[ 10 ] Wedding Planner

17.6K 212 36
                                    

Chapter 10: Wedding Planner


"Good morning" bati ni Steffi nang makita na gising na si ZAC

"Anong oras na?"

"6"

"Bakit ang aga mo yata?"


Nagtataka si ZAC kung bakit ang aga aga pa ay bihis na si Steffi at nagaayos na ng sarili para sa pagpasok sa trabaho. Kadalasan kasi ay siya ang unang nagigising para gisingin si Steffi.


"Ngayon dadating sina Mommy. Kailangan ako sa opisina kaya maaga pa akong pupunta doon"

"Bakit hindi mo ako sinabihan para sabay na tayo?"

"Hindi ka naman papasok ngayon hindi ba? Ngayon din dapat tayo makikipagusap dun sa wedding planner pero hindi ako makakapunta kaya kayo na lang ang magkita"

"Hindi ba pwedeng sa susunod na lang para kasama ka?"

"Kailangan na natin ayusin ang mga kailangan. Sige, kailangan ko na umalis. Tatawag na lang ako mamaya"

"Sige, mag-ingat ka hon"

"Oo nga pala. Iniwan ko na na dyan sa lamesa lahat ng hinihingi nung wedding planner. Kayo na lang ang bahala mag-usap. Aalis na ako, I love you Zyril"

"Sige. I love you"


Lumapit si Steffi kay ZAC at hinalikan siya sa pisngi at umalis. Biglaan ang pagdating ng mga magulang niya kaya wala siyang magawa kung hindi pumunta doon. Hindi niya din kasi alam kung anong oras ang dating ng mga ito.


***


"Ma'am Allysa, nandyan na po sila" sabi ng sekretarya niya

"Sige, salamat"


Agad na tumayo si Steffi at lumabas sa opisina niya para salubungin ang mga magulang niya.


"Allysa, you're here. I wasn't expecting you to be here. We missed you" masayang sinabe ng Mommy niya

"Namiss ko din kayo Mommy"

"Let's go out for lunch" pagyayaya ng Daddy niya

"Sige Dad, kunin ko lang yung gamit ko"


Madaling bumalik si Steffi sa opisina niya para kunin ang mga gamit niya pero bago siya lumabas ay tinawagan niya muna si ZAC.


[ Hello ]

"Magkasama na ba kayo ng wedding planner?"

[ Papunta pa lang ako ]

"Ano? Isang oras kang late. Nakakahiya sa kanya"

[ Hayaan mo siya. Binabayaran ko siya ]

"ZAC, baka mamaya hindi ka umayos sa pakikipag-usap sa kanya ah? Tandaan mo, para sa kasal natin ito"

[ Alam ko. Wag ka mag-alala ]

"Sige. Kakarating lang nina Mommy. Aalis muna kami. Magkita na lang tayo sa bahay at doon na tayo mag-usap"

[ Sige. Bye ]


Pinutol ni ZAC ang tawag. Nagtataka si Steffi kung bakit tila ba hindi maganda ang mood ni ZAC. Hindi niya alam na dahil iyon sa ayaw ni ZAC na makipagkita sa wedding planner nila na siya lang mag-isa.


"Allysa, are you ready?" tanong ng Mommy niya

"Yes, Mommy"

"Let's go"


Umalis sila at agad na pumunta sa restaurant kung saan nagpareserve ang mga magulang niya. Agad din silang ipinaghanda ng pagkain pagdating doon. Sobrang abala ang mga magulang niya sa trabaho at alam niya na saglit lang din sila makakapagusap ngayon.


"I heard that your wedding will be next month. How are the preparations going?" tanong ng Mommy niya

"May kakilala si Kim na wedding planner. Kasama siya ni ZAC ngayon para mag-usap tungkol sa kasal namin"

"That's great! I'm looking forward to your wedding. I want it big, okay?"

"Yes, Mommy. We will handle everything"


Natahimik na lang si Steffi at kumain. Hindi niya kasi alam kung ano ang mga pwedeng mangyari sa loob ng isang buwan. Ni hindi niya alam kung maikakasal nga talaga sila ni ZAC lalo na ngayon na nagbabalik si Eric.


***


Sinadya ni ZAC na paghintayin ng matagal ang wedding planner. Maaga din siyang dumating doon pero nanatili lang siya sa loob ng sasakyan kung saan kita niya ang babae. Tuloy tuloy din siyang tinatawagan at tinetext noon pero hindi siya sumasagot dahil gusto niyang inisin ang babae. Nang mapansin niya na inip na inip na ito, doon siya lumabas ng sasakyan at pinuntahan ito.


"Good afternoon Mr. Choi"

"Sorry I'm late. Did you wait for a long time?"

"Oh no, not at all. Please sit down" pagsisinungaling nito


Umupo si ZAC sa harap niya. Nilapitan din sila kaagad ng waiter para kunin ang order nila.


"Mango shake please"

"How about you sir?"

"Hot coffee"

"Okay, I'll be back with your drinks in a while"


Pagkaalis ng waiter ay napansin ni ZAC na panay na naman ang tingin sa kanya ng wedding planner.


"So you like coffee huh?" tanong nito

"Can you go straight to the point miss?"

"ZAC, just call me Rein. Wedding planner niyo ako kaya pwede na hindi tayo masyadong pormal"

"Sige, Rein. Deretso na tayo sa mga pag-uusapan"

"Wala kang pasok ngayon, hindi ba? Sigurado ako na marami kang oras. Bakit ka ba nagmamadali?"

"Not your business"

"Wag mo akong sungitan. Ako ang makakasama niyo ni Steffi hanggang sa kasal niyo. Let's be friends, okay?"


Hinawakan ni Rein ang kamay ni ZAC na nakapatong sa lamesa at saka nginitian ito. Tiningnan lang siya ni ZAC na tila ba nagbabanta.


"May gusto ka ba sakin?" deretsong tanong ni ZAC

"Paano kung mayroon? Anong gagawin mo?"

"Binabalaan kita Rein. Kung ano mang binabalak mo, itigil mo na dahil hindi yan uubra sakin"

"Don't worry, there's none. I just want to be friends with you, that's all"


Tinanggal ni ZAC ang kamay niya na hawak ni Rein. Sakto din na dumating ang waiter na dala ang mga inumin nila. Pagkaiwan doon ay umalis din ito kaagad.


"Maghahanap na lang kami ni Steffi ng iba. Wag ka mag-alala, babayaran pa din kita ng buo"

"Hindi ko kailangan ng pera mo. Kahit hindi mo ako bayaran hindi ako malulugi. Gusto ko lang kayong tulungan dahil kaibigan ko si Kim at engrande ang kasal niyo. Makakatulong sakin ito"

"Sabihin mo na lang na ikaw ang tumulong samin, wala akong pakialam. Maghahanap na lang kami ng iba. Aalis na ako"

"Wait!"


Tumayo si ZAC pero hinabol siya ni Rein at hinawakan siya nito sa braso kaya natigilan siya.


"I'll do it professionally. Business is business. There should be no personal matters"


Hindi nadala si ZAC sa sinabe ni Rain at aalis na talaga siya pero hinila siya ni Rein at niyakap.


"Don't move or I will so something nasty. Steffi is here, she can see us"


Nanlaki ang mata ni ZAC sa narinig at imbis na lumingon ay natigilan siya. Si Rein naman ay nakatingin sa labas kung nasaan nga talaga si Steffi. Malapit lang sa restaurant na kinainan nila ang lugar na iyon kaya naisipan niyang puntahan sina ZAC pero nasorpresa siya sa nakita.


"Now, follow my instructions if you don't want things to get worse. Sit down and give me the papers"

"Nandyan ba talaga siya?"

"Oo. Kung ayaw mo maniwala, lumingon ka para makita mo siya"


Umupo si ZAC at lumingon. Nakita niya doon si Steffi na nakatalikod. Sigurado din siya na si Steffi iyon dahil sa damit at buhok nito.


"Wag ka mag-alala. Sigurado ako na papalagpasin niya lang ito"

"Paano mo nasabi yan?"

"Hindi ko na sasabihin sayo ang dahilan. Manahimik ka lang sa nangyari at hindi ka niya sisitain, sigurado ako dyan. Ibigay mo sakin yung mga pinapabigay ni Steffi"


Kinuha ni ZAC ang ipinapabigay ni Steffi saka iyon tiningnan ni Rein.


"Everything is here. I'll look through it later. For now, you can leave. I'll call you when I need you for the preparations"


Hindi pa tumayo si ZAC at tiningnan lang ng masama si Rein.


"What's the problem? Stop looking at me like that"

"Kapag nag-away kami ni Steffi dahil sayo  mapapatay kita. Sisiguraduhin ko na--"

"Magpatay-malisya ka lang. Kunwari walang nangyari. Sigurado ako na hindi kayo mag-aaway. Kung mag-away man kayo, handa ako sa gagawin mo. Hindi ako takot dahil hindi iyon mangyayari"


Tumayo si ZAC at hinanap sa labas si Steffi pero hindi niya ito nakita. Pagkakita sa kanila ni Steffi na ganun, pinilit niyang umiwas para hindi malaman ni ZAC na nandoon siya. Nang makita niya din na umupo na si ZAC ay madali siyang umalis doon at bumalik sa opisina. Nang nasa lobby siya ay may napansin siya na pamilyar na mukha.


"Faye" mahinang nasabi niya


Agad niyang sinundan ang batang babae na nakita at natigilan siya nang makita kung saan papunta ang batang babae.


"Eric?!" gulat na tanong niya


Nilapitan siya ni Eric at nginitian.


"Yes Steffi, its us. Did you miss us?"

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu