CHAPTER-11

6.8K 158 2
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤


SAMANTALA, habang nasa byahe, isang text message ang natanggap ni Anthony.



"Hon, i miss you. Almost one month narin nang huli tayong nagkita. Alam mo bang namimiss ko na ang mga yakap at halik mo, lalo ang makatabi ka pagtulog."



Pagkabasa sa text message na iyon, biglang naalala si Michelle.



Simula nung pumunta ito sa bahay ng binata at nakitang magkasama sila ni Mia, ngayon lang uli ito nagparamdam. Aminado si Anthony, na napapaligaya din siya ni Michelle lalo na nung mga panahong nakikipaglaro sa mga babae. Pero walang anumang commitment, ngunit may nangyayari sa kanila. Hanggang sa natagpuan at nakilala nito si Mia, at aminado siya na dito na lamang ngayon umiikot ang kaniyang mundo at atensyon.



Wala siyang balak patulan ang text na iyon, kaya binalewala nalang nito. Ang tanging iniisip lang ay makauwi agad sa bahay.



"Love, malapit na ako. Ihanda mo na ang sarili mo." bulong nito na kinakausap ang sarili.



Ilang minuto nalang at nasa bahay na siya. Pero kung kailan malapit na siya sa tapat ng gate ng bahay niya ay saka naman nito napansin ang isang nakaparadang kotse. Bumagal ang pagmamaneho nang makilala kung sino ang nagmamay-ari niyon.



"Anong ginagawa niya rito ng ganitong oras." anitong hindi nagustuhan ang nakita.



Nang makita nitong lumabas sa kotse ang sakay, nagmamadali din namang bumaba ang binata at mabilis na nilapitan ang babae.



"Mitch, what are you ding here? Gabing-gabi na." tanong nito rito.



"Oh hi, hon. How are you?" malanding bati ng dalaga na agad rin namang naikawit ang kamay sa braso ng binata.



"Mitch, please umuwi ka na. Hindi ito ang tamang oras para mag-usap tayo. Pagud ako sa opisina kaya gusto ko narin magpahinga." mariing wika nito sa dalaga.



"Owh?! I can't believe it na itinataboy mo na ako. Dati naman, kahit anong oras na gustuhin kong pumunta sa 'yo, hindi ka umaangal. Anong nangyari, hon?" kibit balikat na may pagtatakang tanong ng dalaga.



"Mitch, listen to me. Hindi na ako magpapaliguyligoy pa, hindi na tayo kagaya noon. Gusto ko ng ituwid ang buhay ko ngayon. I realized na medyo nagkaka edad na ako, kaya nagpadesisyunan ko ng itigil na natin 'to." seryosong sabi nito sa dalaga.



Hindi makapaniwala ang huli sa kaniyang narinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan.



"No! Anthony naman, ang tagal na nating magkakilala, ngayon ka pa ba nakaisip ng ganyan?" mariing tangi ng dalaga.



"That's my final decision. Kaya i'm sorry, Mitch, dahil ayaw ko na ang ganitong sit up natin. And by the way sa pagkakaalam ko, wala naman tayong relasyon, para hindi ka pumayag right?!" paliwanag muli ng binata.



"So ganon lang yun, 'pag ayaw mo na, ayaw mo na?! Hindi mo lang ba ako tatanungin kong ano ang mararamdaman ko? It's been 3 years na tayo sa ganitong sitwasyon. Halos dito na umiikot ang mundo natin. Oo wala tayong relasyon, pero paano mo ipapaliwanag sa akin na sa tuwing may mangyayari sa ating dalawa ay sarap na sarap ka, na nag i-enjoy ka sa tuwing mag si-sex tayo, wala lang yun ganon ba? It's so unfair. Kaya nga ako nagpunta dito dahil namimiss kita, tapos ganito lang ang madadatnan ko sa 'yo, how dare you?" halos mangiyak ngiyak na ito sa pagsasalita.



Pero ano bang magagawa ni Anthony, sa wala naman talaga siyang nararamdaman kay Michelle. Tawag ng laman, at lalake siya may pangangailangan kaya pinatulan nito ang dalaga. Pero hindi ibig sabihin nun ay mahal na niya ito. Iba ang pagmamahal sa gusto lang makatabi sa gabi. Unang una, pareho din nilang ginusto iyon, ang pagkikipagtalik sa isa't-isa. Hanggang doon nalang iyon, at ngayong nakapag desisyon na, gusto na nitong putulin at tapusin na ang anumang nag-uugnay sa kanila.

(COMPLETED) PARTNER IN BEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα