[ 42 ] Kidnapped

8.5K 189 42
                                    

Chapter 42: Kidnapped

"ZAC.."

[ Nagkakagulo na siguro kayo ngayon, ano? Wag ka mag-alala, Faye is in good hands. ]

"Walang hiya ka! Ibalik mo sa 'kin ang anak ko! Kapag may nangyari sa kanya, hinding hindi kita mapapatawad!"

[ Ibabalik ko siya sa 'yo, wag kang mag-alala. Hindi ko naman siya sasaktan eh. Pwera na lang kung.. ]

"Susunod ako sa lahat ng gusto mo! Wag na wag mo lang sasaktan ang anak ko! Gagawin ko ang lahat ibalik mo lang siya sa 'kin nang maayos."

Napangiti si ZAC nang marinig iyon. Tama ang naisip niya na plano para mapasunod sa kagustuhan niya si Steffi. Talaga ngang kahinaan nito ang anak niya.

[ Ayos ka rin naman palang kausap eh. ]

"Anong gusto mong mangyari ngayon?"

[ Magkita tayo.. tayong dalawa lang at wala ng iba. Dadalhin ko ang anak mo at kapag nalaman ko na may kasama kang iba, si Faye ang mananagot. Naiintindihan mo? Ah, nakalimutan ko. Paano pala uuwi ang anak mo kung wala siyang kasama? Sige, isama mo na rin si Jico nang makapagtuos kaming dalawa. Palitan na lang kami. Ibabalik ko kay Jico ang anak niyo at ibabalik ka din ni Jico sa 'kin. Okay ba 'yon? ]

Naririnig ni Kim ang usapan at napapailing na lang siya. Ayaw niya na pumayag si Steffi sa gusto ni ZAC.

'Para sa kaligtasan ng anak ko, gagawin ko ang lahat kahit buhay ko pa ang maging kapalit.'

"Sige, pumapayag na ako."

[ Good! Itetext ko na lang sa 'yo kung saan tayo magkikita at kung kailan ]

"Sandali lang!"

[ Ano 'yon, Geneere? ]

"Gusto kong marinig ang boses ni Faye."

Napatingin si ZAC sa bata na nakapiring ang mata at nakatakip ang bibig. Nilapitan niya ito at sinipa ang upuan nito. Tinanggal niya din ang takip nito sa bibig bago itinapat sa mukha nito ang phone niya. Umiiyak ito dahil si ZAC ang kasama niya at lalo itong natakot sa pagsipa ni ZAC sa kinauupuan niya kaya lalo itong umiyak.

[ Magsalita ka! ] sigaw ni ZAC.

"Faye! Mommy's here!"

[ Mommy! Mommy, I'm scared! Mommy! ]

"ZAC, wag mong sasakyan si Faye, parang awa mo na!" makaawa niya.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Место, где живут истории. Откройте их для себя