CHAPTER 25

5.3K 115 6
                                    


PARTNER IN BED

❤❤❤




KINABUKASAN ay maaga silang nagising.

"Good morning love ko." nakangiting bati ni Anthony sa dalaga. Sabay halik sa labi.
"Mwauhh!"

"Good morning din, i love you." tugon naman ni Mia.

"Love, may lakad ba tayo ngayon?" nakangiting tanong nito.

"Oo love. Sasamahan tayo nina tatay at nanay na pumunta sa munisipyo. Kukuha tayo ng sinomar kasi kailangan yun bago ang kasal. Pagkatapos ay pupunta din tayo sa simbahan para magpaschedule. Aattend din tayo ng wedding seminar pero ask muna natin kung kelan?" wika ng dalaga.

"Hmm, marami pa palang dapat asikasuhin. Pero okay lang love, sigurado naman na ako na ikaw na talaga ang magiging Mrs ko."

"Aba oo naman love. Kaya bumangon na tayo para makapagprepare na."

"Okay Love, sinabi mo eh."

Nang sabay silang bumangon, pagtayu ni Mia, bigla siyang nakaramdam ng pangangasim ng sekmura. Nag-iba ang awra ng mukha niya.

"Love, p-parang masu-su---" at hindi na nga naituloy ang sasabihin ng bigla siyang magduduwal. Parang may gustong lumabas sa kaniyang bibig.

Nataranyta bigla si Anthony.

"Love, love... Okay ka lang ba." anitong napahawak at kinalung ang dalaga at hinaplos ang likuran nito.

"Love, gusto ko sumuka." aniya at ng pakiramdam ay may lalabas, nagmamadali siyang pumanaog at patakbong tinungo ang lababo.

Nag-alalang nakasunod dito si Anthony. Namumutla na siya sa takot. Hindi niya alam ang gagawin lalo ng makita ang hitsura ng minamahal na parang nahihirapan sa kalagayan.

"Love---"

Habang panay naman ang duwal ng dalaga, hindi maiwasan tumulo ang sipon at luha niya.

Maya-maya'y nadatnan sila ni Aling Mila kasama ang dalawang kasambahay ni Anthony na nun ay kararating lang galing sa talipapa na may mga bitbit na prutas, gulay at isda.

"Mia, sige lang. Kung sa pakiramdam mo ay may isusuka ka, ilabas mo lang 'yan. Normal lang naman sa kagaya mong nagbubuntis ang magkaganyan na sa tuwing umaga ay makakaramdam ka ng pangangasim ng sikmura." wika ng ni Aling Mila sa anak.

" 'Nay, hindi po ba makakasama kay Mia at sa baby namin." pag-aalala na tanong ng binata na panay parin ang haplos sa likud ng minamahal.

"Hindi sir! Ganyan po talaga kapag naglilihi." sabat naman ni Manang Bebeng.

Hindi rin naman nagtagal at medyo umokey na ang pakiramdam ni Mia.
Nangangatog lang ang kaniyang tuhod kung kaya't napakapit siya ng bahagya sa braso ng binata, na maagap din naman siya nito inalalayan.

"Love, okay ka na ba?! Kumusta ang pakiramdam mo?" anito.

"Medyo masama lang ng kaunti ang lasa ko love, upo muna tayo, parang nahihilo ako."sagot niya.

At inalalayan nga siya nito upang makaupo sandali.

"Manang, pwedeng pahingi muna ng isang basong tubig." utos ni Anthony.

"Okay,sir!"

Si Aling Mila naman ay kumuha ng vicks at ipinaamoy sa dalaga upang kahit paano ay maibsan ang masamang pakiramdam nito.

"Sir, heto na po ang tubig." ani Aling Bebeng ng iabot sa amo.

"Salamat."  saka pinainom ni Anthony ang dalaga.

Nang makalagok iyon ng tubig, medyo nag-iba ang pakiramdam. Nakatulong din ang vicks na binigay ng Ginang.

"Mamaya, mawawala narin 'yan. Magpahinga ka muna at huwag biglain ang sarili." paalala ng Ina.

"Oho Inay, salamat." tugon ni Mia, saka binalingan ang kanina pa nag-aalalang binata. "Love, hitsura mo ohh. Okay na ako. Siguro nga tama si Inay na dahil sa pagbubuntis ko 'toh." malumanay niyang sabi.

"Sigurado ka love ha. Nag-aalala ako sa kalagayan mo. Kung pwede lang sana, ako nalang maglihi at magbuntis. Kahit ako nalang ang mahirapan, 'wag lang ikaw." madamdaming wika saad nito.

Nagkatinginan naman sina aling Mila at Manang Bebeng nang marinig ang sinabi ni Anthony. Hindi maiwasang mapangiti sila.

"Love, inisip mo talaga 'yan?" tanong ni Mia.

"Oo love. Pwede nga lang diba, bakit hindi." malumanay na tugon ng binata.

"Hmm," at nginitian lang nito ang binata saka niyakap ng mahigpit.

"Ohh sya maiwan na muna namin kayo, aasikasuhin muna yung mga pinamili namin kanina." pag-iiba ni Aling Mila nang matiyak na okay na ang anak.

"Sige po 'Nay, maraming salamat." sagot ni Anthony.

"Nga pala, bago ko makalimutan, kung maganda na ang pakiramdam ni Mia, kahit mamayang hapon nalang tayo lumakad para lakadin yung mga papel ninyo para sa kasal. Madali lang naman 'yun." paalala ng Ginang.

"Sige po Inay." magkasabay na tugon ng dalawa.

Nang maiwan ay saka ipinasya ng dalawa na bumalik muna sa silid.

"Love, magpahinga kana muna dito ha. Ikukuha lang kita ng breakfast mo para makapag-almusal na kayo ni baby. Teka ano palang gusto mo kainin?" tanong ng binata.

"Ikaw?!"

"Huh?!" gulat na tanong nito.

"Nanlalaki ang mata oh. Hahaha." sabay tawa ni Mia ng malakas.

"Love ha, 'wag mo ko pinagtitripan. Kahit ganyan ang sitwasyon mo, titirahin talaga kita." pabirong sabi nito.

"Tse!" aniyang pinandilatan ito ng mata.

"Hahaha, ang cute mo parin love kahit umiirap ka."

"Sus! Alam ko. Hmm, love parang gusto ko ng buko." pag-iiba niya.

"Buko?! Pero magbreakfast ka muna kahit tinapay at gatas, okay. Wait, dadalahan kita dito ha. Mamaya na ang buko, okay." wika ng binata.

"Love, buko ang gusto ko...please!"

"Huh?! Ngayon na ba?"

"Opo. Magpasama ka kay Tatay, marami sa bukid nun. Sige na love, please! Sige ka, mamaya niyan magwala si baby sa tiyan ko." kunyari'y pananakot niya rito.

"O-oo na love kukuha na 'ko ng buko. Di-dito ka lang muna ha. Babalikan agad kita. At pagbalik ko may bitbit na ako buko." natatarantang sabi ni Anthony.

"Okay love. Salamat!"

"Wala yun love. Basta para sa inyo ni baby." nakangiting sabi nito saka namaalam.

Nang makaalis ang binata, nakangiting nakatanaw siya sa bintana. Napabuntong hininga saka, marahan hinaplos ang tiyan.

"Kay bilis ng panahon, dati panay ang tanggi ko sa kaniya. Pero ngayon, heto at magkakababy na kami at malapit narin maging isang pamilya. Salamat love. Napakaswerte ko talaga dahil ikaw ang lalaking nakilala ko. Akala ko nung una, sex at katawan ko lang ang habol mo sa akin. Pero nagkamali pala ako. Pinatuyan mo sa akin na mahal mo ako. Mabuti nalang din at hindi ako basta-basta naniwala sa pinagsasabi ni Michelle tungkol sa iyo. Na baka kapag nagsawa ka na sa akin, ay iwan mo rin ako gaya ng ginagawa mo sa ibang mga babae na nakikilala mo. Pasalamat nalang din ako dahil mas nanaig ang paniniwala ko sa'yo kesa sa sinasabi ng iba. At ngayon, mas lalo ko pang napatunayan sa sarili ko na hindi ako nagkamali. Alam ko kung gaano mo ako kamahal, lalo na ngayon na magkakaanak na tayo. Hindi-hindi kita bibiguin love. Susuklian ko rin ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. At sana nga, wala ng katapusan ito. Na sana kahit sa pagtanda natin, mawala man ang sex life natin, mahal parin natin ang isa't-isa. Mahal na mahal kita love." aniyang kinakausap ang sarili.

Makaraan ang ilan saglit, biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Sa pag-aakalang ang minamahal ang natawag ay sinagot kaagad niya ito.

"Hello...love." aniya

"Hello my dear Mia, how are you?" wika ng isang hindi pamilyar na tinig.

"Sino 'toh?!" kunot na tanong niya sabay tingin sa sceen ng cellphone niya. Unknown name kaya hindi niya makilala.

"Hmm, ang bilis mo naman makalimot. Porket ikakasal ka na daw?" wika pa ng boses babae sa kabilang linya.

"Excuse me, kung hindi ka magpapakilala, i-o-off ko 'tong cp ko." sabi niya.

"Oh talaga? Hmm, alam kong kilala mo ako, pero 'wag kang mag-alala, hindi naman ako masamang tao. Gusto ko lang paalalahanan ka na mag-iingat ka sa lalaking pakakasalan mo. Marami ka pang hindi alam tungkol sa kaniya. Kaya bago pa mahuli ang lahat, kilalanin mo pa siya ng maigi. Kung gusto mo ng tulong, handa ako na tulungan ka. Sabihin mo lang." litanya ng nasa kabilang linya.

"Kung sino ka man na walang magawa sa buhay mo, pwede ba...manahimik ka nalang. Hindi ako tanga para maniwala sa isang tao na hindi ko naman kilala. At kahit ano pang sabihin mo na kasinungalinan tungkol kay Anthony, hindi ako maniniwala sa 'yo dahil mas naniniwala ako sa kaniya." mariing sabi ng dalaga sa kausap.

"Ganon ba? Okay fine! Hindi naman kita pinipilit na maniwala agad sa mga sinasabi ko. Ang sa akin lang naman ay nagmamagandang loob lang ako sa iyo. So kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko, bakit hindi mo i-check ang facebook account niya nang malaman mo ang totoo?" anang babae.

"F-facebook?! A-anong facebook?" tila nauutal niyang tanong.

"Facebook hindi mo alam? Oh come on dear, mukhang napag-iiwanan ka na ng panahon." pang-iinsulto ng babae.

"Anong facebook ba ang pinagsasabi mo? Sa pagkakaalam ko, hindi mahilig sa facebook si Anthony. Isa pa wala siyang facebook kaya 'wag mo akong pinaglololoko." inis na sabi ni Mia. Kung kaharap lang niya ang kausap, malamang kanina pa niya iyon sinabunutan.

"Oh really?! Hmm, mukhang wala ka ngang kaalam alam. Bakit hindi mo subukan tingnan at ng malaman mo ang sinasabi ko. I search mo name ni Athony at makikita mo agad profile picture niya na may kayakap na ibang babae. Makikita mo doon na parang ang saya saya nila sa isa't-isa. Kung hindi ka pa maniwala, tanungin mo mismo si Anthony. Hmm malamang hindi yun aamin, eh ganun naman talaga ang mga lalaki, kahit huling huli na, hindi parin sila aamin sa kalokohan nila." giit pang sabi ng babae.

Sa mga narinig ni Mia, parang sasabog siya sa galit. Sa galit dahil sa mga pinagsasabi nang babaeng kausap. Hanggang sa biglang pumasok sa isip niya si Michelle.

"Well kung totoo man lahat ng mga sinasabi mo, ano naman ngayon. Sa palagay mo ba basta-basta ko nalang hihiwalayan at aawayin ang lalaking pinaparatangan mo ng ganiyan. Mahal ko si Anthony kaya hindi ako tanga para maniwala sa 'yo. At isa pa miss, bitter ka ba? Kasi daig mo pa ang ampalaya sa ka bitteran mo. Siguro isa ka doon sa mga babaeng iniwan din dati ni Anthony 'noh? Kaya ngayon, galit ka sa kaniya dahil alam mo na may babae na siyang sineryoso at ngayo'y pakakasalan na. Isa pa pala, sa tingin ko kung totoo man yang sinasabi mo na may kasama siyang babae sa picture sa facebook, malamang gagawa gawa mo lang din iyon para nga naman maging mukhang makatotohanan at mapaniwala mo ako. Puwes, sorry ka nalang miss. Hindi ako ang tipo ng babae na basta basta nalang magpapapaniwala sa mga pinagsasabi mo. At pwede ba, sa susunod na tatawag ka, galing-galingan mo naman pag-iimbento mo baka sakali mapaniwala mo ako. Ay take note, hindi nga pala ako naniniwala sa mga baliw at tangang strangers na kagaya mo. Bwuset!" mahabang litanya niya at sa galit hindi na niya binigyan ng pagkakataon na magsalita pa iyon sapagkat mabilis din niya pinatay ang cellphone.

Nanglalamig ang buong katawan at nanginginig siya sa galit. Pero pilit din naman na kinalma ang sarili.

Maya-maya muling sumagi sa isapan niya ang mga pinagsasabi ng babaeng iyon hanggang sa namalayan nalang ang sarili na tumutulo na pala ang kaniyang luha.

Hindi tuloy namalayan ng dalaga ang pagdating nang minamahal.

"Love, heto ang buko mo?" masayang wika ni Anthony, ngunit ang kasiyahang iyon ay nawala din bigla nang makita niya si Mia na umiiyak at namumula ang mata.

"Love, anong nangyari sa 'yo, bakit ka umiiyak? Sinu-sino ang gumawa nito sa 'yo?" malakas niyang sabi. Pakiramdaman nito'y may hindi magandang nangyari sa dalaga dahil iba ang tingin nito sa kaniya na labis naman niyang ipagnaalala.

Hanggang sa napayakap siya ng mahigpit at pilit na inalo ito.

"Anthony, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ko na niloloko  mo lang din ako." humihikbi sabi ni Mia.

"Niloloko?! I-ikaw lolokohin ko?! Love, sumusumpa ako sa harapan mo, hinding hindi mangyayari yun, at hindi ko gagawin sa 'yo yan. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko, alam mo 'yan. Kung lolokohin kita sana noon pa matagal na kitang iniwan. Love, please maniwala ka sa akin...mahal na mahal kita." wika ni Anthony na halos lumuhod na sa harapan ng dalaga. Kung anuman at saan ang pinanggalingan ng mga tanong na iyon ng dalaga, isa lang ang masasabi niya, kailanman ay hindi nito lolokohin at sasaktan ang minamahal.

Matapos sabihin ang katagang iyon, mahigpit din yumakap si Mia sa minamahal. "Oo love, naniniwala naman ako sa 'yo eh. Huhuhu" aniya hanggang sa hindi na napigilan ang sarili at napahagulhol siyang bigla.

_____

😢😢😢

Kahit gaano man karami ang gustong sumira sa pagmamahalan ng dalawang tao, basta't may tiwala at pagmamahalan ang isa't isa, hinding hindi ito matitibag ng kahit sino man. Ang peste, mananatili silang salot, pero ang totoong pag-ibig, kahit ilang salot pa ang dumating, mas lalong titibay at tatag ang pagmamahalan na harapin ang lahat ng salot sa kanilang buhay.
Ganiyan sina Mia at Anthony sa kwentong ito. Nung natagpuan nila ang love sa isat isa, wala ng pwede makasira sa kanila. Sana kayo din Adixian's. Kapag natagpuan niyo na si pag-ibif, wag nang pakawalan pa. Hindi ka man naniniwala sa forever, may forlife naman na pwede mong pagkatiwalaan. 😊😊😊 hehehe. Bukas po ulit, ang mas exciting pa na tagpo.



(COMPLETED) PARTNER IN BEDWhere stories live. Discover now