CHAPTER-15

5.7K 109 4
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤



"LOVE, sasaglit muna ako sa kompanya. Pero babalik din kaagad ako mamaya." wika ng binata.

"Okay lang love. Saka baka kailangan ka na nila doon."

"Huwag kang lalabas na mag-isa ha. Hangga't maaari, dito kana lang muna sa bahay." paalala nito.

"Love, 'wag kang mag-alala sa akin okay! Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko." pagmamayabang ng dalaga.

"Hmm...kahit na love. Iba parin kung mag-iingat ka. Lalo na ngayon, mainit ako kay Michelle, baka madamay ka pa sa gusot naming dalawa. Huwag lang talaga siya magkakamali gumawa ng masama sa 'yo, ako ang makakalaban niya." sersoyo na sabi nito.

Naramdaman naman ng dalaga ang concern sa kaniya nito kaya napayakap siya ng maghigpit.

"Thanks Love..." wika niya.

"Mahal kita kaya ko sinasabi 'yan sa 'yo."

"I know!" at ngumiti siya rito.

"Okay love, maliligo na muna ako ha, tapos lalakad narin." pag-iiba ng binata.

"Sige love..."

Bago kumilos ay hinagkan muna sa labi ang dalaga.

"Ummm mwuahh!"

"Sige na, maligo ka na."

"Opo..."

___

SAMANTALA, si Michelle na nanggigil sa galit ay nag-iisip ng paraan para muli sila magkita ni Anthony.

"Kung hindi ka magiging akin, sisiguraduhin ko na hindi rin kayo magtatagal nang Mia, na yun. Gagawin ko ang lahat para mag-hiwalay kayo." aniya sa sarili.

Kanina pagkaalis sa bahay ni Anthony,  dumiretso siya sa coffee shop. Dito siya nag-isip ng paraan kung ano ang gagawin.

Mahigpit ang hawak sa mug na may lamang coffee saka pilit ang ngiti.

"Tama! Alam ko na ang gagawin ko sa 'yo Anthony. Tingnan ko lang kung hindi ka rin iwanan ng babae mo." sa isip-isip niya.

Pagkatapos ay mabilis siyang lumabas nang coffee shop na iyon. Sakay ng taxi, babalikan niya ang binata.

Pero nang papasok palang  ang taxing sinasakyan niya sa loob ng subdivision, nakasalubong naman niya ang kotse ni Anthony na noo'y palabas naman ng gate nang subdivision.

"Kotse ni Anthony 'yun ah. Malamang siya ang sakay nun?!"

Maya-maya ay kinausap niya ang driver.

"Manong, sandali lang po. Pwede n'yo bang iliko ang sasakyan. Sundan po natin ang kotse na kulay itim na 'yun." utos niya rito.

"Sige ma'am, wala pong problema." sagot naman ng taxi driver.

Habang sinusundan nila si Anthony, nagtext si Michelle sa binata.

"Anthony, i'm sorry sa nangyari kanina. Sana mapatawad mo pa ako."

Nang mabasa ito ng binata, kumunot ang noo niya.

Maya-maya pa ay isa pang text message ang kaniyang narecieved galing uli kay Michelle.

"Kung hindi mo sana mamasamain, gusto kong makipag-usap sa 'yo ng maayus. Gusto ko sana personal na humingi ng sorry sa 'yo. Narealized ko na mali ako sa pagpupumilit na bumalik ka sa akin. Kaya please, kahit ngayon lang pumayag ka na sana na makipag-usap sa akin."

Napapailing nalang si Anthony. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabing iyon ni Michelle. Pakiramdam pa niya, may binabalak ang dalaga.

Kaya sa halip na patulan ang text na iyon ay hindi nalang nito pinansin.

Nanggigigil naman si Michelle, dahil ni isang reply mula sa binata ay wala siyang natanggap.

"Grrrrr...inuubos mo talaga ang pasensya ko." nasabi nalang niya bigla.

"Ma'am, may problema po ba?" sita ng taxi driver nang makita nito na mukhang nanggigil sa galit ang pasahero niya.

"No! Wala may naalala lang ho ako." naisagot nalang ni Michelle.

Ilan saglit pa at napag-alaman niyang sa kompanya ang punta ng binata. Kaya naman ng makarating siya habang sinusundan ito ay agad siyang nagbayad sa driver.

"Manong, itabi n'yo ho ang sasakyan. Bababa na ho ako rito." aniya, saka iniabot ang bayad. Pagkatapos ay mabilis na bumababa. Nang ibabalik ng driver ang sukli sana ay tinanggihan niya ito. "Keep the change manong." wika n'ya sabay talikod.

Natuwa naman ang taxi driver sa ginawa ng dalaga.

Samantala, pagdating ni Anthony sa kaniyang opisina, tambak ang mga mahahalang dukomento na kailangan niyang permahan.

Agad na sinabihan ang secretary na hindi rin siya magtatagal at aalis din kaagad

"Hannah, may appointment ba ako ngayon?" tanong nito.

"Sir, meron po. Pero kung may lakad po kayo, pwede naman po ako nalang ang representative ninyo. Invited po kasi kayo sa isang cutting rebbon mamaya 5pm sa Makati."
anang sekretarya.

"Ah ganun ba? Oo ikaw na nga lang." anito.

"Okay Sir. Ah sir, diba po nagtatanong kayo nung mga nakaraang araw kung may vacant pa po tayo na posisyon dito sa company, yes sir, meron na po. Nangangailangan po ng exicutives assitance sa finance depatment." pagbabalita ng dalaga.

"Okay good." at bigla nitong naalala si Mia. Mas maganda kong magkakasama sila sa kompanya at para mas nababantayan narin ito at palagi pa sila magkikita.

"Sabihin mo sa head department ako na ang bahala sa tao. May ipapasok ako doon." anito.

"Yes, sir..."

At dahil siya naman ang may-ari ng kompanya, siya parin ang masusunod kung sakali man at questionin ang eductional backround ni Mia.

Naisip ng binata, may maganda siyang ibabalita sa dalaga pag-uwi niya mamaya.

Habang abala sa kaniyang ginagawa, bigla naman dumating si Michelle sa kaniyang opisina.

"Sir excuse me po, si Ma'am Michelle po, hinahanap ka." wika ni Hannah.

Huli na para sabihin sana ni Anthony na 'wag iyon papasukin sa loob ng kaniyang opisina, dahil nakita nitong nakasunod na ito sa kaniyang secretarya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong agad nito ng muli silang magkaharap

Hindi maganda ang pag-uusap nila kanina kaya hanggang ngayon ay mainit parin ang dugo nito kay Michelle.

"Wait Anthony, hindi naman ako pumunta dito para makipag argument sa 'yo. Gusto kong makipag-ayus at humingi ng pasensya. Hindi mo kasi sinasagot ang message ko kaya naisip ko na pumunta dito sa opisina mo at magbakasakali na pumunta ka. Eh nagkataon naman  nga na nandito ka. Please Anthony, pag-usapan natin 'to." paliwanag ni Michelle.

Napakunot noon naman si Hannah ng marinig iyon, hindi nalang niya pinansin dahil labas na siya sa personal na problema ng boss niya kaya iniwan na niya ang dalawa sa loob.

"So anong gusto mo mangyari ngayon? Ako Michelle, ayaw ko talaga ng gulo. Hanggat maari ayaw ko rin na nagagalit ako lalo na sa 'yo. Ang sa akin lang naman, sana tanggapin mo na ang katotohanan na walang tayo, at hindi magiging tayo. Si Mia ang mahal ko at dahil sa kaniya, kaya nagawa kong baguhin ang pananaw ko sa sarili ko. Saka marami ka pa makikilalang lalaki at tatanggapin ka ng buong buo. Hindi yung, ipagpipilitan mo ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo." pagpapakatotoong pahayag niya rito.

Tahimik lang na nakikinig si Michelle. Pagkatapos na magsalita ni Anthony, saka siya humugot ng lakas, huminga ng malalim at bahagyang nilapitan ang binata.

