CHAPTER-17

5.1K 131 4
                                    

PARTNER IN BED

❤❤❤


SA TINDI nang kaniyang galit, mabilis nitong pinaharurot ang kaniyang sasakyan. Muntik na siyang mahulog sa bitag ni Michelle. Pasalamat nalang at bigla din siya natauhan.

Habang nagmamaniho, si Mia agad ang inisip nito. Kaya naman mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo sa sasakyan upang makauwi at makarating kaagad sa bahay.

"Love, parating na ako." sa isip nito.

Samantala, wala pang ganang kumain si Mia. Hinihintay parin niya ang tawag sa kaniya ni Anthony.

"Uuwi ka siya?" palaisipang tanong niya sa sarili.

Sa totoo lang, namimiss na niya agad ang binata. Simula kase ng magsama sila, mas nakilala niya ito ng husto higit pa sa kaniyang akala. Mas naramdaman din niya ang pagmamahal at pag-aalaga sa kaniya nito na naging dahilan upang mas lalo din niyang mahalin.

Nagmumuni-muni pa siya nang biglang narinig ang ugong ng sasakyan na papasok sa loob ng bakuran. Napatayo siya at agad na sumilip sa veranda.

"Si Anthony." aniyang abot taenga ang ngiti nang mapagsino ang dumating.

Nagmamadali siyang bumaba sa hagdanan upang salubungin ito.

Samantala, nanlalamig ang katawan na parang kinabahan si Anthony, na agad din naman hinanap ang dalaga.

"Love! Love..." tawag nito.

Papasok palang ay nakita na nito ang dalaga na nakangiting sumasalubong sa kaniya.

"Hi love! Buti at umuwi ka. Namiss agad kita." aniya sabay yakap dito na sinundan ng smack kiss sa lips.

"I love you too, sobra." wika ng binata na bigla nalang nangilid ang luha.

"Love, bakit? May problema ba? May nangyari bang hindi maganda sa kompanya?" nababahalang tanong niya rito at pinahid niya ng kamay ang nangilid na luha sa mata nito.

"Wala love. Namiss lang din kita." sagot ni Anthony. At ganun nalang ang pagyakap ng mahigpit sa dalaga. Sa sobrang higpit nun ay para bang ayaw na niya ito pakawalan pa. Which is, yun naman talaga ang gusto niya. Ayaw niyang mawala ito sa buhay niya.

Sa higpit pa ng pagkakayakap ay halos mapisa na ang katawan ni Mia.

"Love, saglit lang...hindi ako makahinga?" kuyari'y alma niya.

"I'm sorry love. Honestly, namiss din kita, ikaw tsaka yang amoy mo." anito na bahagyang napanatag na ang kalooban.

"Hmm... Teka, halika ka muna sa kwarto at ng makapagpalit ka muna ng damit. Para ka kasing napalaban ng gera, gusot na gusot ang suot mo." pag-iiba ng dalaga at hinila ito paakyat sa taas.

Nang papasok palang sila sa loob ng silid, bigla siyang binuhat ni Anthony.

"Love naman...ibaba mo na ako." malumanay niyang sabi rito.

"Opo. Heto na po, ibababa na." tugon ng binata at dahan-dahan nga nito iyon inilapag pahiga sa kama.
Pagkatapos ay tumabi siya dito at muling niyakap ang katawan ng dalaga, saka inihilig ang kaniyang ulo sa dibdib.

"I love you, love." anas na sabi nito.

Nararamdaman naman ni Mia, na may something sa binata. Na parang may gusto ito sabihin sa kaniya.

"Love, magtapat ka nga sa akin. May problema kang hindi sinasabi sa 'kin 'no?!" usisa niya rito.

Pero hindi agad siya sinagot ng binata. Ilan minuto din katahimikan, bago ito nagsalita.

"Love, i'm so sorry. May kasalanan ako sa 'yo." wika nito.

Bigla naman kumabog ang dibdib ng dalaga. At naramdaman iyon ni Anthony dahil dinig na dinig niya ang sunod sunod na tibok ng puso niyon habang nakahilig siya dito.

"K-kasalanan?! A-anong kasalanan mo sa akin?" nauutal niyang tanong.

Nag-angat muna ng ulo ang binata saka matamang tumingin sa mata ng kaharap. Pagkatapos ay bahagyang itinaas ang kalahati ng katawan para maisandal ang ulo sa headbord ng kamang higaan. Ginaya naman siya ng dalaga at pasandal silang nakaupo sa kama.

"Love, ano ba kasi 'yun?" tanong niya.

"Love, sana wag ka magagalit sa akin. Huwag mo muna ako huhusgahan pag ipinagtapat ko na sa 'yo ang totoo. Nadala lang ako sa bugso ng katawan, pero hindi ko naman talaga ginusto 'yun." malumanay nitong sabi.

"Love, diretsahin mo na kasi. Kung wala naman ako dapat igalit, bakit ako magagalit sa 'yo? At kung anuman yan, iintindihin parin kita." malumanay din tugon ng dalaga na kahit nag-aalala ay nagawa parin ngumiti upang ipakita sa binata na hindi siya magagalit dito.

Pagkasabi ngang iyon ay don na tuluyang lumaglag ang luha ni Anthony.

"Love, patawad. Muntik na kanina may nangyari sa amin ni Michelle. Hindi ko naman sinasadya iyon. Pinaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya, na humihingi siya ng pasensya sa nangyari kaninang umaga dito sa bahay. Akala ko totoong tanggap na niya na hindi siya ang mahal ko, pero yun pala may binabalak siyang masama. Inakit niya ako at muntikan na niyang nagawa ang gusto niya. Pero buti nalang, natauhan din ako at agad ko siyang napigilan. Love, sorry...hindi ko gustong lokohin ka kaya ngayon palang, sinabi ko na agad ang totoo. Mahal na mahal kita at mula nang makilala kita, sa iyo na imikot ang mundo. Hindi na ako naghangad pa ng iba dahil kontento na ko sa 'yo. Kung magagalit ka sa akin ngayon, naiintindihan ko, pero sana patawarin mo ako." litanya nitong halos hindi makatingin ng diretso sa mata ng dalaga.

Ngayon lang siya lumuha ng ganun. Sa mismong harapan ng nagiisang babae na minamahal niya. Yung pakiramdam na nagpapakatotoo siya sa kaniyang nararamdaman. Na nagawa niyang magsabi dahil ayaw niyang may itinatago siya sa dalaga. 

Pagkatapos na marinig ang paliwanag, walang imik na niyakap ni Mia ang binata, saka siya nagpakawala ng malalim na hininga.

Maya-maya ay hinarap niya ito saka hinawakan at sinapo ng kaniyang kamay ang magkabilang pisngi nito. Pinahid ang luha. Pumikit ng bahagya sabay dampi ng halik sa labi. Ilan saglit lang at muli itong nagmulat ng mata, kasabay niyon ay sumilay ang isang maganda at matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

Akala ng binata, magagalit ito sa kaniya. Ngunit kabaligtaran lang pala nang iniisip niya.

"Salamat, love sa pagiging honest mo sa akin. Dahil diyan, alam mo bang mas lalo mo pa ako napahanga, napabilib na talagang mahal mo ako. Kaya naman, wala akong karapatan para magalit sa 'yo dahil nararamdaman ko na nagsasabi ka ng totoo. At yung Michelle na yun, wag lang talaga siya magpapakita sa akin, kundi makakatikim siya ng hindi maganda. Humanda talaga siya sa akin. Hindi na nahiya sa kalandian niya." aniyang hindi maitago ang nasa loob.

"Love, ipaubaya mo na siya sa akin. Pag inulit uli niya 'yun, ipapupulis ko na siya. Ang importante sa akin ngayon ay maayus tayo. Na walang problema. Mahal na mahal kita." wika ng binata.

"Ahh basta, pag nagkita kami...sorry nalang siya." wika ng dalagang animoy bata na nagbabanta.

"i love you." sabay sabi ng binata sa kaniya.

"I love you too..." malumanay namang tugon niya.

Hanggang sa nang mga oras na iyon ay bigla silang nakaramdam  ng pagkasabik sa isa't-isa. Ang palitan nila ng matamis na salita, ay nauwi sa isang mainit na namang tagpo. Hanggang sa namalayan nalang nila na kapwa hubo't hubad na ang kanilang mga katawan .

😍😍😍

***

❤❤❤



Ayieeeee... Bakbakan na naman sila. Hahaha. Tunay naman ngang masarap makipag love making sa taong mahal mo na alam mong mahal ka rin niya. Isa pa, masarap maging tapat sa minamahal.
Enjoy reading. mwuahh!!! 😘

(COMPLETED) PARTNER IN BEDWhere stories live. Discover now