[ 43 ] Sorry

8.5K 204 55
                                    

Chapter 43: Sorry

"Geneere, just hold my hand. Hindi kita papabayaan," sabi sa kanya ni ZAC.

Napangiti si Steffi nang marinig iyon. Kumapit siya sa kamay ni ZAC at napalingon. May ilang mga lalaki na sumusunod sa kanila na tila ba may atraso sila rito pero ano man iyon, hindi niya din alam.

Sabay silang tumatakbo palayo. Alam niya na tinatakasan nila ito pero masaya siyang tumatakbo kasama ni ZAC. It feels like everything was right. Everything was beyond normal. Everything was happy for them. Walang mabibigat na problema, walang iniintindi at puro kasayahan lamang.

Natigilan sila sa pagtakbo nang magdilim ang paligid at isang tunog ng baril ang narinig niya.

"Zyril!" sigaw niya.

Tinamaan ng bala ng baril si ZAC at unti unti itong naglaho.

"ZAC! ZAC!"

"Steffi! Steffi, gising!"

Hinihingal si Steffi nang magising siya. Isa lang pala iyong panaginip. Napayakap siya sa lalaki na nasa harapan niya ngayon. Takot na takot siya.

"Masamang panaginip lang 'yon. Hindi 'yon totoo. Calm down," mahinahong sinabe nito.

Pilit na pinapakalma ni Steffi ang sarili. Kinuha ng lalaki ang tubig na nasa tabi lang ng kama nito at iniabot kay Steffi.

"Uminom ka muna ng tubig."

Ininom kaagad ni Steffi ang laman na tubig ng baso na iyon. Pinagpapawisan siya at tila ba pagod na pagod.

"Okay ka na ba? Maiwan na kita dito."

Aalis na sana doon ang lalaki pero hinawakan niya ang kamay nito para pigilan ito.

"N-no! N-natatakot ako. Dito ka na lang muna."

Umupo ito sa tabi niya.

"Putok na naman ba ng baril ang napanaginipan mo?"

Tumango lang siya bilang sagot. Nakayakap siya ngayon sa unan niya. Natatakot pa din siya at hindi siya mapakali.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now