"Siguro nga tama ka. Narealized ko rin kanina na ano nga bang mapapala ko kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa 'yo eh ayaw mo naman sa akin. May Mia kana ngayon, at sa nakikita ko, talagang gusto mo siya. Kaya sana, mapatawad mo pa ako. Sorry talaga Anthony. Oo aaminin ko, nasaktan ako sa nalaman ko, pero nangyari na at nandyan na. Ang tanging magagawa ko lang ay tanggapin ang katotohanan upang maka-move. Pero sana, kahit nangyari sa atin ang ganito, maging magkaibigan parin sana tayo." pagak ang boses na animo'y totoong totoo ang sinasabi.
Na halos ay maluha-luha pa siya sa harapan ng binata.

"Kalimutan na natin ang nangyari. Magsimula tayo ngayon as a friend. Oo pwede naman tayo maging magkaibigan." tugon naman ng binata.

Nasiyahan naman ang huli sa kaniyang narinig. Mukhang makukuha niya ang loob ng binata.

"Thanks, Anthony. Siguro lalayo muna ako. Kailangan ko muna magbakasyon para madali ako maka-move on." aniya na kunyari ay ngumiti pa.

"That's good." na mabilis naman sinang ayunan ni Anthony.

"Friends...?!" sabay abot ni Michelle sa kamay niya rito.

"Friends!" sagot ng binata at inabot din nito ang kaniyang kamay.

Mahigpit ang pagkakakapit ng babae sa kamay ng binata. Hindi ito nagpahalata na may ibig sabihin iyon dahil sinabayan niya ng ngiti. Hindi naman nakakahalata ang lalake na may pinaplano pala ito laban  sa kaniya.

"Ahm, what if kumain tayo sa labas. Treat ko. Okay lang ba? Kahit ngayon lang bago ako umuwi."aniyang tila nakikiusap.

Hindi kaagad sumagot si Anthony. Napapaisip siya bigla.

"Anthony, please for give me. Kahit ngayon lang." ulit niya. Namumungay ang mata habang na nakatingin sa binata.

"I'm sorry Mitch, kaya lang may lakad ako ngayon. Dumaan lang ako dito sa opisina dahil dito."anitong itinuro pa ang mga pinipirmahang papeles sa ibabaw ng kaniyang table. Nagkibit balikat saka bahagyang umiling.

"Ganon ba? Kahit ngayon lang hindi mo ba ako mapagbibigyan. Don't worry, kakain lang naman tayo. Pasasalamat ko narin ito. Pero kung hindi talaga pwede, okay lang." aniyang nagself pitty. Ipinahalatang malungkot ang mukha  dahil sa pagkadismaya.

Tila nakaramdam naman ng kaunting awa ang binata. Nang makita niya kung paano lumungkot ang mukha ng kaharap, biglang may kaunting kurot siya na naramdaman.

Naalala niya si Mia, nangako siyang babalik kaagad sa bahay. At dahil sinabi niyang uuwi kaagad siya, alam niyang maghihintay iyon sa kaniya.

Hindi kaagad siya nakapag desisyon. Isa pa, nagdadalawang isip talaga siya kung pagbibigyan ang inbitasyong iyon ni Michelle.

Samantala, umaasa naman ang dalaga na makukumbinsi niya ito. Na magtatagumpay siya sa kaniyang plano.

Maya-maya nga ay muli siyang kinausap ni Anthony.

"Okay Mitch, sige pumapayag na ako. Tutal, kakain lang naman tayo, naisip ko...wala naman masama kung samahan kita." anito sa dalaga.

Halos lumuwa naman ang mata ng babae.

"Talaga?!" wika niya na halos ay mapalundag pa sa saya. Walang anu-ano'y napayakap pa siya sa lalake

"Hehehe, Mitch...okay na." wika ng binata na halatang naiilang sa ginawang iyon sa kaniya.

"I'm sorry...masaya lang ako." aniya sabay bawi sa sarili.

" It's okay. I understand." anito.

Abot hanggang taenga ang ngiti ni Michelle. Mukhang magtatagumpay siya sa plano.

"Ngayon Anthony, sisiguraduhin ko magiging akin ka  na at marerealized mo na mas masarap ako sa kama kesa sa Mia na 'yun." aniya sa isip habang kunyari'y nakangiti siya sa binata.

__

(COMPLETED) PARTNER IN BEDWhere stories live. Discover now