CHAPTER 23

5K 118 4
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤


ANG lahat ay nagtipon-tipon upang masaksihan ang mahalang announcement ng CEO nang kompanya. Kaya naman nang humarap na binatang boss sa kanila, ang lahat ay bumati dito.

"Good morning, sir!" sabay-sabay na sambit ng lahat.

"Salamat! Salamat. Good morning din sa inyo." nakangiting tugon naman ni Anthony sa mga ito. "Ipinatawag ko kayong lahat para sa isang mahalagang announcement. At dahil part narin kayo ng buhay ko, nais ko rin ibahagi sa inyo ang tungkol naman sa personal life ko. Marami sa inyo, kilalang kilala na ako. Pero may isang bagay lang sa buhay ko ang hindi ko pa naii-share sa inyo. Pero bago yun, gusto ko muna kayong pasalamatan sa maayus at magandan ninyong pamamalakad, sa tiwala at pagkakaisa sa layunin natin na mapaunlad ang ating kompanya. Sa susunod na buwan, tataasan kong muli ang salary ninyo. Lahat kayo. At doon naman sa mga wala pang binipisyo, ayusin n'yo na ang mga papeles ninyo para mabigyan narin kayo. Magkakaroon din pala tayo ng promotion, kaya doon sa mga deserving sa posisyon na iyon, ngayon palang nais ko na kayong i-congratulate." lintaya ng binata na pansamantalang pinutol ang pagsasalita.

Nagsipalakpakan naman ang lahat ng mga empleyado. Masaya silang lahat. Makikita sa mga ito ang saya dahil sa ngiti at kislap ng kanilang mga mata.


"Lastly, gusto ko kayong inbitahin sa nalalapit kong kasal." wika pa ng binata.

Umugong muli ang sigawan, at malakas na palakpakan.

"Sir, congratulations po sa inyo."

"Yes! Finaly sir...narinig din namin na ikakasal ka na."

"Sir, ang swerte naman po ng babaeng pakakasalan mo."

"Sir, masaya po kaming marinig sa inyo na mag-aasawa ka na."

Ilan sa mga narinig ni Anthony mula sa kaniyang mga empleyado, na kaniya namang ikinatuwa.

"Hahaha, maraming salamat din sa inyo. Basta, aattend kayong lahat ha. Ang hindi makakarating, suspendi sa trabaho ng isang buwan." pabirong sabi ng binata sa mga ito.

"Sir naman...'Wag po kayong mag-alala, present kaming lahat." anang isang malakas na tinig.

"woahhhhh, aattend kami! Aattend kami!" sabay-sabay na wika ng lahat.

"Aasahan ko kayong lahat ha. Alam n'yo naman, kayo na ang pamilya ko, at mga kaibigan ko." wika muli ng binata.

"Yes, sir!"

Muli ay isa pang malakas na palakpakan.

"Thank you sa inyo. Kung kelan at saan ang kasal, ipaparating ko sa inyo, soon. Sa ngayon, dito ko muna  tatapusin at puputulin ito. Maaari na kayong bumalik sa inyo-inyong mga ginagawa." pagtatapos na sabi ng binata.

Bago pa man magsialisan... ang ilan din sa mga ito ay nilapitan ang boss nila at personal na kimayan upang ipinarating ang kanilang pagbati at taos puso namang naapreciate iyon ng binata.

At ang pinakahuli ay, si Hannah na halos kanina pa yata mugto ang mata sa kaluluha.

"Sir, congratulation po. Masaya po ako para inyo." anang sekretarya na na hindi maitago ang nararamdaman.

"Masaya?! Eh bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Hehehe, wala po 'to sir. Naiyak lang ako kasi sa  wakas, magkakaroon kana rin ng bagong pamilya at ng insperasyon sa buhay." anang dalaga.

Nalimutan yata ni Anthony, na si Hannah ang isa sa pinakamalapit na empleyado niya. Bukod sa pagiging sekretary, ito din ang naging kanang kamay niya sa tuwing wala siya sa kompanya. Bukod dito, ay parang magkapatid narin sila. Alam din nito ang lahat tungkol sa buhay ng binata, mapaproblema man o kalokohan.

"Oh sya, pahidan mo na 'yang luha mo at baka isipin ko pa nagseselos ka dahil hindi ikaw ang pinakasalan ko." pabirong sabi ni Anthony dito.

"Sir naman...nakakainis ka. Ni minsan hindi ako nagkagusto sa 'yo 'noh." nakasimangot na tugon ni Hannah.

"hahaha, 'toh naman, binibiro ka lang eh. Sige na ayusin mo na ang sarili mo at may lakad tayo." pag-iiba nito.

"Lakad?! Saan naman po?"

"Hindi ko alam ang pasikot sikot sa cityhall kaya samahan mo muna ako. Mag-aayus ako ng papel para sa kasal namin ni Mia. Eh malay ko ba kung saan yun nilalakad."

"Hahaha, okay sir! Ako ang bahala sa 'yo." ani Hannah at bigla napatawa.

"Oh, bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Wala naman po, sir! Excited ka  'no?"

"Saan? Sa kasal?! Aba syempre. Matagal ko kayang hinintay ang pagkakatong ito. Buti nga dumating siya sa buhay ko eh. Kung hindi, malamang, ahhhmmm...alam mo na?" at sadyang binitin ang sasabihin.

"Malamang si ma'am Michelle parin at iba pa ang kasama mo." na dinugtungan naman ng dalaga.

"Hindi 'yun?"

"Eh ano po?"

"Tsismosa!" sabay sabi ng binata dito.

"Matagal na sir, ngayon mo lang ba nalaman."

"hay naku! Tara na nga..." ani Anthony na nagpatiuna na sa paglakad.

Napapangiti naman si Hannah sa reaksyon ng boss niya. Sa loob ng 15 years nila na magkasama bilang boss at secretary, hindi na sila iba sa isa't-isa. Pasalamat nalang talaga sila dahil walang anumang malisya ang namagitan sa kanila bilang magboss.

____

GABI na nang makauwi sa kaniyang bahay si Anthony. Laking pasasalamat nito sa sekretarya dahil natulungan siya.

"Sir, kumusta po? Si Ma'am Mia po, hindi n'yo kasama?" tanong ni aling Bebeng.

"Oo, naiwan siya sa batangas. Bawal sa kaniya magpagud sa byahe." tugon nito sa kasambahay.

"Po?! B-bakit, a-ano po ang nangyari kay ma'am?" nag-aalalang tanong ni Aling Bebeng.

"Ahm, she's pregnant!" nakangiti nitong pagtatapat.

"B-buntis na si Maam? T-talaga sir?!" ang halos si makapaniwalang tanong niyon.

"Oo. Magkakababy na kami. Magiging daddy na 'ko, manang." masayang sabi ng binata.

"Hehehe, congrats sir. Naku nakakatuwa naman. Magkakaroon narin ng bata dito sa bahay."

"Matagal ko rin hinintay ang pagkakataong iyon. Anyway, magpapakasal narin kami ng ma'am mo. Umuwi ako para ayusin ang papel namin, then babalik ulit ako sa batangas. Kung pwede sumama isa man sa inyo ni Lina sa akin pag pabalik ko doon." wika ng binata.

"Sige sir, wala po problema. Nga po pala, ihahanda ko na po ba ang dinner ninyo?" pag-iiba ng ni Aling Bebeng.

"Hindi na manang. Kumain na  ko sa labas. Magpahinga lang ako saglit dito, at papasok narin ako sa silid ko."

"Ah okay po sir. Maiwan ko po muna kayo."

"Okay!" tugon ng binata.

Maya-maya'y biglang namiss si Mia. Agad na tinawagan ang minamahal.

Subalit makaraan ang ilan sandali, panay ring lang ang cellphone ng dalaga.

"Baka tulog na. Di bale bukas ko nalang siya tatawagan. Miss ko na agad ang mahal ko." anitong kinakausap ang sarili.

Hanggang sa naipasya nang pumasok sa loob ng kaniyang silid.

Maghuhubad sana siya ng pantalon nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Hello love..." mabilis nitong sagot sa tawag.

"Ohh love kumusta ka diyan? Sorry ha hindi ko agad nasagot ang tawag mo, nasa banyo kasi ako kanina." paliwanag ng dalaga.

"Okay lang yun love. Kumusta baby natin, sumisipa na ba?"

"hmm, di pa. Week palang naman 'toh."

"Hahaha, oo nga pala. Miss na kita love. Matutulog ako ngayon na hindi ka katabi. Huhuhu" pag-iinarte nito.

"Magtiis ka muna na wala ako sa tabi mo." sagot naman ng dalaga.

"Ano pa nga ba? Pagbalik ko diyan love, naku humanda ka sakin." pabirong banta ng binata.

"Palagi naman ako nakahanda sa'yo. Pero iba na pala ngayon love, may baby na sa sinapupuna ko." paalala ng dalaga.

"Yes i know love. Kaya nga habang maliit pa eh. Malay natin, paglabas niyan, kambal agad."hirit pa nito.

"Naku, ikaw ha. Buti sana kung ikaw ang manganganak."

"Kung pwede nga lang love, why not?! Hehe." at idinaan nito sa tawa ang sinabi.

"Oh sya, slep ka na love. Mag slep narin kami ni baby." pag-iiba ng dalaga.

"Maya konti love. Gusto pa kita kausap." hirit pa ng binata.

"Mag 10 na kaya. Ikaw ang nagsabi na, huwag ako matutulog ng late, diba?!"anang dalaga.

"Oo nga kaya lang love hindi ako makatulog nito. Alam mo ba, nasanay na ko na nasa tabi kita. Hinalikan ka, niyayakap at kinakapa kapa. Tapos alam mo na, hindi kompleto pag walang love making. Heto nga ohh, pati si junior gising na gising, hinahanap ka." anitong hinihimas himas ng bahagya ang pagkalalaki niya.

"Adik ka talaga love." naisagot lang ng dalaga.

"Adik pero sa'yo lang naman ako ganito. At sa'yo lang wala ng iba." mariing wika ng binata.

"Hmm, naniniwala naman ako sa'yo. Mahal na mahal kita love."

"Mas mahal na mahal na mahal kita."

"Pano, good night na muna ha."

"Sige na nga. Bukas maaga, tatawagan ulit kita ha. I love you love, good night. Sweet dreams. Mwuahhh." walang magawa kundi mamaalam narin pansamantala sa minamahal.

"Sige love, off ko na cellphone ha." anang dalaga.

"Okay love."

Pagkaraan ng ilan saglit, naputol na nga ang usapan. Nangiting humiga sa kama ang binata. Nakatitig sa kisami ng silid.

Hanggang sa bigla nitong na naalaala ang kasal nila.

"Ikakasal na ko, sa babaeng pinakamamahal ko." bulong nito sa sarili na parang di parin makapaniwala.

Hanggang sa  biglang sumagi sa isip niya ang kaniyang namayapang ina.

Nakaramdam siya ng kaunting lungkot.

"Mom, sayang hindi mo nakilala si Mia. Alam mo ba, pareho kayo ng ugali. Mabait at sobrang malambing. Kung nasaan ka man ngayon, nararamdaman ko na masaya ka para sa akin. Promise ko, hinding-hindi ko gagawin sa kaniya ang ginawa sa atin ni Daddy. Mahal na mahal ko si Mia, mom... lalo na  ngayon nagbunga na  ang pagmamahalan namin. I miss you mom." usal ng binata. Hanggang sa biglang dumaloy ang isang butil na luha sa kaniyang mukha.

Pagkaraan pa ng ilan sandali ay dinalawa narin ito ng antok. Hindi na nagawang maghugas ng katawan at ipinasya narin na matulog.

____

KINABUKASAN, laking gulat ni Anthony nang tumambad ang napagandang dalaga na nakangiti sa kaniya. Nakabihis na ito ng puting puting trahe de buda. Halos hindi niya ito nakilala. Maganda na pero mas lalo pa itong gumaganda sa kaniyang paningin.

"Love, napakanda mo. Walang kasing ganda." anitong namumungay ang mga mata.

"At ikaw, sobrang napagwapo mo rin lalo na sa suot mo." tugong ng dalaga.

"i love you. Excited na ko love. Finally, ilan saglit nalang at magiging Mrs na kita."

"Hmm, ako rin naman love." nakangiting tugon ng dalaga.

Maya-maya'y magkahawak kamay sila. Saglit na katahimikan. Hanggang sa biglang hinapit ni Anthony ang baywang ng dalaga. Tinitigan ang maamong mukha. Walang anu-anoy biglang naglapat ang kanilang mga labi. Isang masarap, mainit at matamis na halik ang kanilang pinagsaluhan bago sumapit ilan sandali nalang ang pinakahihintay na kasalan.

Hanggang sa biglang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan dala ng halikang iyon.

Mas nasabik pa siya ng buhatin nito ang dalaga.

"Love, anong ginagawa mo. Hindi pa tapos ang kasal, i mean hindi pa nag-uumpisa." sabay sabi ni Mia.

Noon lang tila bigla natauhan ang binata. Napapakamot sa kaniyang ulo nang maaalala na ngayon nga pala ang araw ng kanilang kasal.

"Nabighani ako sa ganda mo love. Yan muntikan na ko mawala sa sarili ko." palusot na sabi nito.

"Hahaha, hahaha, " malakas na tawa ng dalaga.

Hanggang sa bigla nalang sila naghabulan na parang mga bata. Nagkulitan at nagbatuhan pa ng mga unan.

May ilan minuto pang natitira bago magsimula ang semunya ng kasal. Kaya naman ang oras na iyon ay sinulit muna nila.

Hanggang sa bigla nalang naramdaman ni Anthony ang pagbagsak niya sa isang matigas na bagay. Medyo masakit iyon.

"Ouchh..." nakangiwing sabi nito.

Napakunot nalang siya ng biglang makita ang kaniyang hitsura.

"A-akala ko---" at hindi na naituloy,  sabay tapik ng malakas sa noo.


____




(COMPLETED) PARTNER IN BEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα