Chapter [78]

6.2K 164 14
                                    

Chapter [78] - Address

Napahilot ako ng sentido dahil sa biglaang pagbabalita na buntis na siya. Tsk.

Halos limang taon siya sa ibang bansa at ang humahawak bilang Dean sa Monteverde School ay si Ate Jam.

"Gulat ka ata? Hmmm.. Tara, Kain muna tayo sa Jollibee," pag-aya sa akin ni Ate at naglakad at hinanap kung saan ang Jollibee.

Napailing-iling nalang ako at agad na sumunod sa kanya. "Welcome back pala in Philippines, I forgot to tell you that," sabi ko habang nasa pila kami.

"Nah! That's fine. Sanay naman ako na late ka na mag-greet," sagot niya habang nakatingin sa menus.

"Kasi late ka rin mag-balita," sagot ko pabalik kaya napatingin siya sa akin at napataas ng kilay.

"Ako pa ngayon sinisisi mo? Hmp! Mag-hanap ka na nga lang ng mauupuan baka masapak pa kita diyan."

"Tsk. Amazona," pinag-krus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at umalis sa pila para mag-hanap ng mauupuan at nakahanap ako ng magandang pwesto at doon inantay si Ate.

Inilabas ko ang phone ko at nag-scroll muna sa group chat namin ng Silver Wolf.

Me: Good f*cking morning.

Jake: ...

Me: ...

Jake: Xander! Where are you? I'm at your condo.

Me: Airport

Jake: Why? You're going out of town?

Me: Ate Alexa is here.

Jake: Alright. Talk to you later, Bro.

Me: K.

"Hey Alexis, I'm here!"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pangalan na iyon. Nakita ko ang isang babaeng nakasimangot sa direksyon ko at nag-lakad palapit sa akin.

Pero akala ko lang 'yun dahil nilagpasan lang ako nito at umupo sa kasunod ng table ko at napatitig naman ako sa mukha niya pero tumigil ito sa bughaw nitong mga mata.

Parehang-pareha sila ni Nerd pero itim ang mata nito at may suot na malaking salamin habang siya ay may bughaw na mga mata at walang salamin at nakasuot pa ng mamahalin na damit.

"Cloud, the time is running. I need to go. Lolo is waiting me to call him before we stay at your condo."

"No need, Sweetheart. I already called your grandfather and he told me that you should be careful."

"Don't sweetheart me, Ulap."

Umiwas ako ng tingin nang lumingon ang nag-ngangalang Alexis sa akin. Siguro naramdaman na niya ang matagal kong pagtitig at pakikinig sa pag-uusap nila kaya napalingon na siya sa direksyon ko.

Saktong dumating na si Ate Alexa dala ang mga inorder niya, umupo na ito kaharap ko at ngumiti sa akin ng tipid.

"Kukuha lang ako ng straw at mag-huhugas na rin ng kamay," sabi nito at umalis ulit.

Sinilip ko ang relo ko at napabuga nalang sa hangin. Hindi ko na inantay ang straw ni Ate Alexa at agad na nilagok ang isang basong malamig na tubig.

Napangiwi ako sa lasa. Mas gusto ko pang uminom ng alak at humithit ng sigarilyo kaya uminom ng simpleng tubig.

Dumating agad si Ate Alexa dala ang dalawang straw at naupo. "Let's eat?" tanong niya at tumango naman ako at nagsimula ng kumagat sa hamburger.

Tumigil ako ng biglang may batang lalaki na tumatakbo patungo sa lamesa namin at ng lumagpas ito ay agad na nilingon ko ito.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon