[ 9 ] Video

18.1K 235 23
                                    

Chapter 9: Video


Bumalik kaagad si Kurt sa tambayan ng 11SG pagkatapos niyang makausap si Steffi at naabutan pa din doon si ZAC na nakatutok pa din sa kung anong ginagawa niya kanina pa habang si Kim naman ay nakaupo at nagpapahinga.


"Okay ka lang ba Kim?"

"Of course, I'm alright"

"Anong nangyayari kay ZAC?"

"You're smart and you know him Kurt. I know that you already know the answer to that"

"Bakit siya nagkakaganyan?"

"He's madly in love. He's crazy, that's why"

"Ano na naman bang ginawa ni Steffi sa kanya?"

"I think you should ask him about that, not me"

"Tingin mo malalapitan ko pa yan sa kondisyon niya?"

"Oo Kurt. Tayong tatlo na lang ang nandito at ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan niya sa grupo. Sasabihin niya sayo yan"

"Sige"


Tumayo si Kurt para lapitan si ZAC pero pumwesto siya sa lugar kung saan hindi niya agad na maaabala ang kaibigan. Napansin siya ni ZAC at tiningnan.


"Pre" seryosong sinabe ni ZAC


Hindi agad na sumagot si Kurt at hinintay lang ang sunod na sasabihin ni ZAC. Nakatingin si Kim sa kanila at nang tumingin si ZAC kay Kim ay alam niya na ang ibig sabihin noon.


"Okay, I'm out of here. I'll be back in a while" pagpapaalam ni Kim


Umalis doon si Kim para hayaang makapagusap ang dalawa. Pagkalabas niya ay napatungo na lang si ZAC.


"Hindi ko siya maintindihan pre. Parang hindi na siya ang Steffi na nakilala ko" malungkot na sinabe ni ZAC


Hindi pa din sumagot si Kurt at hinintay ang sunod na sasabihin ni ZAC. Tiningnan ni ZAC ng deretso si Kurt.


"Alam mo ang tinatago niya noon. Pati ba ngayon, may alam ka din? Kasi kung meron--"

"Wala akong alam ZAC. Matagal na kaming hindi nagkikita at nag-uusap"

"Panoorin mo ito"


Lumapit si Kurt kay ZAC at tumingin sa laptop nito. May dalawang video doon at ipinapanood iyon kay Kurt. Ang una ay CCTV footage ng building kung saan nagtatrabaho si Steffi. Nakita doon ang pagpunta ni Eric sa opisina ni Steffi at ang pag-alis nilang dalawa sakay ng isang sasakyan. Ang pangalawa naman ay CCTV footage sa loob ng mansyon ng mga Perez kung saan nakasalubong nila si Kim.


"Kilala mo ba yung lalaki? Pamilyar ba mukha sayo?"

"Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang nakita ang mukha nyan"

"Hindi ko din siya kilala pero sa tingin ko siya si Eric"

"Paano mo nasabi yan?"

"Tumawag si Jico kahapon kay Steffi pero ako ang nakasagot. Nabanggit ni Jico ang pangalan na iyon"

"Ibig sabihin, magkasabwat sina Jico at Steffi. Kilala din nilang dalawa ang lalaki na nasa video na yan, tama ba?"

"Nakuha mo. Gusto kong malaman kung sino ang lalaki pero mukhang hindi siya tagadito"

"Anong plano mo?"

"Hahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya. Hihintayin ko na sabihin niya sakin ang lahat"

"Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya aamin. Kahit na mahuli mo pa sa siya sa akto, hindi siya aamin at lalo lang siyang magsisinungaling. Aamin lang siya kapag nakuha niya na ang gusto niya"

"At ang gusto niya lang, maikasal kami kaagad"

"Pero bakit?"

"Yan ang hindi ko alam"


Natahimik si Kurt. Napaisip siya at naalala ang paghihiganti ni Steffi noon.


"Hindi kaya.."

"Hindi kaya ano, Kurt?"

"Hindi kaya naghihiganti pa din siya sa pamilya mo?"

"Imposible yan pero hindi ko din yan tinatanggal sa mga posibilidad. Sa tingin ko, may nangyari sa America na silang dalawa lang ni Jico ang nakakaalam"

"At tinatago niya dahil posible na kapag nalaman mo, iwan mo siya kaya siya nagmamadali siyang maikasal sayo. Hindi kaya ganun?"

"Posible din yan. Pero ano ang tinatago niya?"

"Malalaman din natin yan pre. Kilala kita ZAC. Hindi ka papayag na ganito. Kung sakaling maikasal na kayo sa isa't isa bago pa malantad ang lahat, mas mapapahamak siya sayo"

"Kaibigan nga talaga kita"

"Wag ka mag-alala. Tutulong ako at bago pa dumating ang araw ng kasal niyo, malalaman din natin ang lahat"

"Hindi na kailangan pre. Alam ni Steffi na naghihinala ako at sigurado akong alam niya din na may ginagawa ako. Masyado siyang halata at alam ko na siya din mismo ang maglalantad sa sikreto niya. Nababalot na siya ng takot ngayon, yan lang ang alam ko"

"Kakaiba ka talaga ZAC"

"Sa ngayon, sinusubukan kong pagdugtong dugtungin ang mga alam ko at isipin kung sino ang lalaking to"

"Sigurado akong may maiisip ka bago pa matapos ang araw na ito"

"May isa lang akong hihilingin sayo Kurt"

"Ano iyon?"

"Maging kaibigan ka kay Steffi. Kailangan ka niya ngayon"

"Hindi ko mapapangako na magagawa ko pero susubukan ko"

"Salamat pre"


Umupo si Kurt sa pwesto niya kanina. Ngayon, may alam na din siya sa mga ginagawa ni Steffi at alam niyang hindi magtatagal, malalaman niya din ang lahat.


"Oo nga pala pre, paano mo nakuha mga video na yan?"

"Sa asawa ng magaling kong kapatid"

"Kay Kim? Kaya pala nandito siya ngayon"

"Ganun na nga. Sinubukan niya pang magsinungaling at pagtakpan na nakita niyang may kasamang lalaki si Steffi pero nalaman ko din lahat dahil dito"

"Sigurado akong nahirapan ka makuha ang isa pang video. Paano mo napilit si Kim?"

"Takot niya lang mawala ang anak nila"

"Hindi ka pa din talaga nagbabago at dinadaan mo lahat sa lakas mo"

"Para saan pa na ganito ako, hindi ba?"

"Bilib talaga ako sayo pre"


May kumatok sa pinto kaya napatingin sila doon. Nandoon si Kim at nakangiti.


"Hindi pa ba kayo tapos magusap? Nakakangalay dito. Baka nakakalimutan niyo na buntis ako?" mataray na tanong ni Kim

"Wag ka mag-alala, tapos na kami magusap" nakangiting sagot ni Kurt


Inalalayan ni Kurt si Kim papunta sa upuan at tinabihan siya.


"Magpapaiwan pa din ba kayong dalawa dito?" tanong ni Kurt


Tiningnan ni Kim si ZAC at nang makita niya ang itsura nito ay alam niya na kaagad ang sagot.


"Magpapaiwan pa kami"

"Paano ka uuwi? Sigurado akong hindi ka ihahatid nyan"

"Don't worry Kurt, Zavier will fetch me"

"Sige, aalis na ko. May gusto ka bang kainin Kim? Bibilhan kita bago ako umuwi"

"No, thanks Kurt. I'm good"

"Ge. Mag-ingat ka"


Pagkaalis ni Kurt ay natahimik ang lugar na iyon. Bumalik na naman sa ginagawa niya si ZAC at tahimik na nakaupo si Kim.


"Aren't you sick of watching those?" naiiritang tanong ni Kim


Hindi na nagugustuhan ni Kim na nakikitang ganun si ZAC kaya dineretsa niya na ito.


"Kung gusto mo na umuwi, pwede ka na umalis"

"It's not because of that. I'm also sick of watching you like that. You've been like that for a whole day"

"Gusto kong kabisaduhin ang mukha ng Eric na ito para kapag nakita ko siya, makikilala ko siya kaagad"

"Good idea"

"Lumapit ka dito"


Nilapitan ni Kim si ZAC at agad na tumingin sa screen ng laptop niya.


"Hindi mo ba talaga kilala ang lalaking ito?"

"He's really familiar but I can't remember where I saw him before"

"Sa tingin ko alam ko na ang nangyari dito"


Tiningnan lang ni Kim si ZAC.


"Nagkita kami nito ni Steffi. Parehas na nakapark ang sasakyan namin at ng lalaking iyon sa labas kaya sigurado akong nakita niya kami mag-usap. Pagkatapos namin mag-usap, pumasok si Steffi sa loob at hindi nagtagal sumunod doon ang lalaki at sinubukang gumawa ng eskandalo pero pinigilan yun ni Steffi sa paghila ng lalaki papunta sa labas"

"Ibig sabihin may kung anong namamagitan sa kanilang dalawa, tama ba?"

"Ayaw ko man aminin pero posible iyon. Tingnan mo ito. Nagtagal pa ang sasakyan sa labas at sigurado akong nag-usap sila sa loob. Pagkaalis, pumunta kaagad sa inyo sina Steffi dahil kung titingnan mo ang oras, magtutugma iyon"

"Tama ka"

"Nakasalubong ka nila at sabi mo, nagmamadali si Steffi at umiiwas. Pumasok sila sa loob ng kwarto ni Steffi pero madaling araw na ulit nang lumabas silang dalawa--"

"ZAC, stop. You--"

"May affair sila ng lalaki, yun lang ang naiisip ko kaya tinatago siya ni Steffi. Kung hindi man, posibleng may affair sila noon pero hinahabol siya ng lalaki hanggang dito"

"Pero bakit iyon gagawin ng lalaki?"

"Yan ang hindi natin alam at kailangan nating malaman. Sa ngayon, ito lang ang mayroon tayo kaya hindi natin alam ang dahilan. Kapag may maitutulong ka, sabihan mo ako kaagad Kim. Ikaw lang ang maaasahan ko sa mga ganitong bagay ngayon"

"Don't worry, I'll help. I'm also intrigued about that guy"


Napansin na lang ni Kim na nagligpit na ng gamit si ZAC.


"Where are you going?"

"Aalis na ako. Susunduin ko pa si Steffi"

"You're leaving me here?!"

"Oo. Susunduin ka naman ni Zavier, hindi ba?"

"Oo pero--"

"Bye"


Kinuha ni ZAC ang gamit niya at madaling umalis.


"ZAC! Hey!" sigaw ni Kim


Hindi na siya pinansin ni ZAC kaya wala na siyang nagawa kung hindi itext na lang si Zavier na sunduin siya doon.


"After helping him, he will just leave me here?! I'll make you pay for this Zyril. I'll torture Steffi even more" yan na lang ang nasabi ni Kim


-----------------------

Yung plot din talaga ng story is about Steffi's secret. If it wasn't for that, walang book 2. I'm leaving some clues and unti unti kong palalabasin yung secret niya. Wag kayong mag-alala, malalamn niyo din lahat soon. Pero once na malaman sikreto niya, that will be the hint na nangalahati na tayo sa story so wag niyo sana madaliin kasi matatapos din to agad kapag minadali yung plot. (:

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Место, где живут истории. Откройте их для себя