Guys, vote kayo para ganahan ako lalo na magupdate :( Binibilisan ko naman na yung update e. Please? :) Just click the star icon to vote.
Keep on voting + comment na din para mabigyan kayo ng dedication. Make sure na nakafan/follow din kayo sakin.
Chapter 17.2: Gift
Habang naghihintay doon si ZAC ay lumabas sa kwarto ang anak ni Steffi na si Faye. Nang makita ng bata si ZAC ay agad siya nitong nilapitan. Lumapit ang bata para tingnan si ZAC at nakatingin lang ng masama dito si ZAC. Hindi niya maiwasan na magalit dito.
'Ito ba ang anak nila? Kung hindi dahil sa batang to, hindi sana kami nagkakagulo ngayon'
Natatakot ang bata kay ZAC kaya hindi ito tumabi sa kanya pero pumwesto lang ito sa harap niya.
"Who are you?" tanong ng bata
Hindi siya pinansin ni ZAC at umiwas na lang siya ng tingin sa bata. Nilapitan siya ng bata at tumapat sa kung saan makikita siya ni ZAC.
"Who are you?" tanong ulit nito
Hindi pa din siya pinansin ni ZAC. Hanggang maaari ay gusto niyang iwasan ito dahil hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin kapag nainis siya. Dahil hindi siya pinapansin ng bata ay nilapitan niya si ZAC at hinawakan.
"Hey! Who are you?!" pangatlong beses na tanong nito
Dahil nainis si ZAC ay naitulak niya ang bata palayo sa kanya. Hindi ito agad umiyak pero nakatingin ito kay ZAC at tila ba iiyak na. Nakasimangot ang bata at nagpapaawa.
"Ano iiyak ka?!" naiinis na tanong ni ZAC sa bata
Hindi sumagot ang bata at tinitingnan lang siya na lalo niyang ikinainis.
"Monster ako. Monster ang pangalan ko! Kakainin kita!" pananakot ni ZAC sa bata
Dahil sa sinabe niya ay natakot ang bata at umiyak.
"Mommy! May monster!" umiiyak na sigaw niya
Nang marinig ni Steffi iyon ay agad siyang umalis sa kusina at pumunta sa sala. Nakita niya doon si ZAC na malayo kay Faye. Nilapitan niya ang anak na agad na yumakap sa kanya at umiyak ng umiyak.
YOU ARE READING
An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)
Teen FictionLOVE is DANGEROUS. This is the second book. An Orphan's First Love ang title ng book 1.