa pagbubuntis sa akin." tugon uli nito.

"Parehas pala tayo, mag-isa lang din ako na anak nina Tatay at nanay. Kaso yun nga lang, mahirap buhay namin. Hindi gaya sa 'yo,  na sagana ang pamumuhay." wika niya rito.

"Hahaha, kaya nga siguro tayo pinatagpo eh." tanging nasabi nalang ng binata.

"S-siguro nga." aniyang kibit balikat naman.

"Ngayong may alam kana sa buhay ko, may gusto ka pa ba malaman? Love?!" nangingiting tanong ng binata.

"Ahm, sa ngayon wala pa uli. Pero mag-iisip ako ng itatanong para bukas." pabirong sagot niya rito.

"Hahaha, pilya ka rin pala." anitong sabay kurot ng bahagya sa pisngi ng dalaga.

"Hindi naman masyado." tugong nakangiti dito.


SA Pagdaan at paglipas ng mga araw, mas nakilala pa nila ang isa't-isa. Mabait, maalalahanin at maalaga si Anthony kay Mia. Wala itong sinayang na sandali na mapasaya ang dalaga. Ganun din naman si Mia, sinusukliian din niya ng kabutihan ang binata. Tuwing uuwi ito sa bahay, siya na ang nag-aasikaso dito. Damit, mga gamit at pagkain, siya na ang naghahanda para sa binata. Buong puso niyang pinagsisilbihan ito, sa abot ng kaniyang makakaya. Masya ang kanilang pagsasama. Kapag may kaunting tampuhan, si Anthony kaagad ang gumagawa ng paraan para magkaayus sila.

"Love, nasaan ka na?" text ni Mia sa binata, isang gabing hindi siya dalawin ng antok.

Almos 1 am na kasi nun, hindi pa  dumarating si Anthony. Nagtaka siya kung bakit nun lang yata ito hindi nagtext sa kaniya.

Hindi naman niya ugali mag isip ng kung anu-ano, pero bigla siyang kinabahan.

"Ano kayang nangyari don." bulong niya sa sarili.

Nang susubukan na sanang tawagan si Anthony, saka din naman nagring ang kaniyang cellphone. At nang makilala kung sino ang natawag, bahagya siyang nakahinga ng maluwag.

"Hello Love..." bungad agad ng nasa kabilang linya.

"Yes love, napatawag ka? Buti gising pa ako?"pagkunwaring tanong niya.

"Oo nga eh buti gising ka pa. Pasensya na ha, hindi kita natawagan kanina para sabihin na malelate ako ng uwi. Marami lang ako ginawa sa opisina." piliwanag nito.

"Ayos lang yun love. Atleast ngayon, panatag na ang loob ko kasi tumawag ka na." sabi niya rito.

"Salamat love. Anyway, nasa byahe na ko pauwi. Miss na miss na kita agad. Mamaya ha, pagbigyan mo ako, dalawang gabi din ako hindi nakatira. Nasasabik na tuloy ako." walang kiming sabi nito kay Mia.

"Hahaha, talagang naisip mo pa yun. Oh sya, magiingat ka sa byahe." natatawang sabi nalang niya.

"Okay bye...see you later. Mwuahh!"

Nang matapos ang maikling pag-uusapan na iyon, napapailing habang napapangiti nalang si Mia. Kahit siya ay aminadong namimiss din niya ang pakikitalik kay Anthony. Parang pati siya ay hinanap hanap narin ang ganung sistima sa kanilang dalawa.

Hanggang sa yun narin ang nagsisilbing bonding nila sa tuwing magkakadikit ang kanilang katawan.

Bago pa man dumating ang binata, sinigurado niyang mabangong mabago siya.

"Tiyak, mapapalaban na naman ako. Haist, nasasabik narin ako sa 'yo, love..." aniyang sinabayan pa ng pagbuntong hininga.

❤❤❤

(COMPLETED) PARTNER IN BEDWhere stories live. Discover now