"Ly, I'm serious please lang magusap tayo. Go and take a rest babe. Mag-ingat ka dyan."



"Okay, ikaw din ingat ka dyan." Pinatay ko kaagad ang tawag.



"Damn it! Kiefer!" Sabi ko na napapadyak pa. Sa 3 years na nakilala ko si kiefer hindi pa din mawala yung kilig ko kapag tinatawag niya kong babe.


"Get hold of yourself, Alyssa. Huwag kang masyadong kiligin baka mahulog ka pa." Sa isip ko. Kiefer is man of few words kaya yung mga simple niyang sinasabi na katulad nito talagang hindi ko maiwasan na kiligin.



"Alyssa? Ano? Tara na gutom na din ako eh." Sabi ni ate Chiena sabay kaway sa akin.



"Calm the fck down, Ly! Ikaw may ang gusto na ayusin na ang divorce niyo."


Naglakad ako papunta sa manager ko sabay pasok sa kotse at napapikit na lang.


"Sino ba yung kausap mo sa phone? Bakit namumula ka? Sa galit ba yan or sa kilig?" Sabi niya sabay instruct sa driver niya kung saan kami pupunta. "Taray! Dalaga ka na nga yata talaga Ly, marunong ka ng lumandi ngayon ha." Sabi niya sabay sundot sa tagiliran mo.



"Ate chie, may jet lag pa ko. Tigilan mo ko ha." Sabi ko sabay lagay ng earphones.



"Sungit mo, Ly. Dibale malalaman ko din kung sino yang nagpapatibok ng puso mo."

———

KIEFER

Nahampas ko ang manibela ng sasakyan ko pagkababa ko ng phone kakatapos lang namin mag-usap ni Alyssa at naiinis na ko ng sobra.




"Damn it! Nakakainis! Hindi ako papayag na ikaw pa din magdesisyon ngayon para sa atin. It's time to let you know kung sino talaga ang masusunod sa ating dalawa, Alyssa." Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang abogado ko.

"Attorney this is Kiefer, if you receive the divorce papers please throw it already I don't have plans to sign that sht of paper."


"Are you sure, kief? I thought ganito ang usapan niyo ni Alyssa dati na aayusin niyo ang divorce papers?" Sagot sa akin ng abogado ko.



"No, I changed my mind attorney. Wala na kong balak sa divorce na yan." Sagot ko sakanya.


"Oh! Okay! Sige kakausapin ko na din ang abogado niya." Sagot sa akin ng family lawyer namin nahahalata kong naguguluhan na siya.


"Thanks, attorney. And  by the way I hope this one is still our secret" Sabi ko sakanya.

Tumawa naman siya sa kabilang linya. "Of course hijo, this is still our secret, but I am hoping that soon you will let your parents know that you are a married man now."

Tumango ako kahit hindi niya nakikita, pinatay ko na ang tawag.



"Damn that woman! Ikaw lang ang nakakagawa sa akin nito! Nakakainis!" Hinampas ko pa ang manibela at tinignan ko ang phone ko may text si Mama.



"Kiefer, nasan ka na? Hinihintay ka namin lahat dito sa bahay. Nagluto ako ng paborito mo manong. Sana this time umuwi ka na magtatampo ako sayo kapag hindi ka pumunta."


Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis sa condo. Mahirap na pinaghihintay si Mama, katakot takot na sermon ang sasabihin nun mula sa pagkabata ko hanggang ngayon malamang uungkatin niya. At kilala ko kapag nagalit si Mama talagang hindi ka niya papansinin, cold treatment ka sakanya for almost 1 week.


Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now