"Gago! Ang dami mong alam..author ka ba nito?" Sagot ko na lang dito



Kagaya nga nang sinabi niya ay wala na akong nagawa kung hindi manuod sa ginagawa niyang pagluluto. Nakakabilib din tong isang ito eh, ang daming alam lutuin at mukhang sanay na sanay pa, siguro isa siyang Masterchef at hinahanap niya lang ang sikretong sangkap na makikita lang sa barangay namin. Takte nabaliw na naman ako! After maluto siya medyo garapal ang mga kapatid ko at nauna pang kumain sa amin,tuwang tuwa naman si Cen dahil puro papuri ang natanggap niya mula sa luto niya. Hindi ko na rin naman idedeny na talaga nga namang masarap at may ipinaglalaban ang luto ni Cen, nanapak yung lasa eh.



"May lakad ka ba ngayon?" Tanong nito habang nasa sala kami busyng nanunuod ng ASAP



"Wala naman. Pero gapang meron ako hahahaha" Sagot ko habang tutok pa rin ako kay Morissette na binabatan ang kantang Crazy in Love ni Beyonce.




"Date tayo?" Bulong nito kaya tumingin din ako sa kanya ng seryoso



"Date tayo oo, ikaw at ako..." rap ko sana sa kantang Gayuma nang bigla itong sumimangot



"Tsanggala naman Onse eh. Seryoso nga, labas naman tayo. Magiisang linggo na tayong magsyota eh, gusto ko sanang magsimba kasama ka" nakasumangot nitong sabi dahilan para pitikin ko ang ilong nito.



"Tangina sa simbahan mo pa ako lalandiin eh! Kilala kita Cen!" Sabi ko dito



"Ulul! Hindi ako ganun noh! Sige na bilis na,simba lang tayo" pilit pa nito



"Oo na. Sige uwi ka na muna,maliligo at magbibihis lang ako" sabi ko dito habang tinutulak ko siya palabas ng bahay.



"Sabay na lang kaya tayo? Para mapractice naman natin yung dapat mapractice pag mag-asawa na tayo" nakangisng-aso nitong sabi sa akin




"Ulul! Magpractice ka mag-isa mo! Uwi ka na nga doon baka bigwasan pa kitang hayop ka!" Taboy ko dito na sinagot na lang nito ng kindat.




Hindi na rin ako naginarte pa at kaagad na din akong naligo. Ewan ko ba bakit parang excited na excited ako ngayon eh dati naman yamot na yamot akong lumabas dahil tiyak na malalagasan na naman ako ng pera. Para tuloy akong gagi habang naliligo dahil hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Aruy! In love na si dodong!



Dahil hapon na din naman ay isang maikling cargo shorts at gray polo ang napili konh suotin. Basta alam niyo na yun! Yung uso ngayon na pinartneran ko na lang nh topsider para kunwari galing ako sa mayamang pamilya. Hahaha kapal! Patapos na akong maghanda ng dumating si Cen sa bahay na nakasuot ng simpleng V-neck white shirt at ripped jeans na sinira pa ata ni wolverine.



"Tara na?" Tanong ko dito pero nakatingin lang sa akin si gago




"Bat nakashorts ka?" Seryosong tanong nito


"Mainit kasi eh! Saka hapon na din naman. Tara na bilis gagabihin tayo eh!" Sagot ko dito pero ayaw pa rin nitong umalis.




Daig pa ang pulis nito kung makainspeksyon sa akin dahil inikutan pa ako ni gago.



"Takte ano na!?" Yamot kong tanong dito dahil inip na inip na ako.




"Hindi pwede. Sinong nagsabi sayong magshorts ka? Saka Onse shorts na nga yan tinupi mo pa, eh di sana nagboxer shorts ka na lang!" Inis din nitong sabi sa akin na ikinagalit ko na.



"Hoy Cen! Tigil-tigilan mo nga yung pangingialam sa suot ko saka bakit ba ang dami mong tanong sa suot ko? Fashion quiz bee ba ito?!" Singhal ko dito




"Onse nagaalala lang ako sayo. Baka mabastos ka ng mga pamintang manyak diyan! Hindi mo kasi alam eh!" Sabi naman nito



"Lalaki pa rin ako Cen ha! Kakaltukan kita eh! Saka anong hindi ko alam! Alam ko ..." galit ko pa ring sabi dito




"Onse! Hindi mo alam! Ang laki ng likuran mo at kahit na sinong lalaking may bahid ng pagkaberde maaakit sayo! Ako nga nastraight tinatamaan eh! Tangina bakit kasi ganyan yan katambok!" Inis nitong sagot sa akin na ikinalaki ng mata ko. Ano?!!




"Gago ka ha! Minamanyak mo akong hayop ka ha!" Sabi ko dito sabay suntok sa braso niya.





"Hindi! Hindi! Onse sinasabi ko lang. kaya nga gusto konh magbihis ka dahil ayokong tignan ka ng may pagnanasa ng mga lalaki eh. Saka hindi kita mamanyakin...yun ang huling bagay na gusto ko gawin sayo" sinsero nitong sabi kaya medyo natameme naman ako.


====================

Enjoy!

Takte Mahal KitaOnde histórias criam vida. Descubra agora