Tila 'di rin naman ako nararamdaman ng mga tao rito kaya malaya kong nahanap ang pinto na siyang hinahanap ko kanina pa. Ngunit mukhang imposible kong mapapasok ito dahil sa mga taong nagtatrabaho sa loob.

Hindi na rin ako gumawa ng kakaibang mosyon para hindi nila ako maramdaman. Saka ko napagpasyahan na iwan ang nanodrone sa gilid ng pader na harap ng kwartong 'to. Lumabas na rin ako agad saka tinuloy ang plano ko.

"Calling for everyone's attention. All of the students must attend the urgent assembly at the HCU Main Hall."

"Calling for everyone's attention. All of the students must attend the urgent assembly at the HCU Main Hall."

"Calling for everyone's attention. All of the students must attend the urgent assembly at the HCU Main Hall."

Paulit-ulit na anunsyo na galing sa speaker na nagkalat sa paligid ng campus. Nasa waiting shed na ako at hindi ko pa tuluyang nalilibot ang silid na pinasukan ng drone ko.

Kinalauna'y napagpasyahan ko na i-deactivate muna sa itaas ng isang locker ang drone bago ako nakasakay sa isang van.

Mukhang hindi lang ako 'yung curious sa kung ano ang pag-uusapan sa umagang ito. Narinig ko kasi ang bulungan nang iba rito sa loob ng van. Hindi na kami inihinto sa dapat na babaan namin at idineretso na kami sa mismong hall marahil siguro sa anunsyo. 

Marami na kaming naabutan na estudyante sa loob ng hall. 'Yung student council naman ay nagfafacilitate at hiniwalay na kami per class. Kaya hindi magulo ang aming pagkakapila ngayon.

Pansin ko pa ang ibang estudyante na nakapangtulog pa. 'Yung iba parang kamumulat lang ng mata mula sa mahimbing na pagtulog.

"Today is reserved for the HCU's Intelligence Over Strength of Youth Examination."

Bulungan ang tuluyang namayani sa paligid nang ianunsyo ito ng kung sino'ng nasa likod ng mikropono. Hindi lang kaming mga estudyante ang nagtataka sa anunsyong ipinahayag nito ngunit pati na rin ang aming mga guro.

"One of the preparations for the progressive development of the country. 2020 Mission."

"Are they going to disclose the government's mission?"

"Oo nga, 'di pa nga pala nila nilalabas 'yung plano."

This announcement was repeated twice before it suddenly fades. 

"Magandang umaga, HCU!" Hindi nabigo ang taong nagsalita sa mikropono sa pangunguha ng atensyon naming lahat. Mag-isa lamang ang lalaking ito na nakatayo sa gitna ng stage. Hindi pamilyar ang mukha nito sa'kin at base sa bulong ng mga kaklase ko ay hindi rin nila ito kilala. 

"Naintindihan n'yo naman na siguro 'yung announcement? But before the written examination, magkakaroon muna tayo ng brief orientation before proceeding sa agenda natin." 

"First and foremost, this examination has nothing to do with your grades, students. Ang coverage lang naman ay walang science at mahihirap na mathematical problems. Specifically, ito ay IQ and EQ test."

"NGUNIT, ang test result ang magsasabi ng inyong hinaharap. Kaya dapat seryosohin n'yo ang magiging sagot sa bawat numero dahil mahalaga ang bawat puntos."

"Magkakaroon na tayo ng class division na nakabase sa ranks n'yo. Kaya walang exemption; anak ka man ng kung sino, lahat mag te-take."

"Tinatanong n'yo na siguro sa sarili n'yo kung para sa'n nga ba ito at kung pa'no 'tong makatutulong sa 2020 Mission ng ating bansa. Ang maaari ko lang na mai-disclose bilang tagapagsalita ng pangulo ay 'yung planong reformation ng ating pamahalaan. Sa ngayon, wala munang ibang detalye ang maibababa dahil kasalukuyan pang naghahanda ang mga kinatawan ng gobyerno para sa malaking planong ito."

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now